Prologue

982 Words
Prologue "ARAY! Huwag mo kasing bilisan!" Reklamo ko. "Nagdurugo na nga eh, hindi ko pa bibilisan, pawis na pawis na ako sa init, Gelai!" Nakakunot na ang noo niya. Totoo ring pawis na pawis na siya. Halata ito sa kanyang namumuong mga buhok dahil maging ang ulo niya ay namamawis na. "Aaaawww, Baste, ang hapdi nga kasi, dahan-dahan naman," hinampas ko ang namamawis niya na ring braso. Nataon pang brownout. Kaya't heto ang init sa pakiramdam. Namumula na ang katawan niya dahil sa init ng panahon. Naka- hairband pa siya dahil naiirita raw siya sa buhok niyang medyo malago na. Mestizo kasi siya at mana sa kanyang ama. Kumunot ang noo niya at sumama ang tingin sa akin. Tiningnan ko rin siya diretso sa kanyang mga mata. Normal na sa akin ang ganito niyang aura lalung-lalo na kapag naiinis siya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang leeg, dibdib at tiyan. Wala siyang abs, pero bakit nakakaakit ang pawisan at medyo tabain niyang pangangatawan? Erase! Erase! Pinupuri ko na naman ang lalaking nagpadugo sa akin. "Ang dami mong reklamo ah, napaka kangkarot mo kasi!" Saka niya mas binilisan. "Aarrraayyy, Baste, masakit nga!" Hindi ko na napigilan pang sumigaw. "Hoy Kangkarot, baka ang isipin nila may milagro tayong ginagawa dito, kung maka-ungol ka!" Tumayo siya at inilagay ang pareho niyang kamay sa kanyang bewang sabay tingin sa akin ng masama. "Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Hinding hindi ko naman isusuko ang p********e ko sa'yo, ano ka, sineswerte? Manigas ka," naiiyak na ako sa sobrang sakit. "Naku po, ineng. Kahit magsuot ka pa ng panty at bra lang o kaya ay maghubad ka sa harapan ko, hindi ako maninigas. Para kang lalaki sa paningin ko," mapang-asar niyang wika. Naiinis na ako sa lalaking ito. Kung hindi lang talaga ako nahihirapan ngayon ay baka maibuhol ko ang dila niya. Nakaiinis na siya! "Kasalanan mo ito!" Sigaw ko pa. "Dapat lang sa'yo iyan. Napakalikot mo kasi," sabad niya. "Eh kung hindi mo ako kinukuhanan ng litrato habang sumusubo ako ng pagkain, hindi ko masisira ang screen ng cellphone mo!" Resbak ko. "Binura ko naman kaagad ah. Saka baka mas masira pa ang cellphone ko kapag nag-save ako ng picture mo. Kilabutan ka naman, ineng!" Bwelta niya sa akin. "Binura mo nga, meron ka naman recently deleted pictures. Kunwari ka pa, isusumbong kita sa tatay mo," pagtataray ko. "Subukan mo, hindi lang paso ng tambutso ng motor ang makukuha mo," pagbabanta niya. "Tingnan mo, sinadya mo talaga," sabi ko pa habang hinahawakan ang paligid ng sugat sa paa ko. "Hindi ka mapapaso kung hindi mo itinakbo ang cellphone ko sa labas at sa motor mo pa nais makipaghabulan sa akin," teka, bakit ang galing niyang hanapan ako ng butas. "Basta kasalanan mo pa rin," umiyak na ako. Natahimik naman siya at lumapit ulit sa akin saka hinawakan ang bulak at ang alcohol. "Ano na naman? Bubuhusan mo na naman ng alcohol? Ang sakit sakit na nga," tumutulo na rin ang uhog ko sa sobrang hapdi. "Gagamutin na nga kita, kasalanan ko diba?" Para siyang maamong kuting ngayon dahil alam niyang isusumbong ko siya. "Kaya ko nang gamutin, umalis ka na dito sa kwarto ko," taboy ko sa kanya. Pero imbes na umalis ay hinipan niya ang sugat ko. Napatitig naman ako sa kanyang namumulang mukha, mestizo talaga siya. At napaka-ganda ng kanyang mga pilik-mata. Ang tangos ng kanyang ilong at ang pula ng mga labi niya. Mukha na siyang anghel pero pag nagsalita ay parang demonyo. Sayang! Nawala ako sa isipan ko habang pinupuri siya ng damdamin ko. "Aaaawww!" Napahiga ako habang hawak ang paa kong may sugat nang buhusan niya ng alcohol iyon. Nanghina ako. Sobra! "Hahahaha!" Ang lakas ng tawa niya, sobrang lakas at halatang magugustuhan niyang nahihirapan ako. "Basteeee, isusumbong kita! Hoooohhh, ang sakiiittt!" Reklamo ko pa. "Magsumbong ka, sanay na akong mapagalitan," aniya. "Makakaganti rin ako sa'yo, labanos!" Sigaw ko. "Ows!" Tumaas pa ang kilay niya at umarko ang mapula niyang labi. Saka niya inayos ang hairband ng buhok niya. Tiningnan ko lang siya ng masama habang nakatitig siya sa akin at tinitingnan ako na parang nang-aasar. "Isusumbong talaga kita mamaya sa mga magulang mo, tandaan mo iyan!" "Panay ka sabi ng isusumbong, hindi mo naman ginagawa," sineryoso niya ako sa tono ng kanyang boses. Natahimik ako. Pang-ilang beses niya na ba akong na-bully? Maraming beses na. Pero iba na ito. Kailangan ko nang makaganti. Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Nahagilap ng kamay ko ang scientific calculator sa gilid ng kama at walang anu-ano'y binato ko siya. Sapul siya sa ulo. Sinapo niya agad ang noo niya at napaupo sa sahig. "Aaaawww," mabigat niyang daing. Luh. Nakonsensya ako kaagad. Kaya't kahit iika-ika ako ay lumapit ako sa kanya. "Hala, sorry. Hindi ko naman…hala!" Nagulat pa ako nang tanggalin ko ang kamay niya sa noo niya. Nagdurugo ang kanan niyang noo. "Tingnan mo ang ginawa mo!" Mababa ang boses niya. Bigla akong natakot at napaatras. At dahil may sugat ako ay nailapat ko lang ang mga palad ko sa sahig habang lumalapit siya sa akin. At nang halos nakapatong na siya sa akin ay saka lang ako pumikit. Dios ko, hahalikan niya ba ako? Nagbalik lang ako sa huwisyo ko nang pitikin niya ang aking noo. "Aww!" Nagmulat ako ng mga mata sa pagkagulat. "Huwag kang mag-pout ng lips mo, hindi kita hahalikan!" Aniya. Napatingin ako sa kanan dahil gusto kong umiwas sa kanyang mga mata. "Quits na tayo. Parehas na tayong sugatan. Huwag ka nang magsumbong sa kanila. Hindi na rin kita i-bubully," ang baba ng boses niya. First time ko siyang marinig na nagseryoso. Tumayo siya at saka ako tinulungan na tumayo ngunit agad akong binitawan. Bigla naman akong napaupo at sumalampak sa sahig. "Aray naman!" "Ayy sorry, nabitawan ko," ngumiti siya at nagtaas baba ng kanyang mga kilay. Tumalikod na siya sa akin at natatawang umalis. "Basteeee!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD