-----
Welcome to Xavier University. Named after Tito Toby and Tita Nhia's lost son Xavier. We never really talk about him that much. Nagiging emotional pa din kase si Tita Nhia regarding that matter.
Anyway. Naglalakad ako sa hallway papunta sa room ni Rylie. Ibibigay ko sa kanya yung cookies na b-in-ake namin ni Mommy. Ngayon palang nagpa praktis na akong maging mahusay na asawa para sa kanya in the near future.
"Hoy Panget! Ano yan?" Napasimangot ako nung harangin ako ni Caleb. Kapatid siya ni Rylie. Mas bata siya kay Rylie at mas matanda siya sakin ng isang taon pero pareho kaming grade six. Sabi niya kase nun, sinadya niya talagang umulit ng isang taon para makahabol ako sa kanya. Wala daw kaseng magtatanggol sa akin kaya ayun. He's always been there for me. My saviour, My big brother.
"Wala kang pake.. Para kay Rylie my love 'to!" Sumimangot naman siya at akmang kukunin yung box na maagap kong inilayo.
"Titikman ko lang eh! Ang damot nito!" Nakapout pang sabi niya habang ipinapadyak yung paa.
"Sa bahay madami pumunta ka. Para nga kase 'to kay Rylie eh.." Nag umpisa na ulit akong maglakad. Nakasunod lang sakin si Caleb. Sinilip ko siya at tulala siyang naglalakad habang nakapasok yung dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Napangiti ako ng lihim. Ganyan talaga si Caleb. Para ko na siyang kuya palibhasa panganay ako and si Rylie.. Uhmm ayokong maging kuya si Rylie dahil magiging asawa ko siya balang araw.
"Caleb!!!!" At napunta siya sa tabi ko nung marinig niya yung parang sirenang boses ni Brielle, My bestfriend.
"Caleb baby. Samahan mo naman ako mag mall mamaya." Nakayakap pa ito sa braso ni Caleb.
"Layuan mo nga ako Brielle!" Sabi ni Caleb habang pilit na tinatanggal yung kamay ni Brielle na nakapulupot sa katawan niya.
"Bat ka ba ganyan sakin Caleb? Pag sa ibang tao ang bait bait mo. Sakin naman sinusungitan mo ako!"
"Ang kulit kulit mo naman kase eh!" Naiiritang sabi niya rito.
"Sabi nila 'The more you hate, The more you love.' Love mo ko noh?" Pang aasar pa ni Brielle.
"Psh.. Tigilan mo nga ako." Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Pag si Caleb ang kaharap ni Brielle nagiging invisible na yung ibang tao sa paligid.
Ang layo naman kase ng high school building sa elementary eh. Third year highschool na si Rylie habang grade six ako. Isang taon na lang, nagkakasama na kami sa isang building.
Naalala ko pa nung grumaduate si Rylie nung grade six. First kiss ko pa yung gift ko sa kanya, Grade three palang ata ako nun. Uhmmm it didn't turned out the way I planned- nagalit siya siguro dahil hindi pa ako marunong kumiss-pero promise, magpapraktis akong humalik para pag kiss din yung gift niya sa graduation ko, hindi naman siya ma disappoint.
Natigilan ako nung makita ko siya. Nahigit ko yung paghinga ko and my knees turned into jelly. Ang lakas talaga nang dating niya. Sabagay hindi lang naman sakin kundi maging sa halos lahat ng babae sa Xavier. His badboy persona makes girls scream. Ang O.A man pakinggan pero oo, may mga hinihimatay kapag nakakausap siya.
Kausap niya si Ate Steffi, Tito Stephen and Tita Eina's daughter. Close silang dalawa kahit college na si Ate Steffi. Hindi naman ako nagseselos sa kanila eh. Sanay na akong mas close silang dalawa saka alam naman ni Ate na magpapakasal ako kay Rylie someday pero hindi ko parin mapigilang hindi mainggit.
Si Ate Steffi palaging nakikita at nahahawakan si Rylie. Nginingitian siya nito at madalas siyang gawing model ni Rylie sa mga paintings niya samantalang ako.. Ni ang tignan na walang galit hindi niya magawa.
"Huy Bessy! Ano na? Ibibigay mo ba yan o kakainin nalang natin?" Brielle bumped her hips on mine. Umiling ako at tumingin sa kanya.
"Maraming tira sa bahay.. kung gusto niyo punta kayo mamaya." Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumalikod na ako, I took a deep breath at nagsimulang maglakad papunta kay Rylie.
"Ibibigay mo pa sa kanya e sakin din naman ang bagsak niyan." Narinig ko pang sabi ni Caleb na hindi ko na pinansin. Alam ko naman na hindi talaga pinapahalagahan ni Rylie yung mga binibigay ko eh. Yung mga cake, cookies lahat ng bina bake ko si Caleb ang kumakain. Ilang beses ko na din siyang nakikitang itinatapon yung mga love letters na iniiwan ko sa locker niya. Yung galing lang talaga sakin yung itinatapon niya.
Pero hindi ako nawawalan ng pag asa..Balang araw mamahalin niya din ako. Sabi nga ni Tita Ninang Lizzie, 'It's just a matter of time.'
Saka atleast diba alam niyang nag eeffort ako para sa kanya.
Kinakabahan ako. Heh. Para akong maiihi sa kilig o sa kaba. I don't know basta parang may butterflies sa tummy ko. Napansin ako ni Ate Steffi na papalapit kaya kinawayan niya ako. Napaharap din sakin si Rylie, our eyes met. I took my gaze off him. Para na naman kase akong tinutusok nung mga mata niya. Alam na alam ko naman kung saan hugot yung galit niya eh. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ako pa?
"Hi Aia.." Nakangiting sabi ni Ate Steffi.
"Anong kailangan mo?" Nakasimangot na tanong ni Rylie. Even when he's mad, ang gwapo gwapo parin niya.
"Uhmm.. Ibibigay ko lang naman 'to sayo e. Nag.. nag bake kami ni Mommy kanina." Iniabot ko yung heart-shaped box na kulay red na may ribbon pa sa gitna sa kanya pero hindi niya naman yun kinuha. Tinitigan niya lang ako ng matagal bago niya hinampas yung kamay ko kaya nalaglag yung box sa sahig.
Napasinghap sila Brielle at Ate Steffi sa ginawa ni Rylie.
"Kuya!" Agad akong hinila ni Caleb palapit sa kanya. He wrapped his arms around my waist bago niya pinulot yung box sa sahig. "Kung ayaw mo pwede mo namang sabihin ng maayos diba? Bakit kailangan mo pang gawin yan? Pinaghirapan ni Aia yan eh!" Sigaw ni Caleb sa kuya niya.
"Kung gusto mo.. sayo nalang. Hindi ako kumakain ng basura at hindi ako tumatanggap ng galing sa basura." Sabi ni Rylie saka siya naglakad palayo.
"Okay ka lang Bessy?" Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Pinunasan ni Brielle yung pisngi ko. Umiiyak na pala ako? Hindi ko naramdaman. Para kase akong namanhid sa sinabi ni Rylie eh.
"Tara nga muna sa clinic.." Yaya sa akin ni Caleb pero pinigilan ko siya.
"Baka makarating pa kay Daddy yung nangyari. Sa tambayan nalang." Wala din namang nagawa si Caleb kundi ang sumunod sakin. Kasama din namin sila Brielle at Ate Steffi.
-------
"Okay ka lang ba Bessy?" Hinawakan ni Brielle yung kamay ko saka tinignan ako na may concern sa mga mata. Binigyan naman ako ni Ate Steffi ng isang basong tubig.
"Oo naman.. Wala yun noh.. Para namang hindi pa ako sanay kay Rylie? Masungit lang talaga yun.. ikaw na din ang may sabi diba? 'The more you hate, the more you love..' edi ibig sabihin mahal na mahal na mahal ako ni Rylie kase hate na hate na hate niya ako? Hahaha!" Pinilit ko pang matawa kahit na choke na ako ng sarili kong laway.
"Hindi ka pa ba napapagod?" Tanong ni Caleb. Umiling lang ako..
"If you love what you're doing, you'll never get tired. Same as, if you love a person.. You'll never give up." Nginitian ko sila.. "Atsaka.. Ako ata si Amaia Yrina Dela Merced Guevara. Wala sa vocabulary ko yung salitang Give up."
-------------
Araw ng graduation ko ngayon, hindi man ako yung class valedictorian ngayon taon okay lang sakin. Actually, pinaubaya ko talaga yun para dun sa scholar kong classmate. Mas kailangan niya ng scholarship grant galing sa X.U kesa sakin eh.
"I know what you did Baby.." Seryosong sabi ni Daddy Liam sakin.
"Are you mad Daddy? " He patted my hair.
"Of course not. I'm so proud of you pa nga. You did the right thing." Niyakap ko si Daddy. I'm so blessed to be a part of this family.
"Thank you Dad.. I love you!!!!" Hinila ko yung shirt niya. Nag tiptoe din ako para makahalik ako sa cheeks niya.
"I love you too Princess, anong gift ang gusto mo?" Tanong niya. Ngumiti ako ng nakakaloko.
"Dad.. Pwede ko bang hilingin na gift yung kamay ni Rylie? Ipa engage niyo na kami ni Tito Louie!" Sumama ang mukha ni Daddy Liam sa sinabi ko. Para din siyang mahihimatay dahil nawalan ng kulay yung mukha niya.
"Princess naman eh. Masyado pa akong bata para maging lolo."
"Lolo agad Daddy?! Di pwedeng kasal muna?!" Natatawa na ako sa reaksyon ng mukha niya pero naka steady lang yung reaction ko para kunwari seryoso ako.
"Amaia Yrina Guevara gusto mo bang sa U.S na tumira?!" Seryosong sabi niya.
"Joke lang Daddy! Uhmm isa lang naman yung gusto kong gift eh.." I stopped,
"And that is?.." Yumuko siya at ibinulong ko sa kanya yung gusto kong graduation gift. Saglit siyang natigilan pero tumango din naman siya agad.
-----------
Nasa Hospicio de Angelus kame ngayon, yun yung foundation na tinayo nila Mommy at Tita Ninang Lizzie. Bahay Ampunan ito na pinapatakbo ng mga madre at ilang volunteer workers. Madalas kaming sumama ni Ate Jaime, anak nila Tita Ninang Lizzie pag nagpupunta sila dito but this particular day, kumpleto kami. As in pati sila Daddy,Tito Brad, Tito Louie, Tito Iñigo, Tito Stephen at Tito Toby kasama yung mga anak at asawa nila nandito. Eto kase yung graduation gift na hiningi ko kay Daddy eh. Yung mag spend kaming lahat ng isang buong araw para sa mga bata sa bahay ampunan.
Binabasahan ni Tita Eina yung mga bata ng story habang inaayos namin yung mga pagkain pati yung mga bagong damit at sapatos na ipamimigay sa mga bata.
Napatingin ako sa paligid. Si Tito Stephen binigyan ng isang boteng mineral water si Tita Eina saka niya pinunasan yung pawis nito. Si Tito Toby hawak hawak yung kamay ni Tita Nhia habang naluluhang nakatingin sa mga bata. Siguro naiisip niya na naman si Xavier. Si Daddy at Tito Brad tinutulungan sila Mommy at Tita Ninang Lizzie magbuhat ng mga box na may Styrofoam habang si Tito Louie ipinaghehele yung bunsong anak nila ni Tita Celine.
Napangiti ako. Kahit saan ako lumingon love ang nakikita ko. Gusto ko din ng ganung klaseng pagmamahal eh. Yung pang matagalan. Sana kaming dalawa ni Rylie tumagal..
"Bessy..." Tumingin ako kay Brielle at inginuso yung mga bagong dating. Napakapit ako sa lamesa nung nakita ko sila..
Si Rylie kapit-kapit yung kamay nung isang babae. Ang alam ko Miss Xavier Academy siya last year pero hindi ko alam ang pangalan niya.
"Anak?" Concern is written on Mommy Yngrid's face.
"I'm okay Mommy.. Bata pa ako kaya pwede pa siyang mambabae. Pag naging dalaga na ako.. Hindi na siya pwedeng tumingin pa sa iba."
"Ay ang taray ng inaanak ko! Bata palang masokista na agad! Ang dami daming pwedeng manahin sa ina, yun pa talaga!" Nakita kong hinampas ni Mommy yung braso ni Tita Ninang Lizzie, nakita ko din nung gumanti si Tita Ninang kay Mommy pero hindi ko na sila pinansin. Naka fix yung mga mata ko sa dalawang taong naglalandian sa harapan ko.
'Si Amaia Yrina Dela Merced Guevara ka.. You don't give up easily.. Fling lang yan ni Rylie Aia.. Sayo padin ang bagsak niya.' I keep on telling myself.
-------