Prologue

947 Words
Marangya at malaya—iyan ang naging buhay ni Agatha sa mga nagdaang taon. Party rito, party roon; travel dito, travel doon, at higit sa lahat ay shopping dito, shopping doon. Lahat ng gusto niyang gawin ay nagagawa niya, at lahat ng gusto niyang bilhin ay nabibili niya dahil sa yaman ng kanyang pamilya. She's enjoying her luxurious life to the fullest. Ngunit isang araw ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa amang si Amorsolo Consunji at pinapauwi siya sa Pilipinas, at kung hindi siya uuwi ay mapipilitan silang i-freeze ang bank accounts niya at tanggalan siya ng mana. Kaya heto siya ngayon, nakaluhod sa harap ng mga magulang at kulang na lang ay halikan niya ang mga paa nito. "Dad, huwag namang ganito. I didn't do anything wrong," pagtatanggol niya sa sarili bago tiningnan ang inang si Celestine na siyang inaasahan niyang susuporta sa kanya ngunit iniwas lang nito ang tingin sa anak bago yumuko. Nakagat na lang ni Agatha ang labi dahil mukhang walang kakampi sa kanya sa pagkakataong ito. "You didn't do anything wrong?" Tumaas ang kilay ng kanyang ama dahil sa narinig, na tila ba'y hindi makapaniwala sa sinabi ng anak. "All you ever did was give us problems and headaches, Agatha!" sigaw nito at matalim na tiningnan ang dalaga. Napaigtad si Agatha sa takot. Alam niyang sa pagkakataong ito ay seryoso ang galit ng ama niya sa kanya. Napalunok siya bago sinalubong ang nagbabagang mga mata nito. "A-Am I?" Mas lalong kumunot noo ng kanyang ama at napailing na lang ito bago nahilot ang sintido. "You're already twenty-five, Agatha. Please, ayusin mo na ang buhay mo," may halot inis at pakiusap nitong sambit. "I am doing it, Dad. I'm fixing my life," sagot niya sa ama. "That's why I travel the world to experience life; to seek my purpose in life," seryosong paliwanag niya. "Shut up!" sigaw ng ama niya sa kanya. Napangiwi siya dahil mukhang seryoso na talaga ang galit ng ama. Mukhang hindi na ito madadala ng pagpapaawa. "Do you think you can fool me?" matigas nitong sabi sabay lapit sa kanya at piningot ang tainga niya. "All you ever do is waste money!" "A-Aray!" daing niya at napakapit sa kamay ng ama. Todo ngiwi siya. "S-Stop, dad. Please! My ear's gonna tear!" Pabagsak siyang binitawan ng ama. Bakas pa rin sa mukha nito ang inis. Huminga ako nang malalim bago muling umupo sa sofa. Nahilot pa nito ang sintido bagi tumingin sa kanya. "It seems like hindi ka na madadala sa pakiusap, kaya nagdesisyon na kami ng mama mo na turuan ka ng leksyon," malamig nitong sabi. Napalunok si Agatha dahil ramdam niyang may hindi magandang mangyayari. "Dad," malambing niyang tawag dito sabay ngiti. "I am still your little girl, right?" "You're twenty-five," malamig nitong sagot. Napamura siya sa isipan dahil hindi tumalab ang pagpapaawa niya. Gumapang siya palapit sa ama at niyakap ang paa nito. Wala na siyang ibang magagawa kundi ang itodo ang pagdadrama, "Dad, please! Please, huwag n'yong i-freeze ang bank accounts ko at huwag n'yo akong tanggalan ng mana. I'd rather die than be poor!" "We are not that heartless, Agatha," sagot ng ama kaya nagliwanag ang mukha niya. Agad siyang tumingin dito at ngumiti. "Really? Thank you, dad. You're the b—" "But," putol ng ama sa sinasabi niya. "We won't give it to you easily either," sambit nito dahilan para mawala ang ngiti sa labi niya. "What do you mean, dad?" tanong niya rito. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Ang dami na niyang naiisip na pwedeng gawin ng ama, at isa na roon ay ang pagtrabahuin siya sa kompanya nila, sa Consunji Estates. "I have been telling you to contribute to our company ever since you finished your degree, and you have been always ignoring me," panimula ng ama at mariing tumitig sa kanya. "Now is the time for you to do it, Agatha. Prove yourself. Show me that you can contribute something for the growth of Consunji Estates," dagdag nito. "That is the only condition you need to meet. Para din naman sa 'yo ito. We're getting old, and we don't want to die yet knowing you can't handle even a single job perfectly. Ayaw naming mamatay nang wala ka pang alam sa buhay. Hindi kami matatamihik ng mama mo." "Why are you suddenly talking about death?" Napanguso siya. "At isa pa, you know I hate working in a corporate setting. I can't do it. Ayoko," angal niya at tiningnang muli ang mga magulang. "Well, you leave us with no other choice," sagot ng ama bago tumalim ang tingin nito sa kanya. "Work in our company and contribute something or forget about the wealth you used to enjoy." "No!" mabilis siyang sagot at mariing umiling. "I'll do it. I will work there just...just don't take my money away from me," pagsuko niya. "So, how can I exactly know that I contributed enough?" "Your brother will be the one to tell. He's the CEO after all," sagot ng ama bago tumayo. "That's it. You'll start working whenever you feel like doing it," dagdag nito bago tuluyang umalis. Bumagsak na lang siya sa lupa, naglupasay, at nagluksa sa pagtatapos ng marangyang buhay niya. "Mom, help me, please?" pagmamakaawa niya sa ina. Umiling lamang ito bago tumayo na rin. "It's your father's decision, Agatha. I'm sorry. And I also think na 'yon ang mas makakabuti sa 'yo," dagdag nito bago sumunod sa asawa. Napaiyak na lang sa sahig si Agatha. She's doom. Wala siyang kaalam-alam sa negosyo ng pamilya. But she doesn't have a choice. Kaya kahit anong mangyari ay sisiguraduhin niyang mababawi niya ang mana. No matter what it takes!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD