Chapter 5

1620 Words
Dear Diary, So… ayun! Ibang klase ang araw na ito Diary. Akalain mo ‘yun? Nag-audition ako sa isang trabaho na hindi ko inakalang mayroon pala? Akala ko matino! Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko muna inalam. Pero naman kasi. Gusto ko na talagang magkaroon ng trabaho. Diyos ko! Isa na akong certified kerida ngayon! Ay! Hindi pa pala… kasi hindi ko pa tinatanggap ang role. Di naman masamang mag-inarte minsan diba? E kasi naman. Ang dami-daming role sa mundo ano. Puwede namang maging assassin, serial killer, nababaliw – iyon kaya ko pa ‘yun. O kaya naman kinidnap ng isang pagkaguwapo-guwapong mafia. Pero ang maging kabit? Jusko day! Hindi ko alam papaano maging kabit! My gosh! Talagang naloka ako. Kuntodo arte pa ako sa harap nila Ma’am Laurice. Akala ko naman magiging artista na talaga ako. ‘Yun pala. Magiging kabit ako. Sino ba naman ang mag-aakala diba? Sino ang mag-iisip na ang isang kagaya ko ay magiging isang kabit! Alam mo Diary? Sa totoo lang… ayokong tanggapin. Natatakot ako. Wala naman akong alam sa pagiging kabit eh. Ano bang alam ko diyan? Ano ba ang ginagawa ng mga kabit? Tsaka walang script eh. Kapag nasa harap na ako ng kakabitan ko – eeekkk sagwa! Ayun nga. Kapag magkasama na kami kung sinuman ang kakabitan ko, kailangan ko ng umarte. Wala akong backround sa pagiging kabit Diary. Kaya tumanggi ako. Oo, Diary. Tumanggi ako. Natatakot kasi ako. Pero ang sabi nila Ma’am Laurice at dalawang side kicks niya, hihintayin daw nila akong umo-oo hanggang sa isang araw. Baka raw magbago ang isip ko. Kasi ako raw talaga ang bet nila para sa role. Ayaw ko talaga kaya lang naaakit ako sa sahod. Biruin mo, magiging kabit ka lang tapos sasahod ka ng two hundred pipti tawsan peso-pesoses?! Tapos may allowance pa akong ten kiyaw kada buwan. Depende sa kung gaano ako kagatal magiging kabit. Nati-tempt na talaga akong tanggapin ang alok ng Laurice na iyon. Tapos hindi ko pa alam kung sino ang kakabitan ko. Malay ko ba kung sino ‘yun. Hindi naman sinabi sa akin. Tsaka kahit sino pa ‘yan. Ayoko talaga maging kerida. Hays… Sandaling tumigil si Solaris sa pagsusulat sa kanyang diary. Tumingin siya sa harapan pero wala naman siyang partikular na tinitingnan. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Nasa loob siya ngayon ng maliit niyang silid. Isa iyon sa dalawang silid sa apartment ni Athea. Gabi na iyon at marahil pasado alas nuwebe na. Ang kaibigan niya ay nasa sarili na rin nitong silid. Tahimik na ang kabuuan ng maliit nitong apartment maliban sa panaka-nakang tunog ng mga busina at ingay ng kung ano-ano sa labas ng apartment building. Isang buwan matapos mamatay ang kanyang mga magulang ay sa kaibigan na siya tumira dahil ang tirahang inuupahan niya kasama ng mga magulang dati ay pinalayas na rin siya. Hindi na rin kasi niya kayang bayaran ang upa. Mahadera rin kasi ang landlady niya. Dahil dalawa naman ang silid sa apartment ni Athea ay iminungkahi nitong magkasama nalang sila roon. Pumayag naman siya. Bagsak na bagsak kasi ang pakiramdam niya at malungkot na malungkot siya kaya kailangang-kailangan niya ang kaibigan. Hindi siya nito iniwan at sinamahan siyang magluksa. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nagluluksa pa rin siya. Noong buhay pa ang kanyang mga magulang ay nakakapag-aral pa siya. Habang nag-aaral ay nagtatrabaho rin siya. Mahirap lang ang buhay nilang pamilya pero masaya sila. Kung ano-ano ang pinapasukan niyang trabaho basta marangal. Kahit maliit ang sahod basta may sahod ay papatusin niya. Hindi lang siya nagtatagal dahil maraming naiinggit sa kanyang mga kasama sa trabaho at para wala nalang problema ay siya nalang ang nagkukusang umalis. Tatlong buwan palang ang nakakalipas ng magbago ang buhay niya dahil sa isang sakuna. Namatay ang mga magulang niya sa isang insidente. Madaling araw noon at galing ang mga ito sa pagsasakada ng mga gulay na ibinibenta nila sa maliit nilang puwesto sa harapan ng kanilang bahay. Nasa daan ang mga ito nang may isang humahagibis na sasakyan ang sumalubong sa mga ito. Sumalpok ang sasakyan sa kolong-kolong na kinasasakyan ng kanyang mga magulang at napuruhan ang mga ito dahilan para mamatay ang mga ito. Hindi na natukoy kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan dahil hit and run ang nangyari. Habang nagluluksa ay tanging si Athea at ang nobyong si Hero lamang ang naroroon para sa kanya. Ang mga kamag-anak nilang nasa malayong probinsiya ay hindi na nakarating dahil mahirap lang din naman ang pamilya ng kanyang mga magulang. Tubong Laoag ang kanyang ina habang ang kanyang tatay ay sa Manila na talaga nakatira. Ang origin daw nito ay sa bandang Mindanao pero matagal na raw itong hindi nakakauwi roon. Patay na rin ang mga lolo at lola niya sa ama habang ang lolo at lola niya sa ina ay buhay pa. Dahil sa nangyari ay biglang nagbago ang buhay ni Solaris. Ilang linggo siyang parang robot na kumikilos nalang. Huminto rin siya sa pag-aaral dahil hindi naman niya kayang pag-aralin ang sarili lang. Wala naman siyang maayos na trabaho. Nasa huling taon na siya sa kursong education. Tanging si Athea ang madalas na umaalalay sa kanya kasama si Hero. Si Hero na kahit naturingang tuod ay inaalo siya kapag paiyak na siya. Pero hindi pala roon natatapos ang paghihirap ng kalooban ni Solaris. Dahil nang araw na makita siya ni Laurice na nakalupasay sa gilid ng kalsada ay siya ring pagkatuklas niya sa isang lihim ni Hero… GABI bago ang araw na naglulupasay si Solaris sa gilid ng kalsada… "Bakit kaya ganon ano? 'Yung mga babae, kapag kasama nila ang boyfriend nila, asawa, partner o lalaki sa buhay nila... dapat maganda ang panty nila. O ang bra nila. Ganon ba dapat 'yun?" inosenteng tanong ni Solaris sa kaibigang si Athea. Saglit lang niyang pinukulan ng tingin ang kaibigan saka niya ibinalik ang tingin sa TV na nasa harapan nila. Twenty-one inches lang iyon pero flat screen naman. Kailan lang iyon nabili ni Athea nang magkaroon ito ng bonus sa pinagtatrabahahuhang fastfood chain. Graduate na ang kaibigan niya noong nakaraang taon lang. Computer secretarial naman ang kurso nito pero lubhang napakahirap mag-apply ngayon sa mga trabaho kaya nananatili pa rin itong waitress sa dati na nitong pinagtatrabahuhan. Kagaya niya ay working student din ito. Pero mag-isa lang nito sa Maynila. Ang mga magulang nito ay nasa Aurora naman. Naging magkaibigan sila dahil iisang eskuwelahan sa kolehiyo ang pinapasukan nila. Pareho silang skolar roon. Sa kasalukuyan ay nasa maliit silang sala ng apartment at nanonood ng isang tagalog na pelikula. Katatapos lang nilang maghapunan at gaya ng nakakagawian bago matulog ay nanonood sila. Isa iyong paraan para malibang daw siya. "Saan mo naman nalaman 'yan? At bakit ganyan ang tanong mo?" takang-tanong sa kanya ng kaibigan. "Wala. Nababasa ko lang sa mga romance na librong binabasa ko. Kapag na-stranded ang babae kasama ni guy, tapos papunta na sa may mangyayari sa kanila, palaging nasa isip ni girl 'mabuti nalang at maganda ang naisuot kong panty'." mahabang sagot niya. “Kagaya niyang sa palabas. Na-stranded sila sa isang malakas na ulan. Tapos dumiretso sila sa motel.” "E ganon talaga? Kunsabagay, hindi mo pa talaga malalaman iyan dahil hindi ka pa nagkakaboyfriend ---." Maagap niya itong pinutol. "Anong hindi nagkaka-boyfriend? Anong tawag mo kay Hero ko?" tukoy niya sa tatlong taong boyfriend niya. Iningusan niya ito. "Hindi pa ako tapos. Hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend na dadalhin ka sa langit." nakangising sabi nito. Tumikwas ang isang kilay ni Solaris. "Anong dadalhin sa langit ang pinagsasasabi mo diyan?" Nagningning ang mga mata nito. "Sa langit. Iyong ipapalasap niya sa iyo ang langit. Ano ka ba? Bente tres ka na hindi mo pa alam 'yun?" Humalukipkip siya. "Alam ko sira! Hindi naman ako inosente ano." "Alam mo pala eh. Pero hindi mo pa nasubukan. Papaano? Masyadong tuod ang boyfriend mo. Naturingang Hero ang pangalan pero daig pa ang poste sa katuuran niya." Hindi niya mawari kung bakit hindi nito nagustuhan kahit kailan ang boyfriend niya. Mabait naman si Hero. Sa itsura palang nito ay mabait na. Para itong isang nilalang na hindi makakagawa ng kasalanan. Mukha itong nerd sa kapal ng salamin nito. Mabait si Hero at minsan ay palabiro. Pero pagdating sa paglalambing sa kanya ay mahiyain ito. Madalas nga ay siya pa ang nag-iinsist na halikan siya nito. Sobrang inirerespeto raw kasi siya nito. Pero hindi naniniwala rito si Athea. May kung ano raw dito na hindi nito mawari. Hindi talaga nito magustuhan ang nobyo niya. "E bakit ikaw? Nasubukan ka na bang dalhin sa langit ni Pierce?" tukoy niya sa boyfriend nito. Si Pierce ay isang nilalang na ubod ng guwapo. Nang ipakilala ito ni Athea bilang nobyo nito ay hindi pa kaagad siya naniwala. Pero totoong nakadagit ng isang Adonis ang kaibigan niya. Maganda rin naman kasi si Athea. Pero kagaya niya ay wirdo rin ito at may pagka-manang. "Hindi pa." lumabi ito. "Hindi pa pala eh." "Hindi pa nga . Pero ako, nararating ko na ang alapaap." Kumuti-kutitap ang mga mata nito. Parang kinilig pa ang luka-luka. "Alapaap?” “Oo. Alapaap. Bago ka makarating sa langit ay alapaap muna.” Bumungisngis ito. “Papaano mo naman nararating 'yun?" curious na niyang tanong. Nayakap nito ang sarili at parang nangangarap. "Kapag nagki-kiss kami. Feeling cloud nine kaya. E kayo, saan ka nakakarating kapag nagki-kiss kayo ng boyfriend mo?" Hindi nakasagot si Solaris. Wala kasi siyang maramdaman kapag hinahalikan siya ni Hero. Para nga itong bato kung humalik. Wala man lang karoma-romansa. Masyadong malamig. Ang lapot pa ng laway. Isang bagay ang natanto niya. Tuod nga ang boyfriend niya. Pero hindi pala. Dahil nang sumunod na araw ay nahuli niya itong malayong-malayo sa pagiging tuod.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD