When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Matapos nang masaganang hapunan ay tinulungan na ni Kath ang katiwala nilang magligpit. Mabuti at mabait naman ito maging ang dalaga nang anak na siyang katuwang ng ina nito sa paglilinis ng malaking resthouse. Nakita pa niyang panay ang sulyap ni Lance sa kaniya habang patungo ang mga ito sa sala. "Hayaan mo na at kaya na naming mag-ina rito," awat pa ni manang Merly sa kaniya. "Naku, ayos lang po ako. Sanay naman po ako sa gawaing bahay," turan dito. Sa totoo lang ay gusto na muna niyang lumayo kay Lance. Para kasi siyang nalulunod sa nararamdamang saya. Ilang sandali ay bumalik ang mama nina Lance. "Oh hija, bakit hindi mo na lang samahan ang mag-ama mo sa sala. Kami na rito," wika nito. Mukhang umalis rin yata ang panganay kaya bumalik ito. Napansin napatingin siya at nahulaan a