Chapter 4

1067 Words
Nang matapos ang lecture, kaagad akong nagsukbit ng bag. Papalabas na sana ako ng lab nang biglang may umakbay sa akin. "Senpai, may date ka ba ngayon?" tanong ni Ria nang may malapad na ngiti. Umiling na lamang ako. Bakit parang nagiging clingy siya sa akin ngayon? "Oh my gosh Senpai! Kapag sinabi kong takbo, tatakbo tayo ha?" Lilingon sana ako para makita kung anong klaseng multo ba ang nakita niya para lubusang mataranta, ngunit hinawakan niya ang mga pisngi ko at muling iniharap sa kanya. Kasing lamig ng ice pack ang kanyang mga palad. Mayamaya pa'y para na kaming si Usain Bolt sa bilis ng pagkaripas namin ng takbo. We huffed and puffed after we reached the ground floor. When I recovered from the exhaustion that I felt, I asked Ria what's going on. "Siya! Siya 'yung dahilan!" Nanginginig niya pang ituro ang lalaking ilang araw ko nang pilit iniiwasan. "Sorry. May next class pa ako pero nagtawag na ako ng kakampi." Now, I'm alone. "Minnie, bakit hindi ka na nanonood ng practice namin? Ginagalingan ko pa naman dahil ayaw kong ma-disappoint ka sa akin." Kung hindi ko lang alam na isa siyang sociopath, bibigay na sana ako sa mala-puppy niyang pagmamakaawa. But no. He can't fool me anymore. 'Yung mga friends at goons niya, panay 'ayiee' akala nila kinikilig ako sa mga hirit ng kaibigan nila. Sa totoo lang ayaw ko siyang makita. Ni ayaw kong marinig ang pangalan niya. "I'm sorry but the reason why I don't watch the basketball team's practice is I became the swimming team's assistant manager." After I said those lies, nagsimulang maningkit ang kanyang mga mata kahit hindi naman siya chinito. Akala ko magiging okay na ang lahat, but I started to smell trouble when a familiar voice whispered in my ears while hugging me from behind saying : "I knew it. You'll accept my offer." What have you done Clementine? Mabagal kong ipinihit ang aking ulo. Isang pilit na ngiti ang aking pinakawalan. "Good! I know you're smart to not pass on this opportunity. Besides, there are lots of cooler guys in the team! 'Yung mga type na marunong rumespeto sa privacy." Napasulyap ako kay Roger. His teeth clenched at Erin's insult. Dinuro nito si Erin at sinabihan akong huwag maniwala sa mga paninira sa kanya. Mukhang hindi naman apektado ang aking bagong friend dahil she even put her hands on her waist. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Hmm... It's giving small eggplant energy." Hindi na nakapagpigil si Roger at sinugod si Erin. Hinila nito ang kanyang buhok. "The f**k! I just went to the salon! I'll kill you." Ngayo'y pinagtitinginan na kami. Upang hindi na lumalala pa ang g**o ay aking tinanong kung titigil ba siya kapag pumayag akong makipag-date. Lumapad ang ngiti ng loko. Masyado siyang natuwa sa idea ng pakikipag-date at kusa niyang nabitawan ang buhok ni Erin. Itinulak pa nga niya ito. Buti na lamang ay walang nabaling buto kay Erin. "Naririnig mo ba sarili mo? I won't allow you to be alone with this guy." Pumagitna ako sa kanilang dalawa upang hindi na magkalmutan ang dalawang ito. Hinawakan ni Roger ang aking mga kamay at sinabing hinding-hindi ako masisisi sa aking desisyon. "If you're a man of your word, apologize to my friend." Napakamot ito sa kanyang ulo. "What?! Never!" "Then forget our deal. I don't tolerate violence." Tumalikod na ako at humakbang papalayo nang harangan niya ako. "Di mo ba nakita? Nabastos ako!" "Kaya sasaktan mo siya? You just showed your true colors." May sasabihin pa sana siya ngunit hinatak na ako palayo ni Erin. Halos mabasag na eardrums ko sa infinite sermon niya sa akin. Hindi ko namalayan na nasa pool area na pala kami. "Ba't tayo nandito? May swimming lessons ka ba?" "Of course not, silly!" Nang matanaw ng aking mata si Sir Clint pinagpawisan na ako ng matindi. "Anong oras na ba?" Sinipat nang mabilis ni Erin ang kanyang relo. "Quarter to 5 bakit?" "Shoot! Ma-le-late na pala ako sa programming class! See you later!" Feeling ko matatanggal na ang baga ko dahil palagi na lang akong tumatakbo. Mukhang kailangan ko na ng double shot espresso. May cafe akong pinupuntahan di kalayuan sa campus. Dalawang kanto mula sa school, kakanan ka at hindi mo aakalain sa labas na coffee shop pala siya dahil mukha itong simpleng bahay. Para ko na ring si Miss Tan, ang may-ari dito. Isa pa, ang cute ng alaga niyang pusa! Finally, nahanap ko na ang perfect spot ko kaya naman grabe ako maka-gate keep dito. Kapag alam kong may basketball practice ang aking magaling na stalker, ay doon lang ako tumatambay dito. "Ay si Clem pala 'to. Mayroon kaming dessert of the day baka gusto mo siyang i-pair sa doppio espresso mo?" "Sige po." Hinila ko yung upuan doon sa table malapit sa bintana. Nilabas ko ang aking tablet at I immediately worked on my chapter draft for my webtoon. "Wow, may bago kang project?" tanong ni Miss Tan matapos mailapag ang aking cape at creme brulee. "Opo, kaso di ko pa alam kung anong magiging takbo ng story." "Huwag mong pilitin ang sarili mo. Bakit hindi ka na lang mag-drawing ng poging lalaki?" "You mean character design po?" "'Yun ba ang tawag doon? Ah basta. Naalala mo ba noong may deadline ka tapos hindi ka satisfied sa abs?" "Ay opo mahirap po talaga siya." "Sayang wala kasi rito yung gwapong estudyante na laging nakikipaglaro kina Rina. Mukhang may abs yun. Pakilala kita baka pumayag na maging model mo." Biglang namula ang aking mga pisngi. Anong pinagsasabi ni Ate? Although, nakakatulong kung may inspiration art or model, pero nakakahiya naman. Baka hindi ako makapag-concentrate. Umiling ako. "Thanks po sa offer but okay lang po ako. Baka mawalan lang po kayo ng customer." Tahimik lang si Ate. Nagsimula akong mag-alala. Baka na-offend ko siya. "Hmm. Baka nga. May pagkamasungit din 'yung batang yun." Pagkatapos niyon ay nag-enjoy muna ako sa aking kape at sinimulan kong mag-sketch at gumawa ng story map. Nang masaya na ako sa resulta, sinunod ko naman ang payo na gumawa ng character design ng mga main characters. Kapag may pumapasok sa loob ng coffee shop ay tumutunog ang mga wind chimes. Napasulyap ako sa customer. Paano kung nalaman na niya yung secret hideout ko? And that's when I saw him. The man who saved me in the grocery store.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD