“Tang’na naman Em! Make sure na importante talaga ang gagawin natin.Kapag 'yan scam lang ay lalamugin ko ang papaya mo!” Inis na inis na sabi ko sa aking kaibigan.
Ang gaga naman ay 'di kumikibo, hindi rin makatingin sa akin. Parang ngayon palang gusto ko ng awayin nag bruha.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa kotse at tahimik pa din ang magaling kong kaibigan. Napaka-rare ng ganitong pagkakataon kaya naman iba na ang kutob ko.
"Ano kaya ang tinira ng babae na to? Baka naman nakatikim ng panis na likido!" Lihim akong napatawa sa tanong ko sa aking sarili patungkol sa aking kaibigan.
Pero ng malala ko ang ganap sa loob at pag-react ni Hayes ay natutuwa naman ako na naiinis sa tukmol na lalaki.
Makabintang akala mo naman, may milagro akong ginagawa, e sumasayaw lang naman ako.
Oo hinayaan ko ang manyakol na 'yun nahawakan ako pero, that doesn’t mean na mag all the way ako sa herodes na 'yun.
Over my dead perfect, gorgeous and slender body! Hinding hindi ako mag all the way down.
Nek-nek ng manyakol na 'yun. Kung hindi si Hayes ang jujombag sa kanya; ako ang gagawa. Kapal ng face may pa after n’ya daw si Hayes ang next. Ulol niya!
Gawin ba akong cornick pagkatapos kukutin ipapasa sa iba nyeta s’ya.
Si Sharina cornick? Oh my gosh... Hindi no. Isa akong simpleng kendi na sina una na pero hinahanap hanap pa rin. I'm so special kaya no!
Alam n’yo yung texas singkwenta sentimo 'yun noon pero ang sarap ng coffee at caramel flavor.
In short ang ganitong ganda ay isang alamat na hindi malilimot. Ano na naman ba iniisip ko? Si Em dapat ang pagtuunan ko ng atensyon.
Nabalik naman ako sa kasalukuyan ng bumunghalit ng tawa si Em na loka. Loka-loka in her finest talaga tong kaibigan ko. Kanina lang hindi mawari sa katahimikan parang nakainom ng tam*d ng kambing na panis, ngayon naman ang tawa n’ya parang walang bukas.
“Hoy Em! Anong nong sanib mo? Bakit ganyan ka?" Sunod-sunod na tanong ko sa impakta pero imbis sumagot tuloy lang ang bruha sa pagtawa.
“Em! Isa umayos ka na! Baka hindi ako makatiis at umpugin kita sa pader ng matauhan ka ng bongga!” May halong inis at pagbabanta na sabi ko sa aking kaibigan.
Nahinto naman si Em ng saglit, pero bumunghalit na naman ng tawa at talagang na loka na nga yata.
Nakaramdam ako ng pagkapikon
Napupuno na talaga ako. Bubuga na sana ako ng singhal pero bago ako muling mkahirit nagsalita na ito.
“Sha utos ni Misha na awatin kita, alam mo naman leader natin yun bukod sa kaibigan pa natin.” Kalmado at swabe na ani ni Em habang pinipigilan ang matawa.
Gets ko naman agad na utos ni Enas. Ang 'di ko gets at bakit ang babaeng bubelyas na ito ay daig pa nanalo sa lotto?
Kung makatawa sa akin wagas labas pati bagang pangnguya. Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang kumuda ulit ito. Gulat na gulat pa ang person.
“Sha kaya ako tawa ng tawa naka-cycling ka nga butas naman. Ang panty mo tatlo singkwenta kitang kita. Lintik kang babae ka may pera ka naman 'di ka bumili kahit tag twenty five isa para my class ng konti!” tawang tawa na sabi nito na nauwi sa bunghalit. Kabagin sana siya.
“G*aga paano nagkaroon ng class 'yon tag twenty five lang? 'Yun three for one hundred ng avon sa tumpukan, 'yun ang may class tapos ikaw pa ang pipili ng design, pero tips ko sa'yo amuyin mo muna baka amoy bilat." Seryoso kong sabi sa babae na lalong utas sa tawa kaya sinabayan ko na.
“Talaga Sha, may na bili ka na bang amoy bilat? Tang’na baka ginamit lang namang pamunas. La Sha judger ka!.” Sabay naman ni Em sa trip ko. Sa katatawa namin ay nakaramdam din kami ng kapaguran.
Dumaan ang katahimikan. Unti-unti kaming nagkatinginan ni Em bago sabay muling bunghalit ng tawa.
Natigil lang kami ng pasakay na kami sa kotse. Hayop na 'yan! Naging langgam ara kami maglakad dahil ang bagal namin. Pero ng biglang naalala ko ang sinabi ng babae kanina tungkol sa gagawin daw namin; at agad ko na itong tinanong.
“Em saan tayo?” tanong ko sa babae sa tono na alam niyang seryoso ako.
“Aba ewan ko sa self mo? Ako uuwi na
sa lungga ko, baka manahap pa ako ng sawa
este ng aswa ko pala!” Gangster mode na asik ng babae sa akin.
Aba teka lang! Parang na isahan ako. Ang hinayupak na to talagang kakaldugan ko na, panira ng moment.
Mga bitter siguro. Muntakin nin’yo sirain ang moment ko. Akala ko pa naman makakaapak na ko sa stairway to heaven.
Nakakayamot kahit 'di makarating sa langit kahit apak lang sa hagdan pa langit okay na. Bwiset tong Em-Em na to! Paano ba naman inasawa yung target tapos hindi s’ya dinidiligan kaya kontra sa pag dilig sa akin.
“Ang bitter mo ROMARY!?!” Galit na sabi ko sa babae.
"Kaibigan kita pero kontra ka sa plano ko,;kala ko ba support to the highest level?" Dugtong na ani ko pa sa babae.
“Sha makakahintay ang kalachuchi mo sa dilig.Okay! Kalma ang pepe bebe girl. Ang isipin mo na lany ay wag kang matulad sa sinapit ko. Na dala ng basta sa damdamin, kayaheto durog at lasog-lasog ang puso, hindi lang halata sa akin pero ang hirap Sha.” Pang best actress na ani nito sa akin.
“Kita mo ko nakatapak naman sa stairway to heaven, pero hindi nakarating sa langit; ngunit warak na warak ang double P,” Lumbay na ani ni Em pero sa huli ay tumawa na ulit. She's not good on showing her true feeling. Ayaw niyang maging burden sa iba kahit na sinasalo niya kami palagi.
Ito ang kaibahan naming dalawa ni Em, magaling ito sa pagtatago ng emosyon maging sa pagpapalit palit din ng mga reaksyon.
Pero takte anong double P anong sinasabi nito? Mukhang nabasa naman ng gaga ang nasa isip ko.
Mind reader yarn.... Pati nga ang stairway to heaven alam. Magkaibigan nga kami.
“ Nako Sha balahura lang ako pero
disente ang double Pbko! It's puso at pagkatao ganern !yun BLS!” Natawa ako dahil sa sa pa disente ng loka.
“Anong BLS Em?;Tang’na ka wag mo kong aliwin sa kasalanan mo!" Bwelta ko agad.
“BLS lang Sha 'di mo pa alam. Tang’na gamit naman ng utak, bebehan!" Patuya na ani ni Em sa akin. Hindi kami okay kapag maayos ang pag-uusap namin or totoong disente.
Tinignan ko ito ng masama pero gumanti rin muna bago nagsalita na.
“BLS stands for babaeng lotion ang super rox! Ang puti mo 'di ako belib sa perla papaya lang. Aminin mo super rox 'yan no?”Seryosong sabi nito.
Ako naman ay 'di makapaniwala. Bakit ito ba ang naiwan sa akin. Nasaan kaya Cris?
“Em tara na nga bago mag dilim ang paningin ko sa'yong hinayupak ka!” kinalmahan ko na lang, kasi sa huli ako din ang talo kapag lumaban pa ko sa babaeng ito.
Sa wakas na tuloy din kami sa pagsakay sa kotse. Ang tagal namin sa parking lot tapos haba rin naman pala ng nilakad namin tatlong kanto ang layo ng pinag paradahan nito. Walastik na samahan ito. Wala atang matino.
Pagsakay namin nag-seatbelt agad ako dahil pag si Em-Em ang driver at hindi ka naka-seatbelt; Hello bukol ka o worst meet and greet kayo ni Satanas.
Apaka reckless nito pero kapag nagpreno naman iiwan ng sariling kaluluwa mo ang katawang lupa mo. Ewan ko ba, si Cris naman ay bet na bet ang ganon na driving. Samantalang ako ay halos maihi at mamaos na kakasigaw.
May pagkakataon pa nga na na tawag ko ang lahat ng santo, take note party ang pupuntahan namin noon kaya dapat maganda kami. Pero ang ending mukha kaming panakot. Yung sa palayan pambugaw ng mga ibon.
Natigilan ako sa pagmumuni-muni ng magsalita si Em.
“Sha swerte ka pa nga! Nakasaklang ka at nakatuka. Ako kahit ma amoy man lang hindi.” Nang hahaba ang nguso nitong sabi.
Napabunghalit tuloy ako ng tawa, ang laswa
rin kasi ng bunganga ni Em. Parang siyang inahing unggoy na nagmamaktol, pero naawa din ako sa kanya kasi halatang mahal nito si Darius.
“Sha alam ko kung ano iniisip mo mukha akong inahing unggoy. Gulat ka? Alam ko nakita ko kasi sa salamin..” Ingod nito sakin.
“Masakit pala yung mahal mo s’ya mahal ka n’ya pero naghahanap pa ng iba! Nakita ko s’ya kanina kasama na naman niya yung babae na 'yun kaya iniwan kayo ni Hayes ang sakit literal masakit pa sa pagtama ng bubelyas ko sa pader.” Birong ani ni Em pero dama ang sakit.
Nanahimik ako at nag isip ng pang bawe sa babae.
“Tang’na mo kaya pala ginoyo mo ko na may gagawin at si Misha pa dahilan mo. Ikaw lang ata ang may sabi noon?”Anas ko ng ma analize ang pangyayari.
Hindi naman sumagot ang bruha pero tumawa naman. Pero okay na rin na ganun ginawa n’ya atleast na samahan ko s’ya. Isa si Em sa matatag na babae pero tao ito kaya alam ko na nauubos na rin s’ya.
Lahat ng tao ay entitled to love, to respect and to accept, though we have flaws in our body. No one is perfect lahat may kanya kanyang issue sa buhay, kaya tayo na nasa paligid; aralin natin ang pagtanggap kasi kung minsan nagiging mapag-asam at mapanghusga tayo to the point na tayo na pala ang real bad person..
Aral 101 from Sharina.
"Basta be ready Hayes naudlot lang naman pero 'di mo maiiwasan ang matinding bakbakan da pagitan natin. Sana lang yung masayang part lang ng bakbakan." Ani ko sa loob ng aking isip.