Chapter 1

1045 Words
Is there a formula in writing great stories? If yes, could you please f*****g tell me what it is?!   In a well-lit room stripped of superfluous elements, colors with only indoor plants as a decoration, a woman is sitting on a window seat looking outside thinking and contemplating life.   That woman is me.   Tatlong buwan ang nakalipas simula nang naging sobrang busy ako dahil sa aking webcomic. Yes, I'm a webtoon creator. Hindi ko inakala na magiging sobrang sikat ng aking akda. Natutuwa ako dahil marami ang tumangkilik sa aking story but now, I'm facing a blank page! Hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko sa storyboard para sa bago kong web series. Wala nga akong idea kung ano ang gusto kong mangyari sa character designs! Hindi ako ma-satisfy sa mga sketches ko.   I don't know how to make a ‘perfect story and characters' again.   Gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa pader! Siguro dapat mag-hiatus muna ako ng isang buwan dahil kahit anong pilit ko, wala talagang nangyayari. Baka mamaya sa mental hospital ang diretso ko nito. Naisipan kong mag-binge watch ng mga movies at series sa Netflix. Madalas kasi naiinspire ako sa mga oppas at hotties na napapanood ko. It is sad when you can't be someone's choice. Patuloy ako sa paghikbi habang nanonood ng pelikula. Ano ba Marco, akin ka na lang kasi! Hindi man kami magka-level ng ganda ni Elle, ikaw ang pipiliin ko kahit wala kang motor! Napabusangot ako nang marinig ang isang pamilyar na ringtone. Ngayon pa talaga tatawag kung kailan nanonood ako!   Agad kong dinampot ang phone na nakalagay sa coffee table. "Clementine, Kamusta ka na? Miss na kita."   When I heard that person's voice, I didn't hesitate to press the end call button. I heaved a heavy sigh. Hindi ba siya makaintindi ng salitang ayaw? It all began when my one and only best friend Cara told me that she's dating our school's basketball team Captain. Of course, I'm sincerely happy for her! That guy is a snack!  Wala akong balak mang-agaw ng boyfriend! I'm just stating a fact.   One day, Cara introduced me to a guy named Roger when we watched their practice. Siya raw ang Vice-Captain ng basketball team. Dahil sa pangungulit ni Cara ay pumayag na akong makipag-blind date. Makalipas ng ilang araw, para akong isang kriminal na pinipilit paaminin ng mga pulis nang paulanan ako ng mga tanong ni Tito! Paano niya nalaman 'yung tungkol sa blind date?! May idinikit ba siyang tracker sa akin? Hindi pa ako tapos mag-explain, may kasunod na tanong kaagad! Sa susunod talaga, magpapaalam na ako! I also confronted Roger na hindi na ulit ako makikipag-date sa kanya. Ewan ko ba. Hindi ko maramdam yung sparks. Ang hirap i-explain ngunit sure ako na hindi siya ang "The One" para sa akin. Another red flag is masyado siyang touchy.   Hindi ako nagkamali dahil makalipas ang tatlong araw, I started to receive booty calls from him! Hindi ako nagsumbong kay Mommy o Tito dahil sobrang rami na nilang problema. Sa palagay ko ay titigil din si Roger kapag pagod na siya.   Sinubukan kong kausapin si Cara at ang boyfriend niya tungkol kay Roger pero sabi nila baka biro lang 'yun. Mahilig daw kasi siyang mang-prank. Sana nga prank lang ang lahat.   Dahil hindi ako natulungan ng mga taong inasahan ko, ako na ang gumawa ng solusyon. I blocked his number and accounts in all of the social media sites. Hindi ko na rin sinasamahang manood ng practice nila si Cara kasi baka isipin pa ni Roger na siya ang dahilan kung bakit ako nanonood. Inaamin ko, medyo na-disappoint ako kay Cara kasi akala ko kakampihan niya ako pero mas mukhang pinaniwalaan niya si Roger dahil ayaw niyang magka-away sila ng boyfriend niya.   Should I change my number too? Tsk. Makabili nga ng bagong sim card! 15 minutes lang naman ang pinakamalapit na grocery store. I'm also craving for S'mores and juice.   "Ma, pupunta lang ako sa LA Mart Kailangan ko ng bagong sim."  "Bakit nak? Anong nangyari sa dati mong sim?" "Okay pa naman yung sim card ko Ma. I need it to sign up for a new sss account." "Sige nak. Sandali ka lang ha! Alam mo namang delikado ang paglabas sa gabi!" Tumango lamang ako pagkatapos ay isinukbit ang aking asul na sling bag. Hintayin mo ko Marco bebe ko! I will resolve this problem first. /// Isang tingin ko pa lang sa fridge, alam ko na kung ano flavor ng paborito kong juice ang aking kukunin. Lychee? Strawberry? Coconut? Grape? Bibilhin ko lahat! Hindi ako puwedeng magtagal dahil promise ko kay Mama na sandali lang ako.   "Uy, sabi na nga ba ikaw ang destiny ko!"   Noong una, akala ko ang talent lang ni Roger ang mag-basketball. Magaling din pala siyang manira ng araw.Bakit sa lahat ng tao na makakasalubong ko ngayong araw, bakit siya pa?!     "Bakit mo ako binabaan kanina? Busy ka ba?"     Tuloy-tuloy lang ako sa pagkuha ng juice bottles at paglalagay nito sa aking cart. I don't have to waste my energy in dealing with trashy people.   I was about to push my cart nang bigla siyang humarang sa daraanan ko. I don't have a choice but to take a detour since sobrang narrow ng aisle.     Dahil sa pagsunod niya sa akin ay wala na akong ibang choice kung hindi ang pumunta sa toiletries section kung saan nakalagay ang mga sanitary pads at tampons. I chuckled nang bigla siyang natahimik. Tsk! I expected him to leave me alone though.     Sabi ko kay Mama sandali lang ako pero mukhang parang mapapagalitan pa yata ako dahil sa bwisit na ito!   I got goosebumps when he whispered in my ears but I thought my eardrums broke when another guy suddenly shouted behind me.     "Hey! Cherry! What's up?!"   When I looked behind me, two men emerged in front of us. The guy who called me 'Cherry' is as tall as Roger.   I can't see his full face dahil pareho silang naka-face mask ng kasama niya ngunit mala hugis- almond ang kanyang mata at naiingit ako dahil his slightly curly hairstyle suits him. 'Yung second guy na nakasuot ng itim na cap ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo and he has this sharp gaze which reminds me of my Tito. Teka lang, sino ba sila at bakit ako tinawag na Cherry? During that time, I didn't know that this encounter with these two guys will change my life forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD