Chapter 23 -Kuya Alfred-

2125 Words

┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nananatili sa California ang magkakaibigan at nanunuluyan sa isang hotel na pag-aari ng mga magulang ni Diego. Dalawang araw na sila dito at lihim na sinusubaybayan ni Nato ang dalagang nais niyang pakasalan. Ang babaeng bata pa lamang sila ay itinitibok na ng kanyang puso. "Bumili pala siya ng bagong condo unit kaya hindi siya mahanap ng mga tauhan mo," ani ni Hugo. Napatingin naman si Nato sa kaibigan niya at muling ibinalik ang paningin sa bago niyang phone na may bagong larawan ni Diana na ipinadala sa kanya ng mga tauhan niya na nagbabantay sa dalaga. "May balita na ba kung kailan daw ang kasal ng dalawang 'yon? I'm sure malapit na dahil nagharap-harap na ang dalawang pamilya. Ibig lang sabihin nuon ay pinagpa-planuhan na nila ang araw ng kanilang kasal," wika ni Sam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD