Doce

1107 Words
Tumulong sa pagtingin ng pasyente niya inutusan nito ang anak na kunin ang gamit nasa dulo. Bumuntong-hininga na lang ako nakatingin ako sa ginagawa niya at sa kanya. "Who are you really?" he just said suddenly causing my eyes to turn to the patient and him. "Oh?" I just answered suddenly. "Are you talking to me or her, doc?" asked the struggling patient. The patient looked at me and I knew he was talking about me. "Sino ba sa amin ang kausap mo?" tanong ko na lang sa kanya. "Ikaw," sabi na lang niya sa akin at lumingon ako sa kanya. Hindi naman ako nakasagot pa sa sinabi niya at tumingin ako sa pasyente ko bago hinawakan ang kamay. "Ako ang kaibigan mo sa Pilipinas, Leo nagkakilala tayo dahil parehas ang school kung saan tayo nag-aaral noon nagulat nga ako nang umalis kayo ng pamilya mo noon graduation natin eh," sabi ko. "Tanggap sa Pilipinas ang mga katulad nyo?" tanong niya sa akin nang hindi tumitingin sa akin. "Oo, tanggap ang mga katulad namin sa Pilipinas dito lang yata sa Australia ang sarado pa ang isip tungkol sa amin at sa ibang nilalang na kasama natin," sagot ko sa kanya. "Ang sabi ni mommy na dito kami lumipat mula nang magkaroon ng gyera sa Mindanao noon, ano ang sinasabi mo sa akin?" tanong niya sa akin tumigil siya sa ginagawa niya. "Nawala ang alaala mo, hindi ba? Hinawakan kita kaya nalaman ko ibang-iba ka na sa Leo na kilala ko noon hindi lang dahil sa matagal ka nang nandito kundi aura mo." sabi ko bigla sa kanya. "Na-aksidente ako noon, Eireen at noong nagising ako hindi ko nakilala ang sarili ko at mga taong naka-paligid sa akin maliban sa magulang ko at mga kapatid ko," sagot niya sa akin natahimik naman ako. Lumayo na kaming dalawa sa pasyente kanina at naturukan na namin ang lahat nang pasyenteng kinagat ng napatay na tao nagwala sa kalsada. Napalingon ako sa kanya at nagpaalam kung pwede ko siya hawakan sa ulo niya. "Sure," sagot niya at hinawakan ko ang noo ulo niya. "E!" narinig kong tawag ng anak niya bumitaw kaagad ako nakita namin na dala ang inutos niya sa kanya. Kumunot ang noo niya sa amin at umiwas naman ng tingin si Leo sa anak niya. "Ito na ang equipment, doc may isang na nagpapanggap na okay siya kahit hindi," sabi naman niya sa aming dalawa tumingin ako sa kanya. "Paanong hindi na siya okay kung okay siya?" tanong ko kaagad sa kanya. "Nakita ko ang vision sa kanya nang hawakan ko siya, E nakagat na siya at kumalat na ang virus sa buong katawan niya," sabi naman niya kaagad sa akin. "Hindi ka lang bampira?" sabat niya sa amin hindi naman nakasagot ang anak niya. "Kinausap ka?" tanong ko. "Oo, kung sino man ang lalapitan ko siya 'yon humihingi siya ng tulong dahil hindi niya kayang kunin ang pinapa-kuha ng isang doctor." sabi nito sa amin. "Mag-handa ka, Eireen naiintindihan ko na ang gustong ipagawa ni Amire sa atin." sabat napatingin kami ng sabay sa kanya nang banggitin nito ang pangalan ng anak niya. "Anong gagawin?" tanong ko bigla sa kanilang dalawa. "Patayin ang nagpapanggap na nurse," sabi niya sa amin. Hindi kami nakasagot sa sinabi niya at nabaling ang tingin namin sa sumigaw at nakita naming may nagwala nang pasyente. Shit! Napalingon kaming lahat sa sumigaw at nakita kong sumugod si AA sa nagwawala. Sumunod kaagad ako para tumulong hiniga namin sa sahig ang nagwawalang nurse. "T—ulu—ahhh!!! Grrr!!!" umiiyak nagagalit nasabi ng nurse sa amin at naramdaman kong nilalaban nito ang lason na bumabalot sa katawan nito. "Nilalaban niya ang sarili, E kaya mo ba?" tanong nito sa akin gets ko ang tinutukoy niya kaya kong alisin ang lason sa katawan ng tao kaso sa katulad lang namin hindi ko pa nasusubukan sa tao. "Hindi ko pa kayang gawin sa mortal ang gamot na 'yon baka masama ang epekto nito sa kanila," sagot ko. Lumapit sa amin si Leo na may hawak na injection nagwawala na ang nurse at wala na kaming magawa ng iturok ni Leo ang injection nanghina na ang nurse at tinali namin ang dalawang kamay. "Okay lang ba kayo?" pag-bungad ni Zas sa amin at kasunod niya si miss Erika na nakatingin sa babaeng nurse. "Nalaman namin na nagsisimula na sila magkalat ng lagim sa siyudad ng bansa, Leo at kailangan namin ang tulong mo pati ni Sheena." sabi ni miss Erika kay Leo tumayo ito pagkatapos niya turukan ang nurse. "Nasa misyon si Sheena," sabi ni Leo kay miss Erika at nabaling naman ang tingin ko sa kaharap ko. "Pagbalik niya sabihin mo na kailangan na gumawa tayo ng plano para sa darating na digmaan," sabi ni miss Erika nabaling ang tingin niya sa aming dalawa ni AA. Narinig namin na tinawag ni Zas ang mga agents na nagbabantay sa malaking pintuan at pinalapit niya sa amin para kunin at dalhin sa tagong silid ang mga namamatay. "Okay, Eireen at Amire salamat sa tulong nyo." banggit nito sa amin napatingin naman ako sa kanya bago kay AA na tahimik lang. "Wala 'yon, doc Leo tungkulin namin na iligtas sila o patayin ang mga ganitong nilalang." sabi ko na lang sa kanya dahil totoo namsn ang sinabi ko. Iniwan na kaming dalawa ni AA nina Zas, miss Erika at ni Leo nilapitan ko siya na hindi pa rin kumikibo sa pwesto niya. Napalingon pa ako sa mga umalis kasama ang nurse na pinatay ni Leo gamit ang injection. "Natigilan ka na," puna ko sa kanya at hinawakan ko ang balikat niya nabaling ang tingin niya sa akin. "Masamang tao 'yong Sheena, E nakita ko ang mangyayaring digmaan at ginayuma niya si Papa—si doc Leo," sagot niya at natigilan naman ako sa sinabi niya at tinignan ang sinasabi niya. Natigilan naman ako sa nakikita ko sa isipan ko at lahat nangyari kay Leo nakita ko nang sumanib sa akin ang vision ni AA sa ama niya. "Anong gagawin natin? Sasabihin ba natin 'to kina miss Erika at Zas?" tanong niya pagkatapos kong lumayo sa kanya. "Huwag muna, AA makiramdam muna tayo paligid, at sa nangangalang Sheena matyagan natin siya at sa mga balak niyang gawin dito, AA protektahan natin ang building, at kapwa nating agents sa kanya at sa palagay ko walang alam si Leo at sina Zas na may traydor sa kanilang building kakausapin pa nila," sabi ko sa kanya at tumayo na siya lumakad na rin kami inabutan kami ng maiinom ng agents. Kaagad namin kinuha at ininom umupo pa kaming dalawa sa gilid para mag-pahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD