ABY-3

1263 Words
Nagising ako mula sa pag beauty rest ko mga bandang alas sais na, kaya minabuti ko munang maligo, aba kailangan kong alud-odin ng bongga ang aking katawan, nakinis naman ako, walang pelegis katawan. Pero ang sikreto kong malupit bakit ako makinis?. Isisiwalat ko na dahil ito sa mahiwagang Perla papaya, walang echingan mga bebehan. "Only Perla Papaya touches my skin" tang'na self puro tayo kabulastugan, piping bulong ko sa isip. Magpakaayos ka self dapat mamaya, misteryosa, maalindog at katakam takam tayo hindi tayo mala Tuesday Vargas naariba sa comedy bar, Lamaz club yun ang laswa ng pangalan, ano kayang pumasok sa kukote ng manunulat nito. Naku ituloy ang ritwal sige hudhud dito hudhud duon, " Oh my Giee!, Don't forget the singit ito ang panlaban natin,..." tawang tawa ako habang naliligo. Enough self iwan mo ang personality nato dito sa banyo paglabas natin dapat ibang babae na yung mala dyosa ng Apoy, tingin palang nakakatupok na agad, napatili ako sa isiping iyon.Award self yan ang peg natin for tonight. Nang masiguro na ayos na ang pagka kaligo, at hulas lahat ng alat sa katawan, mabilis akong umibis palabas at pumasok sa walk in closet, charing lang kabinet lang ang meron ako, mini apartment lang to,mag pakatino ka self, agad din naman akong namili ng susuotin na damit, isang black sexy silk dress ang pinili ko, mahuhulma ditong mabuti ang aking pangupo na panlaban sa pag twerk, ganun din naman ang aking dibdib diman ito kagaya ng papaya ni Em em aba masasabi kong cup B naman to, walang dinaanang enhancement. Matapos makapili ng damit, hinarap ko naman ang medyo malaking salamin, agad din naglagay ng make up, yung pak na pak, pero hindi mukhang sinapak. Para naman sa huling pampabuhay ng Awrahan isang bloody red liptint ayoko ng lipstick nakakaitim ng nguso at labi, itong liptint ko mura lang pero pak kabog na kabog pa, gusto n'yo malaman simple lang, I Pm nyo si Siobe Pareñas, pwede din mag reseller, o diba gumaganda kana kikita kapa. Ito ang isa ko pang sikreto pero dina na ngayon alam n'yo. Agad kong kinuha ang aking damit at sinuot na ito, syempre naglagay din ako ng accessories, at para mas maka agaw atensyon, nag spray ako ng aking mapang akit na pabango, mura lang ito afford n'yo. Cologne ng mga dalaga. Lewis and Pearl color pink, sa totoo lang marami akong pera pero tintipid ko itong ispray, pero dahil big night tonight, kahit maubos ayos lang. Sa tagal kong naligo kanina, plus ang ayos ko dahil ako ang bibida ngayon ako ang pang finale, hinagip ko muna ang phone ko may text si Cris at Misha, paalis na pala sila sa mga place nila kaya agad din aking tumipa ng mensahe na handa na rin ako at mauna sila dahil grand entrance ako, alam naman nila ang rason, k'ya swak ang lahat. Nakakatawa si Cris excited di naman pwede rumampa ang beauty, n'ya isama pa si Em em the papaya lady, oh don't get me wrong wala akong issue sa kan'ya, anong magagawa ko papaya niya kaya unang mapapansin bago mukha, hoy alam ko iniisip nin'yo maganda s'ya kaya, sadyang oversize ang bubelyas ng gaga, mabalik tayo sasama pero mga panaguan taguan ba naman si Daddy D, oh di ngayon parang merlat na atat. Pero nagulat ako kasama pala ni misha si Vani at Weng himala lumabas ng yungib ang dalawa, may pagka gunaw kaya, Oh no Lord wag ngayon ayoko mawala sa earth na hindi na papasok ng lubos ang ibang langit. Dyosko naman Sharina Ada Abejuela palayasin mo ang sanib na si Tuesday Vargas at pasanibin mo muna sa katauhan mo si Maja Salvador.. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay misha, andon na agad sila so susunod ako malapit lang naman ang Lamaz club so keri boom boom ko ito, lumayas ka Tuesday pasok Maja, bulong ko sa isip ko. May kotse ako halos kaming lahat naman sa grupo maayus na ang buhay pwedeng sumabay sa mga yaman ng mga lalaking misyon namin, pero dahil Maja Salvador ako tonight mag taxi ako para naman may pahatid later, say n'yo ang brainy ko diba.. Twenty minutes that's it nasa labas na ako ng club, kinakabahan ako first time ko tong gagawin, In my twenty six years of existence ngayon lang ako mag lalandi ng bongga. Nasa ganun akong pag iisip ng lapitan ako ng isang hunky na yummy pa na lalaki, pero not my type mukhang p***y wrecker lang ito. Malapit na sana ang lalaki biglang sulpot ng dalawa kong kaibigan si Em em at Cris save by the bubelyas ni Em em. Binati ko agad ang dalawa para di na tuluyang lumapit ang lalaki, ang gaganda ng ayos ng dalawa pero mga sambakol ang mukha. "Anong ganap sa inyong dalawa at mag Biyernes Santo ang mga peg? tanong ko sa dalawa. " Matutuwa ka ba kung kasama ka sa club pero di ka makapag enjoy kasi panaguan ka aber?, si Em em. "I agree, Mommy E, mabuti pa yung isa awrang awra.." si Cris. "E di lumarga kayo sa loob para makaparty, ikaw Em em para makita ka ni Darius at ikulong kana sa loob ng brief, n'ya, ikaw namn Cris magpakita ka kay logan para matapos na ang paglasap mo sa alembong n'yang dila at dancing finger, ano hala pasok na, daming hanash ano?," pabargas ko namang tira sa dalawa, lihim akong napangiti ng natigilan sila. " Oh bat natigalan kayo?, Ano tarana? sabay naman umiling ang dalawa kaya ngiting tagumpay team shanang.. "Sha sorry kanina sa picture ni dok light papalitan ko na lang please!, saka pwedeng paki bantay si Logan baka may babaeng haharutin sige na sha, payag kana.." paawa at palambing pa na sabi ni Cris. "Hoy babaeng hindi tigang papayag akong palitan mo yun basta pa pirmahan mo kay author siobelicious, at babantayan ko din ang magsasaka mo, Ano deal or no deal?" panggagaya ko pa kay kris A.. "Deal bukas may picture kana with autograph ni author, I lab yah Sha.." malanding sabi nito. Ngayon si Em em naman ang binalingan ko, at tinanong, "Oh ikaw anong ibibilin mo bilis kating kati na ang paa ko rumampa sa loob.." pa excite kong sabi. "Wala naman paki tingnan na lang si D baka mapaaway sa loob, yun lang," malumay na sabi niti very unusual to. "Ok pasok nako noted na lahat mga frenny, wish me luck," napa sign of the cross pako pagtalikod ko sa dalawa. Pusang gala mga mare kabado ko Wampayb, buti sana kung pwede itong maging pera hindi naman, tinanguan ako ng guard kaya pumormal na ang mukha ko. I wear a very seductive smile yung tipong lahat maging kapwa babae maapektuhan, by the way I'm Sharina at forte ko ang pagbabago bago ng katauhan, take notes for that. Sumalubong sa akin ang pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo at pabango ng mga tao sa loob. Bahagya akong luminga at hinanap ang pwesto ng mga kaibigan kita ko naman agad, kaya lumakad ako papunta roon na para bang rumarampa sa catwalk pero ang mata ay naka focus sa isang direksyon yun ay ang pwesto ni double H, muntik pakong natapilok pero like miriam ngumiti lang ako, epektibo naman, ng makalpit kina Vani, Weng at Misha binati ko agad sila same naman ng ginawa nila sa akin nagkwentuhan nga konti, sinenyasan kami ni misha using her eyes so yung dalawa sa bar counter ako sa dance floor. "It's showtime baby," bulong ko habang hindi winawaglit ang tingin kay Double. Kapit next chapter na Igiling mo ng husto sharina....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD