Kabanata 14: Laro

1334 Words
NICOLE AYESHA'S POV “TALAGA? Ano naman ang pumasok sa kokote niyong dalawa para gawin ang bagay na iyon? Wala kayo sa playground para maglaro!” panenermon ni Faye. Hindi rin nito nagustuhan ang mga ikinuwento ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin nawala sa reaksyon ko ang pagtawa. “Pero... you know what, Faye? Ang saya ko. I just can't explain why—” Napahinto kaming dalawa ni Faye nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Nheia. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. “You're happy because?” aniya. Nagkatinginan kami ni Faye. Hindi ko alam kung bakit naitanong ni Nheia iyon. Depende na lang kung narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Faye kanina. Kung ganoon, why is she affected? Kilala niya ba si Axl? “Wa-Wala. Your ate is just talking about sa K-Drama na napanood niya a while ago habang mag-isa siya,” palusot ni Faye. Naramdaman ko kung paano niya higpitan ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Naisip ko na lang na iniba niya talaga ang kuwento kahit pa hindi naman namin pinag-uusapan ang tungkol sa K-drama na iyon. Tumangu-tango lang si Nheia. “Ahh... I see. Sabi sa akin ni mama wala ka raw makakasama rito so I came to accompany you.” “Dumating naman na si Faye kaya I have no problem with that.” Nginisian niya ako. “So you're telling me that you don't need me here?” natatawa pa ito. Umiling ako. “Ikaw ang nagsabi niyan...” “Look, ate... Could we just stop scolding each other? Nakakarindi na, eh...” Sumandal ako sa kinauupuan ko. “Ikaw ang nag-umpisa tapos sasabihan mo 'ko nang ganyan?” She rolled her eyes on me. Ikinangisi ko ang ginawa niyang pagtataray na iyon. Sa una, maganda ang pakikipaghalubilo nito sa akin ngunit habang tumatagal nakikita ko na kung ano ang totoong ugali nito. She's pissing me off! “Oh, c'mon! Just tell us the truth na bumalik ka lang dito sa Pilipinas dahil napilitan ka lang. In fact, hindi ka naman talaga kailangan ni mama, eh. She's happy with us. She's happy with her new family. At kami iyon,” Wala sa sarili akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila nang isang 'to. “Ano bang gusto mong palabasin?!” Natawa na lang ito bigla. Napakunot ang noo ko dahil sa mga inaasta niya. Hindi ko nagugustuhan ang mga iyon. “I don't like you—” I cut her off. “And so do I!” Nagkatinginan na lang kami pagkatapos niyon. Tila naglalaban kami ng mata sa mata. Isa rin pala siyang plastikada! Sa una, maganda ang pakikitungo niya pero may baho pa lang dinadala. “I'm just wasting my precious time here...” Padabog siyang lumabas ng kuwarto at pabagsak naman nitong isinara iyong pinto. Napa-iling na lang ako dahil sa ginawa niyang iyon. “Nakakaloka 'yang kapatid mo, ah!” reaksyon ni Faye na kanina pang nakatulala at pinapanood kami ni Nheia. “You mean... step-sister?” pagtatama ko. “Kahit anong sabihin niya, ako pa rin ang legal na anak ni mama.” “Ay, taray! Ano 'to? Kapag ba may legal na asawa, may legal din na anak? Mala-teleserye rin, ha!” natatawang aniya sabay higop doon sa milk tea na nakapatong sa side table ko. Katabi ko siya sa higaan at kanina pa kami nagchi-chikahan. Napailing na lang ako. Wala sa sarili akong natulala. Iyon ang pangalawang beses na sumbatan niya ako. Hindi na ako magtataka kung paano niya ipagtanggol si mama noong nasa kusina kami't kumakain ng agahan. Doon pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Nakapagtataka kung bakit bigla na lang nagbago ang kanyang ugali. THREE days had passed but I'm still here in the hospital. Gaya nang dati ay mag-isa ko na namang naiiwan sa tuwing sumasapit ang umaga. Abala sila sa kanya-kanya nilang trabaho habang ako, nagpapagaling pa rin hanggang ngayon. I guess it takes one and a half month para maghilom iyong injury ko. Hindi na nakapagtataka. Sa sobrang pagkabagot ko ay nagbukas na lang ako ng laptop ko at chineck ang mga previous notification sa aking social media account. Nakapagtataka dahil mayroon akong isang unopened message doon. Kumunot ang noo ko nang buksan ko ang mensaheng iyon. “Who the effin man is this?” tanong ko sa sarili ko. I never accepted a person lalo na't hindi ko naman ito kilala ng lubos. [Want to play?] anito sa kanyang mensahe. Nang i-stalk ako ng kanyang profile, wala naman akong mahagilap na mga litrato nito. Ang kanyang display photo naman ay cartoons lang. How can I identify this person? [Play? What game?] I replied to him. Walang ilang segundo ay nakapag-reply na ito sa tanong ko. [Anything you want...] Tutal wala naman akong ginagawa, papatulan ko na ang isang 'to. Matagal na 'kong hindi nakakapaglaro ng mga online games. Nakaka-miss din pala ang mag-feeling pro player paminsan-minsan. [The Gun 2.0...] sagot ko sa kanya. [Game...] Nag-open ako ng game which is 'yong napili kong laruin na The Gun 2.0. Nakita ko agad ang profile nito dahil naka-follow pala ito sa'kin. I followed him back. Pagkatapos ng ilang minuto ay siya na mismo ang nag-invite sa akin para makapaglaro nito. Ang larong The Gun ay isang barilan na nauuso ngayon. Noong nasa Canada ako, madalas itong online game ang nilalaro namin ni Cholo. Hanggang sa magsimula ang laban. *Headshot* *Double kill* Napa-awang ang bibig ko nang wala sa oras. Nagsisimula pa lang ang laro nang makapatay agad ito. Hindi ko maitatangging magaling siya. “Here...” he chatted sa message box. Agad ko itong sinundan habang tinatahak ang mapa sa itaas. *Headshot* “Woah!” I was amazed. Ang galing niya. Kung siya lang din pala ang makakakampi ko, gugustuhin kong makipaglaro sa kanya araw-araw. Hanggang sa matapos ang laro. Panalo kami at siya naman ang itinanghal na Most Valuable Player. Ikatlo naman ang pangalan ko sa ranking. I was so amazed by his game play. Nakakabilib! [That was a nice game! Ang galing mo!] I chatted to him. He just sent me a smiley sticker. Kasunod niyon ay isang sticker na punong-puno ng puso. Wala sa sarili akong natawa dahil doon. [Thanks! It wouldn't be possible without you. Ang galing mo rin...] Napangiti ako at nag-type muli sa keyboard. [It's my pleasure, Sir!] [Don't call me sir. That is too personal. Hahaha!] “Tama nga naman...” sambit ko na lang. Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit napapangiti na lang ako ng wala sa oras. [What do you want me to call you then? Do you have a nickname?] Pagkatapos kong i-type ang mga iyon ay saka ko namang isinend sa kanya. [Anything... call me love if you want...] Napahawak ako sa bibig ko at saka natawa. “Love? Hahaha! Nagpapatawa ba siya?” bulong ko sabay hagikgik. [Hahaha! LOL! You're good at joking!] Ilang minuto ang nakalipas ay hindi na niya ako ni-reply-an. “Seener naman pala or maybe ghoster...” nakangusong sabi ko at saka isinara ng bahagya iyong laptop ko. Iniayos ko iyong kumot, hihiga na sana ako nang biglang tumunog iyong laptop ko. Hindi ko naituloy ang paghiga. Sumandal na lang akong muli sa headboard ng kama at saka ipinatong iyong laptop sa lap ko. I checked his reply. [I am your secret admirer. I am your secret heart who has a secret feelings for you... Miss...] Nagtaka ako sa sinabi niya. Ngunit sa kabilang banda ay wala sa sarili akong napangiti. Imposible! Sino naman ang isang lalaking iyon? Nakapagtataka naman. Ilang araw o buwan na kaya niya akong tinitiktikan? Napaka-imposible naman kung magugustuhan niya 'ko agad, eh, kakausap ko lang sa kanya kani-kanina. At saka, hindi ko pa siya nakikita, ano? Hindi ko ito nireplyan. Isinara kong muli iyong laptop ko. Kinuha iyong unan at niyakap iyon. Kung sino man ang lalaking iyon, nagkakamali lang siguro siya ng mga sinabi. He might be crazy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD