NILINGON ko si Faye sa likod ko. Nakatulala ito sa kawalan na animoy naguguluhan o mayroong iniisip na malalim.
“Hoy!”
Nagulat ito sa sinabi kong iyon. “Nicole, hindi ka nakakatuwa...”
Natawa na lang ako. “Ano bang mayroon sa mukha mo, ha? Bakit ganyan? Para kang t*nga!”
“Nananahimik ako, h'wag mo 'kong guluhin...”
Kumunot ang noo ko. “Bakit ba? May gumugulo ba sa iyo? Sino? Sabihin mo lang sa akin, uupakan ko!”
Umiling-iling ito. “Wa-Wala 'yon... nagulat lang talaga ako sa ginawa mo!”
“H-H'wag... Hahahaha! Tama na kasi! Faye....”
Sandali niya akong kiniliti ngunit tumigil din ito agad nang dumating na si mama.
“Tara na sa kotse?”
Tumango si Faye. “Sige po, tita,” at saka niya itinulak muli iyong wheelchair.
Naka-upo ako sa back seat habang si Faye naman ay sa harap ko. Nakadungaw lang ako sa bintana habang paalis sa car park ng ospital. Nakatingin lang ako sa bawat nadadaanan namin. Tila may nahagip ang mga mata ko sa hindi kalayuan. May isang kotseng itim doon. May nakatayo na lalaki habang nakasandal naman sa kotse iyong babae. Naghahalikan sila dahilan na ikinaawang ng bibig ko.
Pamilyar iyong babae sa akin.
“Nheia?”
Kinalabit ko ng ilang beses si Faye at si mama. “Wa-Wait! Si-Si Nheia! Si Nheia nakita ko...”
“Saan?” tanong ni Faye sa'kin.
Itinuro ko sila sa likod dahil nakalagpas na kami. “Hayun! Faye, hayun sa likod!”
“Oh, eh, ano naman kung si Nheia 'yon, anak?” tanong ni mama habang nakatingin sa daan. Abala ito sa pagmamaneho.
“She's kissing someone. I-I don't know exactly pero siya 'yong nakita ko!”
Bahagyang natawa si Faye. “Imposibleng si Nheia 'yong nakita mo. Nakita ko si Nheia na nagtungo sa office ni ate Dein. Bago tayo makaalis, nando'n pa rin siya. Kaya imposibleng siya 'yong nakita mo. Baka namamalik-mata ka lang.”
“Hindi! Kitang-kita ng dalawang mata ko na siya 'yon! Hindi ako puwedeng magkamali!” Ipinagtatanggol ko pa rin ang sarili ko. Bakit ba hindi nila ako maintindihan? Ni hindi nila ako paniwalaan.
“Sweetheart, narinig mo naman ang sinabi ni Faye, hindi ba? At saka imposibleng mangyari 'yon, anak. Hindi ganoon si Nheia, kilala ko 'yon. Hindi niya hahayaang may lalaking lumapit sa katawan niya. I trust her a lot, and she knew that.”
Hindi na lang ako nakaimik pa nang dahil sa mga sinabi nila. Bumalik ako sa pagkakasandal sa kinauupuan ko at saka nag-iwas ulit ng tingin.
Napakunot-noo ako. Wala sa sarili akong kinabahan. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Sa hindi malamang dahilan ay kagat-kagat ko iyong kuko ko. Napapaisip ako ng wala sa oras. Hindi ako puwedeng magkamali, naaalala ko iyong suot niya mula kanina hangang ngayon. Naguguluhan nga lang ako dahil hindi nila ako paniwalaan.
“Oh, pakidala naman ang mga ito! Alalayan niyong mabuti, ha?” ani mama sa mga maid na sumalubong sa'min pagbaba namin ng kotse.
Si Faye ang umaalalay sa akin para naman makababa ng sasakyan.
“Manang, 'yong mga pinamili ko, sa kusina ang mga iyon, ah?”
“Oo, ako ang bahala sa mga 'to!”
Ngumiti si mama. “Salamat ho, manang!” At saka binalingan niya 'ko ng tingin nang makalapit kami sakanya. “Kaya mo na bang maglakad? Tara tulungan kita...”
“Salamat...” mariing sambit ko na ikinangiti nito. Iyon na siguro ang pinakamalaking achievement na natanggap ko bilang anak niya.
Nagkatinginan kami ni Faye. Bahagya siyang napangiti dahil sa ginawa kong iyon. Ang luwag sa pakiramdam na pasalamatan si mama. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang yata ulit nasabi ang katagang iyon sa kanya.
“Ako na ang bahala sa hapunan. At ikaw, Faye, h'wag ka na munang umuwi, ha? Saluhan mo kami sa mesa mamaya...” anyaya ni mama kay Faye.
Habang tinutulungan ako ni Faye ay hindi niya miwasang hindi mapangiti. “Sakto, tita... na-miss ko po ang luto niyo...”
“Naku, nambola ka pa! Oh, diyan na muna kayo at tutulungan ko si manang sa kusina.”
“Salamat po tita...”
Bago umalis si mama ay nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at ngumiti. “Get well soon, anak.” Ngumiti siya bago ito maglaho sa harapan ko.
Nagkatinginan kami ni Faye. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko. She's very supportive. Sa aming dalawa ni Faye, siya ang mas isip mature at ako naman 'tong isip bata palagi. Hindi ko alam kung makakayanan kong mawala siya sa tabi ko.
“You're so lucky that you have a mother like tita Niña. Kaya kung ako sa iyo, don't waste every single time with her. Magbonding kayo, magpakasaya!”
Nandito kami ni Faye sa terasa malapit sa pool area. Gusto kong magpahangin. Nakaka-relax sa pakiramdam.
“Faye, hindi gano'n kadali ibalik ang lahat,” sagot ko sa mga sinabi niya. Naka-upo ito habang ako naman ay nakatayo lang habang nakahawak sa bakal at nakatanaw sa malayo.
“Of course, you can! Sabi nga nila, kung gusto may paraan, kung ayaw... maraming dahilan. At base sa nakikita ko sa iyo, puro ka na lang dahilan!”
Umiling ako at dahan-dahang humarap sa kanya. “Hindi, Faye. Kahit kailan, hindi niya na maibabalik ang dating sinira niya.” Napa-irap ako sa kawalan. “My father died many years ago. And she didn't even care about him.”
“Ewan ko sa iyo! Palitan mo nga 'yang ugali mo... ang taas ng pride mo, eh! Kaya walang nagkakagusto sa iyo...”
Napangisi ako. “Hindi ko kailangan ng boyfriend o kahit sinong lalaking mamahalin para tumino at magbago!”
“'Yan tayo eh! Ma-pride ka na nga, ang bitter mo pa! Siguro lagi kang kumakain ng ampalaya sa Canada, 'no?”
Umiling ako. “Hindi, 'no. Ang mahal kaya ng gulay sa Canada.” Umupo ako sa harap ni Faye. Dahil medyo naguguluhan ako sa mga iniisip ko lately, hindi ko napigilang hindi magtanong kay Faye. “Faye, matanong ko nga lang. Kilala mo ba kung sino ang boyfriend ni Nheia?”
Sandali siyang nanahimik. Napayuko ito na hindi kalaunan ay nagkibit-balikat na lamang. “Hi-Hindi ko alam...”
“Same school kayo nang pinapasukan ni Nheia kaya imposibleng hindi mo siya nakikita ron kasama ang boyfriend niya.”
“Nics, eh, ano naman kung may boyfriend 'yang kapatid mo? Why are you so interested?”
Hindi ko rin alam kung bakit interesado akong malaman iyon. Nababagabag ako dahil sa nakita ko kanina. Hindi ko lang makalimutan. Gusto ko lang malaman na siya iyon o hindi.
“Hindi ka ba naniniwala sa akin kanina na si Nheia talaga 'yong nakita ko? Like... what the heck! Nakikipaghalikan siya!”
Pinaningkitan niya ako. “So? Normal lang naman 'yon sa mga couples, right? Ang mag-loving-loving... alam mo 'yon?!”
“In public? No way! I just can't stare at them all day if that happens...”
Natawa ito ng pagak. “Sino bang nagsabi sa iyong titigan mo sila? Inggit ka ba?”
“Hi-Hindi—teka, bakit ako maiinggit? Kung may boyfriend siya, eh, 'di may boyfriend siya. Sila na may love life! Wala akong paki!”
“Kung wala kang paki, bakit naitanong mo sa akin 'yang mga 'yan? Hindi kita maintindihan. Ano bang gusto mong malaman?”
“Wa-Wala. I just asked...”
Nginitian ko na lang ito upang hindi na magtaka. Sa ngayon, sasarilihin ko na muna. Malalaman ko rin siguro ang mga kasagutan sa sarili kong tanong. I just need to wait. Sa ngayon, iisipin ko muna ang pagpapagaling upang makalakad na 'kong muli.