Chapter 2

1094 Words
Araw ng linggo. Matapos ang nakakapagod na training ng magkaibigang Ash at Sage, naisipan nilang magtungo sa grocery store upang mamili ng paborito nilang energy drink.   "Hey, okay lang? Parang wala ka sa sarili mo nitong nakaraang mga araw," tanong ni Sage sa kaibigan.   "I'm fine."   Sa totoo lang alam ni Sage ang dahilan kung bakit parang tuliro ang kaibigan. Di-diretso na sana sila sa cashier lane nang isang pamilyar na babae ang kanyang napansin.   "Ash, mukhang may kailangan ng tulong natin!" pagkatapos ay hinigit niya ang kwelyo ng kaibigan. Nang lingunin ni Ash kung sino ang tinutukoy ni Sage ay napailing ito. Sa totoo lang ay ayaw niyang pakialamanan si Clementine lalo't alam niyang mas magiging kumplikado ang kanyang buhay. Sa isang banda, hindi niya maatim na may isang babaeng binabastos.   Dahan-dahan silang lumapit at pinakiramdaman ang magiging takbo ng mga pangyayari. Iritang-irita na si Ash dahil sa inaasta ng lalaki. Ang pagbulong ni Roger ang siyang naging senyas na kailangan na nilang tapusin ang kahibangang kanilang nasasaksihan. "Hey! Cherry! What's up?!" pagbati ni Sage. "I'm sorry but she's Minnie and not Cherry," paliwanag ni Roger sabay lagay ng kanyang kaliwang kamay sa balikat ng dalaga. Labis na nairita si Ash. Gusto na niya itong suntukin ngunit ayaw niyang gumawa ng eskandalo. "Take your of off me!" pagbabanta ni Clementine. Kitang-kita ni Ash ang pagngitngit sa galit ni Clementine. Hindi niya ito masisi. Kung nasa ganoong kalagayan rin siya, malamang na napugutan na niya ng ulo si Roger.   Kaagad na tinanggal ni Ash ang mga kamay na nakadantay sa balikat ni Clementine. Pagkatapos ay binulungan niya ito na magtago sa likuran ng kanyang kasama. "What the! Hey, who do you think you are?!" pagalit na tanong ni Roger. Sa halip na sagutin ang tanong ay pinaalalahanan at pinagbantaan na lamang niya ito.    "You shouldn't touch girls when they're uncomfortable about it. We'll write a complaint to the police station if you'll insist on approaching our friend." Padabog na umalis si Roger habang binubulong ang katagang "unbelievable". Hindi nilubayan ni Ash ng titig ang binata hangga't hindi nawawala sa kanilang paningin ang nakakainis na nilalang. Nilingon niya si Clementine na tanging ang kalahati lamang ng kanyang katawan ang nakalitaw dahil patuloy pa rin itong nagtatago sa likuran ng kanyang matangkad na kaibigan. "He's gone. Let's go, we’re standing here for so long. We're disrupting other shoppers."   Sinimulang itulak ni Ash ang shopping cart ni Clementine patungo sa kanilang aisle kung kaya't walang nagawa ang dalawa kundi sundan siya. "Aahh... Thank you sa inyong dalawa!" balak sanang pigilan ni Clementine si Ash sa pagtutulak ng kanyang shopping cart nang ilagay ni Sage ang shopping basket na kanina niya pa binibitbit. "Dumiretso na tayo sa cashier's lane. Wala na akong ibang bibilhin."  Tumango lamang ang magkaibigan. Habang inilalapag ni Ash ang kanilang mga pinamili, nanlaki ang mga mata ni Clementine nang mapansin niya na may 2 packs ng sanitary pads sa kanyang shopping cart. Balak pa sana niya itong ibalik ngunit huli na ang lahat. Na-i-punch na ito ng cashier. "Ang total po ay P452.00" Mabilis na inilabas ni Clementine ang kanyang debit card. Akala lang niya iyon. May mas mabilis pa sa kanya. Sa madaling salita, may nagbayad na ng kanyang pinamili. "Don't worry about anything. We've got you covered!" sabay ngiti ng binatang tinawag siya sa pangalang "Cherry" habang iniwawasiwas nito ang kanyang black card. Nagpumit si Clementine na bayaran ang kanyang mga pinamili ngunit hindi sila pumayag. Hindi maunawaan ni Clementine kung bakit may mga taong tutulong sa kanya kahit na isa lamang siyang hamak na estranghero. Siya'y naguguluhan sa kanilang totoong intensiyon. Maraming mga katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan. Ngunit isa lang ang nauunawaan niya: Mabuti silang tao. Hindi niya maipaliwanag kung paano niya ito nagagawa ngunit isa ito sa kanyang mga natatagong kakayahan. "Oh sorry, we forgot to introduce ourselves! I'm Sage!" pagkatapos ay nakipagkamay siya rito.   "Ash," maikiling tugon ng binata nang lingunin siya ng ating bida. Medyo gumaan ang loob ng dalaga nang malaman niya ang pangalan ng kanyang mga tagapagligtas. Napapangiti na lamang si Clementine sa mga hirit ni Sage. Tinatawag pa rin siya nito na sa pangalang "Cherry" kahit na ilang beses siyang nagpaliwanag na ang palayaw niya ay Minnie.   Nasagot din ang misteryo ng sanitary pads dahil ipinaliwag ni Sage na siya ang naglagay nga mga ito sa push cart. Ipinagmalaki pa nito ang pagiging eksperto niya sa pagbili ng "feminine products" dahil napag-uutusan siya ng kanyang Ate.  Hindi pa diyan natatapos ang kanyang kayabangan. Sinabi niya ang kaibahan ng wing at non-wing pads.   Napasapo na lang sa kanilang mga ulo sina Ash at Clementine. Nang hindi na siya makatiis ay sinapok na niya ang kaibigan dahil sa pag-iingay nito.   Inutusan din ni Ash si Clementine na tawagan ang kanyang mga magulang upang sunduin siya. Biglang nanlambot ang dalaga nang nakatanggap siya ng sermon mula sa kanyang bagong kaibigan.   "Para kang Tito ko. Mahilig manermon." Ang mga salitang dapat ay isasarili niya lamang ay namutawi mula sa kanyang taksil na bibig. Nanigas siya kanyang kinauupuan. Nais niyang humingi ng tawad ngunit parang nanunuyo ang kanyang lalamunan. Napabuntong-hininga na lamang si Ash. "I understand why your Uncle is always nagging at you."   Sasagot pa sana si Clementine nang pagsabihan sila ng matandang babae na nakaupo rin sa bench na kinauupuan nila. "Huwag na kayong mag-away mga apo. Magmahalan na lamang tayo. Oh heto, mumunting regalo para sa mga apo ko." Napatahimik ang tatlo habang inilalagay ng matanda ang mga candies mula sa pulang supot na kanyang hawak. Hindi rin nagtagal ay nagpakita ang apo nito. Nakangiting iniwagayway ng matanda ang kanyang kamay kung kaya't kinopya rin siya ng tatlo. Awtomatikong napakapa sa kanyang bulsa si Clementine nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang smartphone. Wala pang isang minuto ay napabusangot na siya sa mensahe mula sa kanyang tiyuhin. Alam mo naman pala na delikado nang lumabas sa gabi, tumuloy ka pa rin. Wait for us. We'll be there in 3 minutes. "Hula ko, Tito mo 'yung nag-text 'no?" Napatango na lamang si Clementine sa tanong ni Sage. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam  na rin siya sa dalawa nang nakatanggap siyang muli ng text. Pagkaalis ni Clementine ay pinaalalahanan ni Sage ang kaibigan. "Bro, walang kinalaman si Cherry sa ginawa ng Tito niya"   "I know," maikling tugon ni Ash habang ibinubulsa ang mga kending ibinigay ng matanda sa kanila.   "Eh, bakit ka nanermon?" "She's dumb as f**k! Why didn't she report her stalker? I think she believes that he'll stop eventually but that's bullshit!"   " Akala ko pinagbuntunan mo siya ng galit." "I can’t hurt an innocent soul here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD