Chapter 10

1065 Words

“SIGURADO po ba kayo, Ma’am Joanna, na mauuna na ako pabalik sa mansiyon?” Tinanguan niya si Tesa. “Oo, Tesa. Gusto kong mapag-isa muna. Susunod din naman ako. Saka tanda ko naman ang daan pauwi.” Alas dos na iyon ng hapon. Parehas na silang bihis ni Tesa at plano ng umuwi nang mapagpasyahan niyang manatili muna roon ng ilang sandali pa. Gusto niyang mapag-isa muna at mag-isip. May pag-aalinlangan sa mukha ni Tesa na iwan siya roon. “I’ll be fine,” assurance niya rito. “Hindi naman ako mapapaano rito. Sige na.” Wala ng nagawa na umalis na ito dala ang mga gamit nila at basa nilang kasuutan. Nagpakawala si Joanna ng buntong-hininga bago naupo sa damuhan. Naisip na naman niya ang kaibigang si Ivy. Napapikit siya nang maalala ang pangako niya ritong pagganti sa ex nito na nanakit dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD