Kabanata 16: Kalituhan I

1263 Words
DHAN AXL'S POV KANINA pa 'ko naghihintay kay Aqi para lumabas ito ng ospital. Nasa kotse ako, ilang minuto na 'kong nababagot. Sinamahan ko ito kanina upang bumili ng bulaklak para kay Nicole. Hanggang dito ba naman ay gusto niya pang ako ang maghatid sa kanya para daw makasiguro ito. Ewan ko na lang kung magugustuhan niya ang ugali niyong si Nicole. Naalala ko noong unang nagkita kami ng babaeng 'yon, hindi ko na gusto ang tabas ng pananalita niya. Nakahanap nga talaga ako ng katapat ko. We're pretty similar. Sumandal na 'ko sa kinauupuan ko nang makita kong paparating na si Aqi. Hindi na maiguhit ang hitsura nito. Kaya wala sa sarili akong napahagikgik sa loob ng kotse. Binuksan niya ang pinto at inis na isinara iyon nang makaupo siya. "So... How's Nicole?" Nilingon ko ito sa gilid ng nakakaloko. Nakakunot ang noo niya. "Ang pangit niya ka-vibes, 'no? Wala na siyang ginawa kundi sagarin ako sa sobrang inis." Napahagikgik na lang ako. "Sabi ko naman sa iyo, huwag ka nang magtangkang magpakita sa kanya. Hayan, nagpumilit ka pa kasi. Anong napala mo? Hahaha!" Umiling na lang ito bilang sagot sa sinabi ko. Alam kong sa una lang naman ganoon si Nicole. Sa likod ng mga nakikita kong pagsusungit niya sa akin, may nakatago roong ngiti. Masayahin naman talaga siya. May mga bagay lang siguro na kailangan niyang alamin para maging maayos ang lahat sa kanya. Paaandarin ko na sana iyong kotse ko nang biglang may tumawag sa phone ko. "Who's that?" nakakunot-noong tanong ni Aqi habang inaayos ang seatbelt niya. "It's Nheia..." "Bakit 'di mo sagutin? She's your soon-to-be girlfriend, right?" Ibinalik ko ang tingin sa screen ng phone ko. Tumatawag siya. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Nitong mga nakaraang araw tila nanlalamig ako. Hindi ko lang alam kung napapansin iyon ni ate Dein at ni Aqi. "Hello?" sambit ko sa kabilang linya. "Axl? Axl... I'll be at your condo later, okay? I wanna see you there..." Sandali akong napapikit ng mariin. "Ha?" "Anong ha? Axl... nakalimutan mo na naman ba? It's our monthsary today!" Hindi ko maalalang niligawan ko si Nheia. She's always like that. Lagi niyang ine-expect na kaming dalawa na. Ayoko naman masaktan 'tong babaeng 'to. Simula pa lang ay wala na 'kong nararamdaman sa kanya. "Happy monthsary, sweetie! Hahahah!" pabulong na bigkas ni Aqi sa gilid ko. Pinaningkitan ko ito ng tingin. "I-I'm sorry... marami kasi akong ginagawa. I-I can't make it today..." Sinusubukan kong magpalusot ngunit sa tingin ko ay hindi yata tatalab iyon. "So, you're telling me that you're busy? Again?!" "Nheia kasi-" "What?! Ano pang ibang idadahilan mo? Busy ka? Lagi ka na lang busy... busy... busy! Bahala ka sa buhay mo!" "Nheia-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang babaan niya ako ng linya. Humarap sa akin si Aqi na siya namang ipinagtaka ko. "Kuya, tapatin mo nga ako. Ang lahat ng sasabihin mo ay pawang katotohanan lamang, ah?!" Bumuntong-hininga ako. "Ano 'yon?" "Mahal mo ba si Nheia?" Sandali kaming nagkatinginan ni Aqi. Mayamaya pa ay nag-iwas na 'ko ng tingin at pababa kong hinilamusan ang mukha ko. "Minahal mo ba siya?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. Hindi ko inaasahan ang mga tanong na iyon mula sa kapatid ko. Bigla na lang nanikip ang dibdib ko. "Sorry for asking you those questions pero... naguguluhan ka, eh. Hindi ko rin naman gugustuhin 'yong mga nangyayari sa iyo. Kuya, you can convince ate to do something about mom and dad's plan. Hindi lahat ng problema natin sa kumpanya ay masusulusyunan ng isang force wedding." Nilingon ko siya. "Wha-What did you say?" "A-Ang alin? 'Yon bang... you can convince ate to do something about mom and dad's plan... 'yo-yon ba?" nauutal na aniya. Umiling ako. "Hi-Hindi 'yan. 'Yong pagkatapos niyan." "Force wedding?" Tumango ako. "Oo. Anong force wedding? Sinong ikakasal?" Nasapo ni Aqi ang kanyang noo. "Hi-Hindi mo pa alam? A-Ang akala ko... sinabi na ni ate sa iyo?" pahina nang pahina ang boses ni Aqi. Sa tingin ko ay hindi niya napigilang magsalita sa akin tungkol sa ganoong bagay. Wala naman talaga akong alam sa mga plano nila. "Ano 'yon?!" I can't control myself to shout at Aqi. Parang pinagkakaisahan nila ang nararamdaman ko. "Walang ibang solusyon para isalba ang kumpanya natin pero... may isang alas ang kumpanya natin, kuya... at ikaw 'yon." Natawa ako sa sinabi niya. "Ginawa niyo 'kong pain sa pamilya ng babaeng 'yon? Hell no!" wala sa sarili kong inihampas iyong manibela. "Hindi ako papayag..." "Ku-Kuya... wala na tayong magagawa ro'n. Anong pipiliin mo, ang pakasalan si Nheia o ang mabigo ang apelyido ng pamilya natin?" Wala sa sarili akong napailing. Pinaandar ko na iyong sasakyan at mabilis naming nilisan iyong ospital. Kailangan kong maka-usap si ate tungkol sa nangyayari. Wala akong ka-alam-alam na may pinaplano pala silang hindi maganda. Para sa akin, labag sa kalooban ko iyon. Sino ba namang tao ang magpapakasal nang wala man lang nararamdamang pagmamahal sa taong iyon? Ilang minuto ang nakalipas ay itinigil ko iyong sasakyan sa tapat ng condo. Alam kong naroon na si Nheia dahil natanggap ko ang mensaheng ipinadala niya sa akin. "Haharapin mo siya?" tanong ni Aqi. Nagmamadali kong kinuha iyong phone ko at inalis iyong seatbelt sa pagkaka-lock. "Dito ka lang, babalik ako agad..." "Ku-Kuya..." Hindi ko na pinakinggan si Aqi nang makalabas na 'ko ng sasakyan. Agad kong tinungo ang ikalimang palapag. Lumabas na 'ko ng elevator. Hindi naman kalayuan iyong condo ko rito. Ibinulsa ko iyong phone ko at saka ipinihit ang seradula. Itinulak ko iyong pinto. Nadatnan ko ito sa kusina. Naka-upo habang umiinom ng wine. Natatawa siyang binalingan ako ng pansin. Itinaas niya iyong baso niya. "Oh, nariyan ka na pala! Happy monthsary, sweetie!" Napa-irap ako sa kawalan. "That's enough, Nheia... You're drunk already..." Pilit kong kinukuha iyong baso niya ngunit inilalayo niya sa akin iyon. Ngumisi ito. "Pagkatapos mong makalimutan ang monthsary natin saka mo 'ko pipigilang mag-inom? Ni hindi mo man lang ako binati tapos wala ka pang pabulaklak diyan. 'Yong totoo, hindi ba 'ko kamahal-mahal para pag-effort-an ng isang tao?" Nakuha ko na iyong basong hawak niya na padabog ko namang inilapag. Gumawa iyon ng ingay na ikinatigil ni Nheia sa pagsasalita. "Enough!" Humalakhak ito at saka tumayo. "Enough? Sinabi mo bang enough? Hahaha! You are making fun of me, aren't you?" sabay turo sa sarili niya. "Wala akong panahon para makipagbiruan sa iyo..." "Bakit parang ako pa ang masama? Ako ngayon ang nagbibiro?" Hindi nito mapigilan ang pagtawa. Wala akong magawa kundi pakinggan ito at mag-iwas ng tingin sa kawalan. "Axl, tapatin mo nga 'ko... may iba ka na ba? It seems like you're not interested with me anymore!" Napalingon ako sa kanya nang wala sa oras. Seryoso ang mukha niya. Alam kong seryosong usapin ang mga ganitong bagay pero, ayokong magsalita ng patapos. Ayokong may masaktan. "Wala-" "Then, why are you acting like that? You are making me feel that I am not important and worthy enough! I love you! And I won't stop loving you, Axl!" Sa mga oras na 'to ay nagsimula nang lumabas ang totoo niyang nararamdaman. She's crying. I'm hurting whenever I see a woman crying in front me. It seems like tearing me off. Wala sa sariling gumalaw ang katawan ko para yakapin siya. Hindi ko kagustuhang malagay sa ganitong sitwasyon. I'm trying to deal with my situation but it seems like the world is not dealing with me well. "I love you, Axl. And I will always love you," she whispered. I can feel how she breathe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD