Agatha Marie Consunji is a spoiled brat. She gets whatever she wants and does whatever she likes. Wala siyang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ng mga magulang niya kaka-party, gala, at gastos ng pera, hanggang sa mapuno ang mga ito at tinakot siyang hindi makukuha ang mana kung hindi siya magtitino.
Dahil sa takot na mawala sa kanya ang pinakamamahal na mana ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto ng mga magulang niya—ang magtrabaho siya sa kanilang kompanya at aralin ang kalakaran para makatulong siya sa kapatid niyang si Sullivan Consunji sa pagpapalago ng Consunji Estates.
Pero dahil wala talaga siyang interes sa pagtatrabaho ay puro kapalpakan lang ang dala niya sa kompanya, dahilan para ang ulo naman ng kapatid ang sumakit. Sa inis ng kuya niya sa kanya ay kinausap siya nito nang masinsinan at doon nila napagkasunduan na bigyan na lang siya ng isang project na gagawin, at pagkatapos no'n ay magiging malaya na siya at pwede na siyang bumalik sa dati niyang buhay.
Binigyan siya ng kapatid ng isang misyon, at 'yon ay ang papirmahin ang gobernador ng probinsiya kung saan nila itatayo ang isa sa pinakamalaking proyekto ng kompanya.
Agad iyong tinanggap ni Agatha. Sa isip-isip niya'y napakasimple lang ng gagawin niya. Pero nang pumunta siya sa probinsya at makausap ang gobernador na nagngangalang Alfonso Manuel Villaruel ay gusto na lang niyang isumpa ang kuya niya dahil sa trabahong ibinigay nito sa kanya.
Guwapo ngunit isang antipatiko ang gobernador, at kuhang-kuha talaga nito ang inis niya dahil nagmamatigas itong pumirma ng permit. Pero dahil desperada siyang matapos ang trabaho at makabalik sa dating buhay, ay kinausap niya ito at tinanong kung ano ba ang gusto nitong gawin niya para lang pumirma na ito.
Inasahan na niyang hihingi ito ng pera, pero halos mawindang siya nang alukin siya nitong maging alipin sa loob ng isang buwan—at hindi lang basta-bastang alipin, kundi isang sèx slave!
She can't help but to freak out. She was just offered to become the governor's slave!
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Tatanggapin ba niya ang alok ng gobernador o piliin na lang na magdusa kakatrabaho sa kompanya hanggang sa makumbinsi ang mga magulang na ibigay sa kanya ang kanyang mana?