Walang mga salita ay hawak hawak lamang ng maskaradong lalaki si Nia habang tinatahak nila ang madilim na daan. Hindi alam ni Nia kung paano ngunit madali lamang para sa lalaki na malakad ang pasikot sikot na lugar na tanging kadiliman lang ang makikita. Bagamat katulad ng isang lalaki ay hawak rin niya ang kamay ni Nia ay wala itong maramdamang takot. Maingay siyang hawakan ng lalaki at sinisigurong makakadaan ito sa kadiliman. Hindi nagtagal ay tumigil sa paglalakad ang lalaki. Humawak ito sa dingding na hindi nagtagal ay nagbukas ng lagusan. Marahan niyang hinila si Nia upang papasukin sa lagusan na iyon. Nang makalabas na si Nia ay walang hirap itong kumuha ng makinang na bato mula sa matigas na dingding saka ibinigay sa dalaga. Walang mga salita ay hinintay lamang ng lalaki na muli