Valentine's POV
Kung may 2000 mL na D5W na i infuse over 8 hours. So bale yung kada oras ng pasyente ay 250 mL.
Nagsosolve ako ngayon ng comprehensive review sa Pharmacology namin especially sa Drug Calculation. Ngayong patay na si sir Martin hindi na masyadong nagtuturo yung gurong bwakanang kung maka bigay ng review sheets wagas.
May narinig akong pagbukas ng pinto sa labas. Sinarado ko muna ang libro at saka bumaba. Baka sila nanay Andrea yung dumating galing palengke. Gutom na gutom na kasi ako. Wala pa naman sila mommy at Kania kaya walang magluluto..
Opo hindi ako marunong magluto. Si Victoria masarap magluto. Pero ako sinubukan ko ilang beses yung kusina na talaga ang bumigay. Ayaw sa akin.
Pababa palang ako ng hagdan pero nakita ko na yung bulto ng tao na parang nagnininja sa pag iingat ng hakbang.
" Now where have you been miss sneaky pants?" Tanong ko sakanya matapos kong bumaba at talagang nakapanlabas pa. Lumaki ang mata ko nang makilala ang damit na suot nya.
" May binili lang ako." Sabi nya sakin
" Wearing that? Were you drag racing again?" I obviously can't believe this girl. I know she was a drag racer before when I caught her red handed years ago and were both minors that time.
" I bought food. You can have it." Sabi nya at may inilahad na paper bag sakin.
Halos umapaw naman ang laway ko sa nakita ko dahil may lasagna sa loob. My favorite!
" I'll let this slide today. Pero kapag nag drag race kapa ulit. Bibitayin kita." Banta ko sakanya.
" Alright. Now get off my face. I need some sleep. " Sabi nya at saka umakyat na sa taas.
Umismid lang ako atsaka pumunta sa kusina para kumain
Napakislot ako ng magring ang cellphone ko.
Kumunot naman ang noo ko nang makita ang pangalan na nakarehistro sa telepono ko.
" What now creep?"
" Do you ever say Hello to everyone who call you?"Sagot ng nasa kabilang linya
" I'm busy Mr. Azamiko. Get lost."
" Wait wait, I didn't call to ask you out or pester you today."
" Well then. What is it?"
" Do you still have the chest I gave you?"
" You mean that ugly looking chest I threw-
" Tinapon mo?" sigaw nya sa kabilang linya.
" Patapusin mo muna ako. Peste to." Inis kong sabi. " I threw it in the attic since hindi ko mabuksan. I was waiting for you to ask for it since ayoko din namang kusang ibalik sayo." Dagdag ko
" Can I have it back? I put something important in there. I need to retrieve it."
" Siraulo ka din pala eh. Bigay bigay mo pa sakin tapos may importante palang nakalagay dun."
" It was really meant for you. But things get a bit messier lately so I need it."
" Namumulubi kana ba? Gold ba yun?"
" I'll get it first thing in the morning tomorrow. Bye Valentine I lo-
Pinatay ko na yung tawag. Ayan na naman sya sa mga wala nyang kwentang sinasabi sakin. Mga walang kabuluhan. Nakakasakit ng tenga.
Alexander's POV
I just shoved my head towards the desk after I finished the reports and transactions this man put me into.
Plus the fact that he's planning on courting Victoria right now makes my head ache a lot.
" Have you seen her at the Academy?"
I just shake my head while staring at the small bouquet he bought on the way here.
" Where else could she be?"
" It's been days since she got discharged. How about her twin?" Azithere said
" She got nothing. She won't answer me." Tyronne answered.
" Damn it." He cursed.
" Relax Mr. Loverboy. Hindi ganon kalaki ang mundong ito para sainyong dalawa okay? In months time I heard she's going to say goodbye to her teenage years. She'll be 20. You might plan something for he birthday. That is if you wanted to." Sabat ni Tyronne
" Why the sudden feeling for her? You didn't even spend some time with her." Sabat ko din
" Technically, he did spend more or less a week in Victoria's house." Sabi ni Tyronne
That hit me. 3 days is even a lot to fall in love. Much less a week.
I felt a sharp pang of pain in my chest after realizing that Mr. Azreal has an advantage in terms of winning Victoria over.
I'll make sure that Victoria won't fall for him.
Victoria's POV
It's been days since I became the Delta once again and it feels like home. I don't feel loneliness anymore.
" The Reptilian Troops are on the attacking stance right now. Prepare to shoot." Sabi ko mula sa chopper habang naka harap sa screen kung saan nakikita ko ang mga galaw nila dulot ng mga planted camera sa paligid.
We're not required to kill right now. We just have to decapitate the personnels since they're only guarding the children's dungeon. But if they put on a fight. We have no choice. It's going fall on to kill or to be killed.
" DK Caiman to the east wing, DK Chameleon to the west wing. DK Python for assist and DK Sailfin for general assault." I am in charge of giving orders at this point.
" How about the Winged Troupes?" Tanong sakin ni Falcon habang nagsusuot ng harness
" You already know what to do Falcon. What is it there that you don't know?"
" Just kidding. Stay safe here okay? I'll go together with Zulu and Yankee to save the children." Sabi nya at saka tumalon. Ganun din si Zulu at Yankee.
Ang naiwan nalang ay ako at ang Pilot ng Chopper.
Mukhang kayang kaya naman nila ang mission. Sayang lang at minor pa ang role ko ngayon.
Napaisip din ako. Kung malaman kaya ni Azithere ang ganitong trabaho ko. Matatanggap nya kaya ako?
Isa pa sa nakakapagpabagabag sakin ay kung isa nga syang Mafia.
The puzzles are puzzling and he could be one. Pero paano ko naman malalaman yun kung nang hindi sya nagsususpetsa?
Ipinilig ko nalang ang ulo ko at itinuon ang pansin ko sa screen. Baka masabugan pa kami dito kung hindi ako magcoconcentrate.
Putukan lang ang naririnig ko dahil napuno na ng usok ang nakikita ko sa screen. The Perpetrators probably released several smoke grenades to stall the Death Knights.
Mga ilang oras pa ay humupa na ang barilan.
" DK Falcon on the line. The hostages are safe. Prepare to retreat. I repeat prepare to retreat." Sabi ni Falcon sa kabilang linya.
" Good work everyone. " Sabi ko at saka kinuha ang harness para ilaglag. Aakyat na kasi sila Falcon, Zulu at Yankee.
Nang maka akyat na sila ay isa isa na nilang tinanggal ang mga weapons at mga magazine ng bala sa kanilang pouch.
" That was intense! You should have seen them being so desperate in winning." Sabi ni Zulu na ngayon ay ang puti nyang maskara ay naging gray.
" Years of training for us to be this successful. Of course we'll win every game." Sabi ni Falcon.
" How are your Death Knights Falcon? I heard the new members of Reptilian Troops are stronger than the old ones and I can see that they are more than meets the eye." Tanong ni Yankee
" The new guys are really worthy of training. They just need to sharpen their senses. You never know, they might surpass the seniors when it's time for the Carnage." Sagot ni Falcon.
" Good Job Falcon. Now let's go back. I'm really tired. I really have to take some rest now." Sabi ko
Pagdating sa Helipad ay agad akong sumakay sa Ducati ko. Pinaharurot ko lang ito. Dumaan muna ako sa isang fast food drive thru para mag take out ng lasagna at burger. Gutom na kasi ako. Pag kuha ko ng order ay kinain ko kaagad ang burger. Mamaya nalang ang lasagna pang snack.
After 30 minutes ay dumating na ako sa harap ng passage ko. Pero sa kasamaang palad ayaw nitong bumukas.
" Oh please. Wag ngayon. Wala na akong ibang daanan para matago ka." Singhal ko habang nagdabog ng konti.
Sinubukan ko pang buksan pero nadismaya lang ako. Kaylangan ko pang iwan tuloy ang motor ko. Nilagyan ko lang ng booby trap na dala ko ang gasolinador pati ang mismong upuan para kung sakaling nakawin ay maaksidente muna. Naglakad nalang ako papunta sa bahay. Sana lang talaga hindi lumabas si Valentine.
Nang nasa harap na ako ng bahay ay nagdalawang isip pa alo kung aakyatin ko nalang papuntang kwarto o dumaan sa main door.
Pero napagpasyahan ko na sa main door nalang dumaan. Hinay hinay lang ako na pumasok. Tiptoe lang ang ginagawa ko para iwas ingay.
" Now where have you been miss sneaky pants?" Shoot, ito na nga ba ang sinasabi ko. May lahing manananggal yata tong si Valentine at napaka sensitive ng tenga.
" May binili lang ako." Sabi ko at saka pinakita ang paper bag.
"Wearing that? Were you drag racing again?" Sabi nya habang nakakunot ang noo. Naalala ko na. May isang beses na nahuli nya ako. Dinahilan ko nalang na I was drag racing para hindi na masyadong magtanong. Sinermonan nya ako ng todo. Pero that was before na wala pang secret passage at Ducati kaya nagpagawa ako habang nasa business trip sya.
" I bought food. You can have it." Sabi ko and shoved the paper bag to her face.
" I'll let this slide today. Pero kapag nag drag race kapa ulit. Bibitayin kita." Nagbanta pa talaga.
" Alright . Now get off my face. I need some sleep. " Sabi ko at saka umakyat na. Buti nalang drag racing lang ang naalala nya. Nakahinga ako ng maluwag.
Valentine's POV
Paakyat ako ngayon sa kwarto dahil gigisingin ko lang naman ang magaling kong kakambal para mag agahan.
Kinatok ko muna. Baka kasi magalit nanaman kapag bigla bigla akong mag barge sa loob.
" Tori! Kakain na!" Sigaw ko sa labas
"Naliligo pa ako! At kapag pumasok ka babatuhin kita ng Flat Screen TV makikita mo!" Sigaw nya
Ang weird nya talaga minsan. Madalas ko ngang iniisip kung naka format ba lagi ang bibig nya para jan sa pambansang Flat Screen TV nya na ibabato nya sakin.
Bumaba nalang ako. Bahala sya dyan nauna nalang akong kumain.