Nagkulong siya sa silid at ayaw na niyang lumabas at baka nandoon si Xavier. She doesn't want to face him hangga't maari at sinasaktan niya lang ang sarili kapag magkaharap sila. Isipin pa lamang na mahal niya ito samantalang ito ay walang pag-ibig sa kanya. Nakakapanlumo. At bukas pag-uwi niya ay sisiguraduhin niya na hindi na niya ito iisipin pa. She will go back to work at siguro kung magiging busy na siya ay mabilis na rin niya itong makalimutan, katulad kung gaano siya kabilis na nahulog dito. Maya-maya pa ay narinig niyang may kumakatok sa kanyang pintuan. Tumayo siya at binuksan sa pag-aakalang si Nana Saling ang dumating. Pero nagulat siya nang mabungaran sa pintuan si Xavier. Matiim na nakatitig sa kanya. Nang malaman na ito ang kumakatok ay mabilis niyang sinirado ang pinto ngun