Sapat na ang narinig buhat sa kapatid na sinisimulan na nitong maghanap ng perfect bone marrow donor nito. Pagdating sa tagpuan ng grupo niya ay napatawa na lamang siya. Akala niya talaga ay emergency, iyon pala ay ginu-good-time lang siya ni Bruce. Halos batukan ito dahil sa kamamadali niya ay halos paliparin ang sasakyan niya makarating lang sa sinabi nitong location. "I love you man," masayang bati ng kaibigan. "You got me there." Turo rito saka lumapit sa kinauupuan nito at bumaling sa babaeng kasama nito. Batid niyang ipapakilala nito sa kaniya. "Hey babe, meet my buddy and my best friend. Sgt. Lance Montecalvo." Pormal na pakilala nito. Napailing na lamang sa kaibigan. Matapos nang pagkikita nilang iyon ng kaibigan ay agad