Nakatulugan niya ang pag-iyak kagabi. Namulatan niya na lang na mataas na ang sikat ng araw. Naririnig na niya ang mga kaluskos sa labas ng silid. Naaamoy niya ang paboritong kape ng tiyang at ang niluto nitong sinangag at toyo. “Anak, kumain ka na.” Hindi siya tuminag. Nanatili lang na nakahiga nang nakatagilid at nakatitig sa labas. “Kung papasok ka, ipag-iinit kita ng panligo mo.” Mariin siyang napapikit. Mas naiiyak siya ngayong nakikita ang softness ngb tiyahin sa kanya. Matigas ang tiyang, lagi siyang sinasanay na maging independent. Ngayong nararamdaman niya ang pagdamay ng tiyahin, nakakaramdam siya ng panghihina. “Sige, iiwanan na muna kita, anak. Nasa labas lang ako kapag may kailangan ka.” Narinig niya ang mga papalayong yabag ng Tiya Fidela. Saka niya nagawang bitiwan a