When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Agad na tinugon ni Lance ng halik na iyon ni Kath. Masayang-masaya ang puso dahil sa kabila ng hitsura niya ay mahal siya nito. Mas lalong nag-alab ang mga labi. "Mommy—" Tinig ng anak na nagpahiwalay sa kanila. Parang mga teenager na nahiya matapos mahuli ng mga magulang pero sa pagkakataong iyon ay anak nila. "Yes, anak?" "Mommy, patanggal naman po." Turan ng anak sa kuwentas nitong pumulupot sa akap na spiderman. Nagkangitian sila saka mabilis na lumapit si Lance sa anak. Ito na ang nagtanggal noon. Naaalala niya ng araw na ibigay iyon dito. Mukhang tinupad naman ang anak dahil hindi nito tinatanggal iyon. Nang muling maging abala ang anak ay muling hinarap si Kath. Napakaganda nito at hindi siya magsasawang titigan ito.