ABY-2 Sharina

1796 Words
Nakatunganga lang ako dito sa apartment ko. Yes sa apartment na talaga ako nakatira pero nasa ahensya pa rin naman kaming magkakaibigan. Ewan ko ba bakit wala pa sa aming naka katapos ng misyon, well ako my lead na kung sino at ano ang dapat kong gawin. Si misha nagtago muna ng matagal na panahon ngayon nga'y nakabalik na, mukhang handa ng harapin ang gera. Matagal na ring panahon halos hindi sumasagi sa isip ko ang kababatang si Hayes, ngayon naman na naiisip ko s'ya mas matinding pag kagulo ang nararamdaman ko. Last year may binigay na files ang ahensya sa akin doon nakalagay ang mga ilang bagay na sagot sa iba kung tanong. I don't know if it is just co - incident na mababanggit doon ang tungkol sa pagkamatay ni tita Hayna mommy ni Hayes, mas naguluhan pa ko na connected din ito sa pagkamatay ni papa. Nang mamatay si papa naging malungkutin si mama, halos napabayaan din n'ya ako lalo naman ang kanyang sarili. Hanggang sa mapansin ko ang unti unting pag hina ng katawan n'ya dalawang taon lang ang pagitan ng mawala si papa at mama, fifteen na ko noon. Sa kasamaang palad walang kamag anak na gusto akong kupkupin. Isang araw may isang matandang lalaki na kumuha sakin at dinala ako sa ahensya, ang sabi n'ya dito ko raw matututunan ang lahat, dito ko rin daw bubuoin ang buhay ko at panibagong pagkatao. Ngunit sabi n'ya rin pag dating daw ng tamang panahon may ipakikiusap siya sakin ang protektahan at pakasalan ang kaisa isa n'yang apo. Dala ng kabataan pa sumumpa naman ako sa kan'ya. "Sino po kayo? Ano po ang kailangan ninyo sa akin?.." walang muwang kong tanong. "Hija narito ako para kunin ka at isa sa isang lugar kung saan ka makakapag bagong buhay, doon mo rin bubuoin ang bago mong pagkatao at mundo, magtiwala ka sakin…" turan ng matandang lalaki. "Bakit ko naman po kayo paniniwalaan, Lolo kung mga kamag-anak nga po ni mama at papa ayaw sa akin?, saka hindi ko po kayo kilala ni pangalan ninyo po ay di ko alam?" mahabang tanong ko. Ngunit nagulat ako sa reaksyon ng matanda. Ngumiti ang matanda na ipinag takako, kita ko sa mata ng matanda ang aliw at paghanga sa mga sinabi ko. " Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sayo hija, tulad ni Hayna karapat dapat ka isang matalino, maabilidad at napaka gandang munting binibini.." nakangiti pa rin na sabi nito sa akin. May mga ilang bagay na sinabi ito at dahil doon ay nakumbinsi akong sumama dinala nga nila ako ng tauhan niya sa WEA. Ngunit bago ito umalis ay may iniwang mga salita at pangako. " Sharina hija, ano man ang kaharapin, mo sa hinaharap, ipangako mo na ikaw ang magiging asawa at poprotekta sa kaisa isa kong apo…" Ngumiti ito at nag patuloy muli. "Ikaw ang higit na nararapat umupo at makasama n'ya sa tabi at buhay n'ya. Mula sa araw na to apo ilaan mo ang puso't pagkatao mo sa aking apo, alam kong matatag ka subikin man kayo ng kahit ano…" tila siguradong sigurado na turan nito. " Pero Lolo may kababata po ako at nangako s'yang babalik, dahil para daw po kami sa isa't isa, " alma ko sa sinabi ng matanda. Naguguluhan naman na talags ako dahil panay panay pa rin ang ngiti niya bago muling mag salita.. "Kung ganon hija, panghahawakan ko yang sinabi mo na hihintayin mo ang kababata mo, at s'yang makakatuluyan mo. Ngayon palang sinasabi ko na sayo na welcome to the family, magpapaalam na ko hija nawa'y maglaon man ang panahon di mo malimutan ang matandang ito.. "mahabang salaysay ng lolo. Naguguluhan man napilitan akong tumango at mag paalam ng maalala ko na hindi niya sinabi ang pangalan niya ng tanungin ko, kaya dali dali akong tumakbo palabas ng pintuan, ngunit nakasakay na ang matanda at nag uumpisa na umusad, hindi na ko nag aksaya pa ng panahon at hinabol ang sasakyan. Napansin siguro ako ng driver bumagal ang takbo kaya huminto ako. Mula sa loob ng sasakyan dumungaw ang matanda at nakangiti ito tulad kanina, kaya muli ay napangiti na rin ako at nagsalita.. "Lolo madaya po kayo, hindi nin'yo po sinabi ang pangalan nin'yo sa akin" may himig pagtatampo ko na sabi. Bumakas ang gulat sa mukha ng matanda ngunit kaagad ding nakahuma at nahagya pang tumawa. "Iyon ba ang inihabol mo Sharina?" tanong nito. Agad akong tumango at mas nakakagulat ay tumawa ito ng mas malakas bago nag salita muli. "Napakagandang katangian Sharina, hindi ka pumapayag na hindi makuha ang ninanais, ito ang kulang kay Hayna.." "Dahil d'yan tawagin mo akong lolo H" iyon lang at pumasok na muli ang ulo, nilolo H sa bintana ng kotse. Iyon ang una't huling pagkikita namin. Nabalik ako sa aking sarili ng marinig ang sunod sunod na katok, agad din naman akong tumayo para silipin at buksan ang pintuan, hindi na ko nagulat ng makita si Cris, niluwagan ko ang bukas ng pinto agad naman itong pumasok. "Sha, pinapatanong ni Misha kung sasama ka daw sa Lamaz club?" panimula nito. "Yan ba ang dahilan ng pagpunta mo dito o may iba pa?, nakalimutan mo bang may cellphone na Cris?.." mahinahon pero sarkastikong sabi. Ngunit hindi ito si Cris kung hindi it OA mag react, namimilog ang matang nakatingin sakin sabay iling at punas kuno ng luhang wala naman talaga, hay nako kung di ko kaibigan nun'kang papasukin ko ito. Apaka kulit din tinalo pa ako, nakakapagtaka ano kayang ginagawa nito dito sa syudad ngayon. "Sobra ka naman Sha!, ngayon na lang tayo ulit nagkita ganyan ka pa sakin. Alam ko iniisip mo na bakit andito ako, well lumuwas kasi si Logan kaya sumunod ako, alam mo naman na s'ya ang misyon ko, hindi pwedeng mawala s'ya sa paningin ko kaya andito ako wala ng ibang dahilan pa.. "mahabang paliwanag niti halata naman na sobrang dinedepensahan ang sarili.. Tumawa ako ng buong lakas, dahil nakakatawa ang mukha n'ya habang todo paliwanag parang kriminal na nahuli sa akto pero dedepensa pa din. Huminto naman ako ng lalong bumusangot ito. "Oh tigil na ko ahh, Oo sasama ko pero mag papa huli ako ng punta gusto ko kuha ko agad ang pansin ng lahat lalo na yung target ko, gets mo strategy ba inday", sabay mahinang tawa. Hindi ito sumagot kaya muli akong nagsalita. "Ikaw ba sasama Cris?, paano yun baka makita ka ni Golan mo? , baka mabuko ka noon o mabuko mo s'ya na madaming kaharutang iba na mas sexy, yummy at may experience unlike you matitigang na ang sapa",tawang tawa kong sabi. Pero nagulat ako ng biglang lumagapak na lang bigla, aba ang lintik ang picture frame na litrato ni Dok Light na crush na crush ko ang character sa kwento ng isang sikat na sikat na author na si Siobelicious, ang ginantihan ng bruha akala n'ya palalampasin ko to lintik lang walang ganti hindi ngayon, pero mamaya ka sakin sa club.. " Oops….. Sarry frenny! , dumulas kasi sa kamay ko, ang dada mo kasi shanang the manang, o anong tingin yan shanang natatakot ako, picture lang to ako nga himak mo ang sapa ko, inaakala mo tigang. Hoy for your info binabaha ito ni Golan ko no karating na ko sa ikapitong langit…"Proud na proud pang sabi nito. Ako naman ang di makapaniwala sa narinig kaya agad akong lumapit dito at kinaltukan ng malakas sa ulo sabay sabi, " Hinayupak kang babae ka pina araro, mo ang lupain mo sa bukid pati kepay mo pina araro mo din!?!, mulagat na mulagat kong turan pero ang babaeng ito ligayang ligaya pa animo'y bulateng binudburan ng isang toneladang asin.. Aba hindi makasagot mukhang guilty ang bruha, ang sarap sulsihan ang butas ng kepay, hindi ko talaga matanggap na nauna oa s'yang madiligan, at ang bwisit pa ang yummy ni Logan Yu. Tang'na self ito pa talaga unang naiisip natin ang mahalaga dito ang puri ng frenny natin, saway naman ng isang bahagi ng isip ko. Umayos ako ng pagkakaupo sa tapat ng kaibigan ko, kakausapin ko talaga ito ng masinsinan at heart to heart. Aba dapat kung nag papadilig ito gumamit ito ng proteksyon para walang iyakan at sisihan sa huli, saka wala batang kawawa, pag nag ayawan ang magulang. Pero sa gulat ko inunahan ako nitong mag salita. "Alam ko yang nag lalaro sa isip mo Sharina, oo nababasa nga ang kepay ko pero dipa kami umabot sa bembangan ng kweba at kanyon, sayang nga wala pang kabayuhan at ungulan pero satisfied nan ako sa alembong n'yang dila at dancing finger.." tiling hirit nito. Ako?.. Literal na natulala lang at ng makahuma, nalinawan din wala pa palang bembangan, kainan lang pala, nyeta pero paalahanan ko na rin para naman hindi ako masisi. Thank you lord, safe pa ang sinkhole ng bruha. " Fine!, kung wala pa talagang bembangan, good pero if ever hindi matiis ang kati ng kepay at gustong, ipahadhad alam mo na ang dapat gawin, pina paalalahanan kita kasi mahal kita, at may laban pa tayong kaka umpisa palang get mo…" buong puso kong pag papaunawa. " Alam ko naman Sha, na nag papa alala ka lang sakin, pamilya na natin bawa't isa diba, don't worry i secure ko, ang puso ko kahit pa mawarak pa n'ya ang kweba ko"sabay tawa pero bakas ang kaba at pag alala. Naawa man ako pero wala din akong magagawa may sarili din akong pagsubok na sana lang malagpasan ko. Matapos mag usap ay agad itong nag paalam, na mauuna na s'ya doon daw s'ya sa condo n'ya. Malapit naman ang condo ng bruha sa unit ni Logan iba rin tong si cris husay di man lang na bubuking, pero sana hindi muna at kung mabuking man sana buo na ang tiwala nila at pag mamahal, gusto ko happy ending sila. Tatayo na sana ko ng maagaw ang pansin ko ng litrato ng forever bebe ko, nako cris humanda ka sakin mamaya, ihanda mo ang sarili mo ipapaharot ko sa iba ang magsasaka mo, na hindi lang lupain mo sa bukid ang gustong araruhin.. Mag beauty rest muna ko para naman paikot ko ang tumb*ong ng bebehan ko mamay. Oh Lord ibigay o ipagakaloob mo po muna sakin mamaya ang lahat ng alindog ng goddess of beauty, para naman taob na taob agad ang bangka ng isang Hayes Hermoso.. Ibabalik ko ang maalab mong libido, charizzzzzzz. Pero lord please help me makulit lang ako pero kulang talaga saPero lord kakayahang lumadi, ay papaturo pala ko kay Cris. Oh s'ya tara na ang hirap kausap ang sarili. Lamaz club hintayin mo ko gigiling na ang babaeng kahuhumalingan ng lahat. Maging ng isang bilyonaryo na nuknukan ng masungit at allergy sa babae Double H antayin mo ako…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD