#LivingWithYou CHAPTER 15 Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ang diwa ni Bryan. Ilang beses na siyang nagiba-iba ng style sa paghiga sa kanyang kama, mula sa patagilid sa kaliwa hanggang sa kanan, titihaya at muling tatagilid. Kahit hikab man lang na senyales na inaantok na si Bryan ay hindi man lang niya magawa. Hindi talaga siya makatulog dahil sa ayaw maalis sa kanyang isipan ang maraming tanong na may kinalaman sa mga kakaiba niyang nararamdaman ngayon. Maraming tanong sa isipan ang gumugulo pero ang sigurado si Bryan, si Eros ang dahilan ng lahat ng ito. Napabuntong hininga si Bryan. Tumihaya siya ulit ng higa. Tinitigan ang puting kisame. Matapos ang isang minuto ay muli siyang pumikit dahil ginawa na rin niya ito kanina para mapilit ang sarili n