Chapter 5:

1870 Words
                  Tila nabunutan ng ng tinig sa dibdib si Lance sa narinig buhat sa kaibigan.         Masayang-masaya sina Kath at Chona dahil ang una ang nakakuha ng insentive. Halos dalawang libo rin ang naiuwi ni Kath samantalang si Chona at kulang-kulang isanlibo.           Sa kantina sila humantong. Nilibre niya ang kaibigan dahil sa tulong na binigay nito sa kanya. Pagod na pagod silang dalawa sa maghapon.         "Oh di ba? Sabi ko sa'yo eh. Kikita ka ng malaki," pambibida pa ni Chona habang nakain.         "Salamat bakz, hulog ka talaga ng langit sa akin."          "Charooot! Kamo hinulog ng langit dahil bawal ang bakla roon."           Masayang pinagsaluhan nila ang kanilang pagkain. Muling naalala ang lalaking pumakyaw ng kanilang tinda. Ngunit mas nananaig ang mukha ng lalaking nagawang dukutan.         "In fairnes girl, yummilicious din ang lalaking pumakyaw ng condom." Turan nito.        "Pero mas yummilicious iyong—."          Putol na turan dahil hindi alam na naisatinig na pala niya ang nasa isip.           "Aha! Sabi ko na nga bang, type mo rin si Mr. Judge."           "Mr. Judge?" Kunot noong ulit sa sinabi ng kaibigan.          "Yes, Mr. Judge. Judge sa pageant na sinalihan natin." Tawa nito at muling naalala ang gabing iyon. "Grabe talaga girl, beauty contest to action movie ang peg natin ng gabing iyon."          Napangiti siya. Hindi kasi nasabi ritong nagkasama pa sila ni Mr. Judge dahil tiyak na puputaktihin siya nito.           Matapos kumain ay napaalaman na sila sa isa't isa para makapagpahinga na. Nagpabalot na rin siya ng pagkain para sa kapatid at pamangkin na kambal.          Hindi pa siya ganap na nakakarating ng bahay ng marinig ang sigaw ng kapatid. Binundol siya ng kaba sa maaaring dahilan ng pagsigaw nito. Mabilis ang takbo upang tuluyang marating ang bahay at mula roon ay kita ang kapatid na buhat ang isang kambal na tila wala ng buhay.          "Ate, anong nangyayari?" Kabadong tanong.           Hilam ng luha ang mukha ng kapatid habang kalong ang anak.           "Hi—hindi ko alam."           Mabilis na dinaluhan ito saka pinulsuhan ang pamangkin. May pulso pa ito ngunit mahinang mahina na.          "Ate dadalhin ko siya sa ospital," aniya saka mabilis na kinuha sa kapatid at patakbong pumara ng tricycle.        "Ate sunod na lang kayo sa ospital," sigaw niya sa kapatid habang inaalo ang isa pang kambal na panay ang iyak.        May pagsusumamo sa mata ng kapatid. Alam niyang pera ang inaalala nito.        "Diyos ko huwag niyo naman pong pabayaan ang pamangkin ko. Napakabata pa po niya," dalangin niya habang panay ang kapa sa pulsuhan ng pamangkin.         Ganap na narating ang ospital at agad namang nilapatan ng ospital staff ang pamangkin. Saka pinasok sa emergency room.         "Diyos ko!" Himutok niya habang nilamukos ang mukha. Sa nadatnang senaryo ay tila ibong lumipad ang pagod at ngalay ng katawan niya sa maghapong pagtitinda.          Ilang saglit ay lumabas ang doktor na sumuri sa pamangkin.           "Ikaw ba ang ina ng bata."           Hindi na niya tinama ang sinabi ng doktor dahil parang nanunuyo ang lalamunan niya sa pagod at sa kaba.          "We need an immediate operation. Mahina magproduce ang kanyang blood cells and we need a bone marrow transplant. It's not easy but it's the only way para mabuhay pa siya," wika pa ng doktor.         Tila nabingi siya sa sinabing iyon ng doktor. 'Bone marrow transplant,' ulit ng isip niya.          May napanood na siyang teleserye na naoperahan ng bone marrow at ayon doon ay hindi basta basta ang perang kakailanganin.          Hindi niya namalayang tumulo na pala ang luha niya. Mga luhang kitang kita ng pares ng matang papasok sa ospital.          Dinaanan muna ni Lance ang kapatid na si Jake sa ospital kung saan ito nagtatrabaho. Matagal-tagal na ring hindi nakikita ito dahil bukod sa pagiging doktor ay rakista rin ito. Gitarista ng isang banda.             Kaya minsan hindi niya masakyan ang trip ng kapatid sa pag-aayos ng sarili. May kahabaan din ang buhok nito at naglalagay ng makapal na eye shadow o eye liner sa mata para magmukhang rakista ang dating.            Minsan tuloy natanong niya ito kung totoong barako ba ito ngunit suntok ang abot niya. Mula kasi ng tumuntong sila sa tamang edad at nakapagtapos ay kaniya-kaniyang buhay na sila. Kung may family gathering na lamang sila nagkikita-kita o nagpatawag ang kanilang mahal na ina.           Papunta na sana siya sa doctor's quarter ng malingunan ang kapatid. Tatawagin niya sana ito nang mapansin ang babaeng nasa harap. Sapo ng magkabilaang palad ng babae ang mukha nito.         "Mukhang may problema yata," aniya sa sarili.         Nang biglang magtaas ng mukha ang babae ay napasinghap siya. "Kathhhhh," di mapigilang bulalas.          Nakamasid lang siya sa mga ito. Mukhang malalim ang pinag-uusapan ng dalawa dahil bakas sa mukha ni Kath ang pagkalungkot at pagkabahala.         Napagpasyahan na lang niyang hintayin ang kapatid sa doctor's quarter upang usisahin pakay ng babae rito. Ilang sandali pa ay dumating nga ang kapatid. Nabigla ito nang makita siya.           "Bro, anong meron?" Hindi makapaniwalang wika nito.         "Binibisita lang kita Bro, na-miss kita eh."         Tumawa naman ang kapatid sa sinabi niya saka pumormal ang kanyang mukha.         "It seems hindi iyon ang pinunta mo ah," untag nito sa kanya.        "Actually, iyon talaga but I saw you with a certain girl I know. Hindi ko na kayo ginambala dahil mukhang mahalaga ang pinag-uusapan ninyo."         Napakunot noo ito habang inaalala kung sino ang tinutukoy niya.        "Just now."         Biglang nagliwanag ang mukha ng kapatid.           "I see. She rush her daughter awhile ago. The child is in serious case. She need a bone marrow transplant immediately," bigay alam ng kapatid.          'Daughter? Bone marrow transplant?' Ulit ng utak sa sinabi ng kapatid.           Kaya naisip niya. Kaya pala kahit ano ay pinapasok ng babae magkapera lang dahil may anak na pala itong nangangailangan ng malaking halaga.          Bigla siyang nanlumo sa nalaman. Natahimik siya dahilan upang pakatitigan siya ng kapatid.         "Don't tell me, there's something with that lady?"          Nag-angat siya ng mukha. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang tulungan ang babae at ayaw niyang mag-alala pa ito kung saan hahagilap ng pera para sa operasyon ng anak nito. Baka kasi kung anong maisipan nitong gawin. Sa operasyon ng anak ay hindi birong halaga ang kakailangan nito kahit gabi-gabi pa itong sumali sa kung ano-anong patimpalak o araw-araw magtinda ng kung anu-ano ay hindi nito makikita ang may kalakihang halaga para sa operasyon ng anak nito.         "Do the operation ASAP. I will take charge of it," seryosong saad sa kapatid.        "Are you serious Bro?" Ang hindi makapaniwalang wika nito.         "Yes!"          Saka tumitig rito nang seryoso. Nagkasukatan sila ng tingin at ilang sandali ay nagsalita nag kapatid.        "Okay, hindi na ako tututol. It's your own bank account pero bakit? Tell me Bro? Who is she?" Tanong pa ng kapatid.         Hindi agad siya nakapagsalita sa tanong nito.          Kahit magulong-magulo ang isip niya sa sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit napagtuunan pa niya ng pansin ang hitsura ng doktor na kaharap. Guwapo sana ito pero daig pa siya sa kapal ng eye shadow at eye liner sa mata at may kahabaan din konti ang buhok nito. Ang hindi maialis sa kanya ay may resemblance ito sa lalaking dinukutan.          Doon ay naalala ang calling card na kinuha sa wallet nito.          Matapos umalis ang doktor ay dumating na rin sa wakas ang kapatid kalong ang isa pang kambal. Hindi niya mapigilang mapaiyak sa miserableng kalagayan nilang magkapatid. Kahit anong hirap ay gagawin niya ngunit bakit sa pamangkin pa nangyari. Sa isang batang paslit na wala pang kamuwang-muwang sa mundo ay lalasapin ang isang seryosong karamdaman.           Kinabukasan, habang naghahanda siya upang bumalik sa ospital ay naisipan niyang tawagan ang numerong nakalagay sa calling card ng lalaki. Nagdadalawang isip siya pero nanaig ang kagustuhang mapaoperahan ang pamangkin.          Nakailang ring na ang cellphone nito ngunit wala pa ring sumasagot. Ngunit hindi siya sumuko. Naka limang subok na siya ng biglang may sumagot sa kabilang linya.         "Yes, hello?" Baritonong tinig nito.          "He—he—hello," bulol na wika. "Lance Montecalvo?" Paniniyak niya kung tama ang numerong dinayal.       "Yes please. May I know who's on the line please."         Mas lalo siyang nailang at nanliit sa sarili. Hindi tuloy siya nakapagsalita.          "Hello Miss, still there?" Untag ni Lance sa natawag.         Nasa meeting kasi siya kanina kaya hindi masyado napagtuunan ng pansin. Nakailang dial din ang numerong tumatawag sa kanya. Tinig ng babae ang narinig buhat sa linya. May pag-aalinlangan sa tinig nito.         "Hi, this is Kath—Kathlyn Mendoza," aniya sakaling makilala siya nito.          Napakunot noo si Lance ng marinig ang pangalan ng babae. Napalunok siya. Tama ang hinala niya, para sa isang ina. Lahat gagawin para sa anak na may karamdaman.            Hindi man batid kung papaano nito nakuha ang number niya ay hinayaan na lamang. Siguro ay naibigay ni Bruce ng magkita ang mga ito noon.          "Ahemmmm," tikhim nito.         "Oh hi. How are you?"           Pinasigla ang tinig upang maibsan ang dinaramdam ng babae.          "Am...am..fine," anito. Kahit sa kalooban ay parang mamamatay na siya.           Siya na lamang ang pag-asa ng kapatid at pamangkin. Kaya lahat gagawin para sa mga ito.         "Are you free tonight?" Lakas loob na tanong sa lalaki. Wala na siyang ibang choice. Handa siyang isugal ang lahat madugtungan lamang ang buhay ng pamangkin.           Nakini-kinita na ni Lance ang ibig ipakahulugan ng babae sa pagtatanong nito. Ayaw man sana niya ngunit baka maisipan pa niyang sa iba magpunta at baka mas lalong mapasama pa ang babae.          Kaya napagpasyahan niyang makipagkita rito. Matapos makipag usap sa babae ay agad na tinawagan ang kapatid sa development ng bata.           "We are still searching for the perfect match for her and waiting for the result on her Mom examination. By the way the girl—." Habol ng kapatid ngunit nawala na siya sa linya dahil may emergency silang pupuntahan ng grupo.           Sasabihin pa sana nitong hindi nito anak ang bata pero nawala na si Lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD