Chapter 7

506 Words
TAPOS na sila sa mala-fiestang pananghalian at nagpapatunaw nalang ng kinain sa tiyan. Kanina pa hindi maiwasang pagmasdan ni Franco si Winrose habang kumakain sila. Sa halip na maturn off dahil dire-diretso ang pagkain nito ay naamused pa siya dahil wala itong kiyeme sa katawan. Wala itong kaarte-arte kahit na malalaki kung sumubo sa kutsara. Marahil kung ibang babae ito mapapangiwi siya. Pero sa di niya malamang dahilan ay natuwa pa siya dito. Siguro ay dahil hindi ito maarte. Hindi ito kagaya ng ibang babaeng nakilala niya na sobrang arte pagdating sa pagkilos lalo na sa pagkain. Lalo siyang nagulat ng sabihin nitong hindi uso dito ang diet na parang hindi normal sa mga babaeng nakikilala din niya. Lahat yata ng babae ay conscious sa katawan sa paligid niya pero hindi ang babaeng kaharap. Sa halip ay magana pa itong kumain at wala itong kiber kahit puro karne o taba ang kinakain nito. Pati sa pagkilos nito ay walang kaartehan. Walang kaplastikan at totoong-totoo. Hindi iyong tipo ng ibang babae na nagpapademure lang kapag kaharap siya pero kapag nakatalikod na siya ay akala mo kung sinong nakawala sa hawla. Si Winrose ay hindi. Sa tingin niya ay natural ang ikinikilos nito. Pati ang pagtawa nito ay walang halong kaplastikan. Malutong at nakakaengganyo. Nakakadala ng pagkatao at pati siya ay natatawa na din sa kaunting pagpapatawa nito na hindi din normal sa kanya. He seems to be the serious type. At hindi iyong mapapatawa kaagad. Hindi nga ba at ang malakas nitong tawa ang kumuha ng atensiyon niya ng nasa parke palang sila. Para bang nanghihinoptismo ang tawa nito maging ang aura nito dahil kay gaan niyon. Nakakadala. “I wonder how can you do that?” untag niya dito na ikinatigil ng pagtawa nito. Pati siya ay hindi niya namamalayan na nakikipagbiruan na din sa dalaga. At sa mga simpleng banat niya ay tawang-tawa na ito. “Ang alin?” “Iyang pagtawa mo ng ganyan?” napangiti siya. Natigilan ito. “Malakas ba?” napangiwi ito sabay tingin sa paligid nila. “No! Hindi naman masyado.” Ngumisi siya. Hindi naman talaga. Pero natakot siyang baka maturn off ito sa tanong niya. “I mean, ang gaan ng tawa mo. Parang simpleng joke lang tuwang-tuwa ka na. Para bang wala ng bukas kapag tumawa ka.” Napangiti ito. “Namiss ko kasing tumawa ng ganito, kaya ganon.” Napansin niya ang munting kalungkutan sa tinig nito. “Namissed?” curious siya bigla. Matipid itong tumango-tango. “Alam mo kasi, once upon a time in my life, kahit gustong-gusto kong tumawa hindi ko magawa. Nakakatakot kasi ako kapag tumawa.” Lalong nagsalubong ang kilay niya. Mas lalo siyang nacurious. “What do you mean?” Nagkibit-balikat ito. “Mag-aalauna na.” binistahan nito ang relong pambisig. “Kailangan ko nang bumalik sa eskwelahan.” Nadismaya siya dahil hindi nito sinagot ang tanong niya. Lalo tuloy siyang nacurious sa pagkatao nito. Parang gusto pa niya itong makilala. Hindi niya alam kung bakit. Basta iyon ang nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD