ABY-7

1637 Words
Ilang araw mula ng magkita kami sa bar palihim kong sinusundan ang lalaki. Sa mga araw na nagdaan masasabi kong hindi ito magimik na tao. Bahay at company lang, at minsan nagkikita sila ng mga kaibigan niya. Ngunit ito rin unang umuwi. Masasabi kong mas nakilala ko ito at malaki na pinagbago ng Hayes noon sa Hayes ngayon. Alam ko na may naging masamang karanasan ito. Alam ko ang mga naganap dito sa mga nagdaang taon ng buhay mula mapunta sa kanyang ama. Lingid sa kaalaman ng mga kaibigan n'ya, na halos buong buhay ni Hayes alam na alam ko na. Binigay ng ahensya lahat ng detalye maging kung ilang beses itong muntik ng mamatay , dahil na rin sa mga kaanak ng ama nito na sobrang ganid. Halos mabasag lahat ng gamit ko noon ng nalaman ko ang naging kalagayan niya . Matinding galit, pagkamuhi at pagnanais na makaganti yan ang lumukob sa akin. Akala ko ay iyon na ang pinaka nakakagulat. Mas may ikaka-bigla pa pala ako, dahil ang unang naging nobya ni Hayes na si Gail Del Socorro ay ang nag-iisa kong matalik na kaibigang babae. Na wala lang ang aming komunikasyon noong nagdesisyon ang pamilya nitong umalis na sa lugar namin. Halos pareho kami ng asal nito sa lahat ng bagay, gusto at pag-uugali kaya magkasundong magkasundo kaming dalawa. Ngunit sa isang bagay kami mag kaiba hangad n’ya ang yumaman agad kasi nga mulat ito sa kahirapan, kami man ay gano'n din pero hindi katulad ng buhay nila. Tanda ko noon sabi n’ya laging sinabi ng papa n’ya na s’ya daw ang mag aangat sa buhay nila. Feeling ko kaya naghangad ng ganon noon si Gail kahit bata pa kami para matapos na ang hirap, malupit kasi ang papa nito ibang iba sa papa ko kay lodi ko s’ya. Nabigla ako ng malaman ko sa files na nakuha ko na s’ya ang naging isang dahilan bakit mailap si Hayes sa mga babae, nasaktan ako ng nabasa ko na minahal pala talaga ni Hayes ng sobra si Gail. Ako dapat yun! Naisip ko k'ya siguro 'di nako hinanap ni Hayes dahil may Gail na ito. Paano na lang yung pangako ko kay Lolo H ?. Magpahanggang ngayon wala akong alam na anumang detalye sa matanda kahit ang ahensya walang maibigay. Duda man ako wala naman akong magagawa, kahit sa mga kaibigan ko lahat ata sa amin may lihim na tinatago. Noong una guilty pa ko pero later on hindi na alam ko naman na hindi lahat maibabahagi ko sa kanila. Naisip ko nga nahanapin si Gail alamin ang rason pero sabi ng ahensya focus on my target. I have a strange feeling na may mali sa ahensya na to. Parang lahat ay puppet para bang lahat kami ay nakatakda o na ka program na may kailangan gampanan pagdating ng tamang panahon. Narito ako ngayon VK Building sa sixty ninth floor katapat ito ng mismong opisina ni Hayes. Mahigpit ang security sa building nila kaya I decided to stay here sa building ng friend ko. malinaw ko namang na tatanaw lahat ng nangyayari sa opisina ni Hayes using binoculars. Hindi kasi pwedeng i-hack ang cctv dahil malalaman agad, Napaka husay ng system nila hanep sa lupet. I know that Darius was the one behind tha , sa halos lahat ng place ng mga kaibigan n’ya ay guarded n’ya talaga. Si Em em lang ang may alam ng data about sa kanya, maging kami walang alam sa ibang mga details ng bawat target namin. Pangalan lang siguro that’s the number one rule. No one should know the details, kahit pa magkaibigan kami, nakamulatan na namin 'yan. Mula sa kinalalagyan ko kitang kita ko kung gaano ka busy si Hayes. Hindi pa naman pala s’ya sobrang iwas sa babae dahil ang secretary n’ya ay babae. Ngunit bago itong secretary n’ya kapapalit lang. Medyo na huli ako ng dating kaya waiting na lang na masesante ito. Ang rason sa mga na tanggal na mga unang secretary ay simple lang naman. Sila ay mga nagpapakita ng motibo o pagkagusto sa kanya. Kung sa bagay sino bang matinong babae ang hindi pipiliting siluin ang gaya ni Hayes. Saksakan na nga ng gwapo, umaapaw pa ang s*x appeal at bukod pa do'n siya rin ang kaisa isang apo at taga-pagmana plus may sariling business ang lalaki. In shorts i Hayes ay isa sa mga batang bilyonaryo sa Pilipinas. Lumipas ang maghapon, bandang alas kwatro ay tumayo na si Hayes, 'di ko nga ito nakitang kumain. Mula dito kita ko na nag-aayos na ito ng gamit mukhang maaga at itong aalis sa opisina. Mabilis din ang ginawa kong kilos ng makita ko itong maglakad palabas. Halos habol ko ang aking hininga sa sobrang pagmamadali baka kasi 'di ko s’ya maabutan. Nakita ko ang pag pasok ni Hayes sa kanyang sasakyan kaya gano'n din ang ginawa ko. Umabot ng isang oras ang byahe bago narating namin ang isang lugar na mala paraiso. Malayo ang distansya ko baka sa kanya at baka mahalata ako ng lalaki. Napansin ko ang isang malaking bahay tingin ko ay fully secured dahil sa mga cctv at ilang mag wires na nakikita ko na maaaring mag activate ng different device. Dahil sa seguridad ng lugar kaya kinalma ko na lang ang keps ko. Waiting na lang ang peg ng bebe ganda na ito. Maganda ang paligid kaya 'di ako maiinip, maige pang mag sight seeing na lang kaysa sugod ako ng basta, baka mategibels pa ang beauty ko. Ayoko no'n wala pa kong dilig ever mag fly high butterfly agad. Panay ang linga ko sa paligid wala naman ibang tao na nagagawi dito. Sampung minuto ang lumipas hindi pa rin na labas si Hayes mukhang magtatagal pa ata ang lalaki. ayos lang naman sa akin dahil aliw ako sa nature. Samantala sa loob ng bahay.. Kapapsok ko lang sa loob ng villa ni lolo. Oo sa Lolo ko ito, na bigla din ako sa biglang pagpapatawag nito sa akin. Halos taon ko itong hindi nakikita. The last time ko itong nakita noong halos mamatay ako sa trahedya na kagagawan ni Gail. Unang beses kong nakita na halos mag iba ng anyo ang Lolo ko, though lagi itong seryoso pero ng araw na 'yon naramdaman ko may isang tao na nag aalala at magpoprotekta sa akin. Mula ng araw na 'yon mas hinigpitan ko ang depensa sa aking paligid. So no one can easily block my defense. Nahinto ako sa pag iisip ng nasa tapat na ako ng pinto ng library ni Lolo. Kahit may edad na si Lolo gustong gusto pa rin nito manatili sa kanyang opisina, kung minsan sa labas ng hardin. Tatlong katok ang ginawa ko bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Naabutan ko si Lolo na nakatingin na ipod na konektado sa cctv ng buong lugar o buong bayan ng San Gabriel. Kita ko ang pagkaaliw sa mga mata ni Lolo at bahagyang pag-ngiti, weird for me ang akto niya dahil bihira ito makita na ganito. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nito 'di naman ako na bigo dahil agad binitawan ng huli ang ipod at kasabay ng pag-off ng scene. “Magandang hapon Lolo”, bati ko sa aking Lolo. “You're here my dear grandson!” Bati naman nito pabalik sa akin na parang puno ng saya. Nakakapanibago si Lolo batid kong pinipilit nitong supilin ang ngiti. "Ano kaya ang nakain nito o 'di kaya nakita sa Ipod nito?" Sa isip ko na tanong. In-ignora ko na lang 'yun kahit talagang kakaiba ang kilos n’ya. “Lolo anong kailangan n'yo at pinatawag n’yo po ako?" Simulang tanong ko agad sa kaharap. “Masama na ba na makita ang nag iisang apo ko at heridero?" Balik na tanong lang nito sa akin. “Hindi naman po Lolo, saka buhay na buhay pa si Dad, para sabihin n’yo nag-iisa lang ako.” Tugiob ko naman agad. “Well bata ka pa man noon ay sa'yo na nakalaan lahat ng assets ko. Wala ka pa man noon sa puder namin. Dahil pinili ni Hayna na lumayo, kaysa manatili.” Paliwanag naman ni Lololo na waring nagbalik sa nakaraan. “Mahirap Lolo maging taga-pagmana n'yo sa totoo lang! Kaya nga po nagsumikap ako bumuo ng sariling akin. And honestly masaya na ko kung anong meron ako ngayon Lolo.” Paliwanag ko naman na ani sa Matandang mukhang nagustuhan ang aking sagot. “Nakalaan na 'yon sayo Hayes! Hahayaan mo bang kunin 'yun ng iba na 'di naman natin tunay na kadugo? Pahalagahan mo ang yaman ng pamilya na para rin sa'yong mga parating na anak! ” Punong puno ng emosyon ang mga mata ni Lolo ng sabihin iyon sa akin. Siguro nga kapag nagkaka-edad ay mas nagiging emosyonal ang tao. Hindi nar rin ako nakipag-argumento at hinayaan na lang ito sa kanyang nga sinasabi. Mga dalawang oras rin ako namalagi doon. Marami itong nabanggit sa'kin pero ang hindi maalis sa isip ko ang sinabing batang babae na nakilala nito sa nakaraan. Sabi ni Lolo ito daw ang nakatakda kong maging asawa tumawa pa nga ito sabi n’ya mukhang malapit na. Sinabi n’ya din pag-uusapan namin 'yon some other time. Para naman 'di masira ang mood ni Lolo ay hinayaan ko na ito hanggang ito na ang nagsabi na magpapahinga kaya nag-paalam na rin ako. Matagal ng umalis sa mansyon si Lolo at dito na namalagi mukhang maganda naman ang epekto ng paligid sa kanya may mga kasama rin ito na mga tauhan na nakakalat sa paligid, pero mga nakatago. Ayaw kasi ni lolo na pag-usapan siya dito sa San Gabriel . Palabas na ko ng bahay ng maalala muli ang mukha ng babae s Lamaz club. Sino kaya talaga s’ya? Bakit parang kilala ko s’ya? Sha …. Hindi kaya s’ya yun? Hinanap nga kaya ako ni Sharina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD