Parang walang nangyaring gulo sa loob ng secret place. Napalingon naman ako nang bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa amin ang mga duguang agents kasama na ang magkakaibigan nakilala namin.
Inasikaso namin sila kaagad at tinawag pa ako ni Leo para humingi ng tulong kasama ni AA ang kaibigan ko na tinutulungan naman niya sa pag-aasikaso ng mga pasyente.
"Eireen!" tawag ni Leo sa akin wala na akong nagawa pa at lumapit na ako sa kanya.
"'Yan ang napapala ng mga kayabangan sa ulo sugod ng sugod pa," paninita ko sa mga ginagamot namin.
"Malakas ang mga nahawaan nung pasyente parang may kakaiba sa kanila," sabi ng isa sa kalahi ko dahilan para lingunin ko siya.
"Anong kakaiba?" tanong ko bigla sa kanya.
"Hindi ko mapaliwanag, E kung ano ang kakaiba," sabi nito sa akin at ginagamot ang sarili niya napa-isip ako sa sinabi niya at tumulong na ako na gumamot sa mga sugatang agents.
Nilapitan ko ang team leader namin ni AA napansin ko ang katahimikan niya.
"David, gagamutin ko ang mga sugat mo, ah?" paalam ko muna dahil baka angilan ako at magbago ang anyo.
Napalingon siya at tumitig sa akin bago siya tumango. Hinawakan ko ang parte ng mga sugat niya at gamit nang kapangyarihan ko kinalat ko ang gamot sa buo niyang katawan umuungol siya dahil sa kirot na nararamdaman niya sa ginagawa ko sa katawan.
"Ugghh.." hiyaw ni David sa ginagawa ko sa kanya at lumingon siya sa akin.
"Ako 'to si Eireen, hindi ako ang kalaban." pakilala ko nang magbabago ang kulay ng mata niya.
"David," tawag ni Leo sa kanya at may tinurok sa braso nito nawalan kaagad siya nang malay.
Hiniga ito ng mga kasamahan naming agents na tumutulong sa amin napalingon pa ako nang may sumigaw sa gilid namin nakita ko si AA at ang kaibigan ko na pinipigilan nila ang nagwawalang pasyente tinawag ni Zas ang mga agents.
"Tulungan nyo sila," sabi ni Zas sa mga agents.
Napalingon ako nakita ko si miss Erika na lumapit sa kanila nakita ko ang nilabas niyang kapangyarihan. Napahanga ako sa nakikita ko katulad siya ni Papa noong nabubuhay pa ito.
"Eireen! Kumilos ka na!" tawag ni Leo sa akin napalingon naman ako sa kanila.
Umiiling na lang sila sa akin at kumilos na ako nabigla pa sila bawat galaw ko.
"Whew!! Natapos din!!" sabi ko na lang at napa-atras pa ako nang may humawak sa braso ko.
"Witch ka ba talaga?" pagtatanong ng kaibigan ni David sa akin napahinto ako bigla nang dahil sa sinabi niya.
"Ano sa tingin mo? Hindi? Kalerki ka!!!" sagot ko at tumulong na ako ulit sa kanila para pagalingin ang mga sugatang agents.
Nang matapos ang lahat sa paggamot ng mga sugatan nilapitan ko si AA para kausapin napansin ko naman na kausap niya si miss Erika.
"Hindi ako panatag na wala nang kaguluhan sa labas, miss Erika dahil alam natin na nagsisimula pa lang sila," sabi niya kay miss Erika sumang-ayon na lang ako sa isip ko.
Tuluyan na akong lumapit sa kanila at napalingon pa sila sa akin.
"Maayos na ang lahat, miss Erika mula sa technology tignan natin sa monitor kung nagkalat pa rin ang mga nahawaan, at tignan na rin natin ang mga mortal sa ibang panig ng Australia kung nakarating na dun." sabi ko na lang sa kanila.
Tinawag ni miss Erika ang mga agents na nakatayo at may inutos sa kanila nakamasid lang ako at humawak ako sa braso niya tinignan pa ako na may pagtataka sa mukha.
May tresparent na technology na lumabas sa harapan namin nakatingin lang kami sa ginagawa ng ibang agents. Nakita namin ang mapa ng buong Australia at ang ibang lugar nagkaroon na nang dots na itim ibig sabihin may nahawa na sa lugar.
"Ikakalat namin ang mga agents sa ibang lugar para i-rescue ang mga mortal na hindi nahahawa ng pasyente natin," banggit ni miss Erika sa amin at nakita kong tumingin siya kay Zas na kaagad tumango.
"Sa lugar namin 'to, Erika kailangan kong ilayo ang magulang ko sa kapahamakan." sabat bigla ni Leo sa likuran namin sinundan ko ang tinignan niya.
Shit!
"Okay, mamayang gabi darating si Sheena, at siya ang sasa—" putol ni miss Erika nakita ko na napatingin kami.
"Ako na lang—" putol ni Leo nang sumabat na ako.
"Ako at si Amire ang sasama sa kanya tanda nyo 'yong nabanggit namin na niligtas naming matanda sila 'yon hindi lang namin maalala ang pangalan at dun ninakaw ang gamit namin nagka-ligaw pa kami dahil hindi namin kabisado ang lugar? Kami na lang may tutulong pa sa amin si David magaling naman na siya nang banggitin ni doc Leo na magulang—sila nga 'yon kasi na-kwento ng matanda sa amin na may anak silang doctor dito at bumalik sa akin na sila ang magulang ni doc Leo—" mahaba kong sabi sa kanila at naramdaman ko ang pagsiko niya sa tagiliran ko.
Napalingon kami nang may magsalita sa gilid namin.
"Anong meron at narinig ko ang pangalan ko?" pag-bungad ni David sa amin na seryoso ang mukha.
"Huwag na," sabat ni Leo sa amin at tumingin sa akin hindi ko 'yon na-kwento sa kanya nang pandalian nagkausap kaming dalawa.
Nagsalita si AA dahilan para sa kanya bumaling ang tingin ng mga kausap namin. Tumingin na rin ako sa kanya pagkatapos niya ako bitawan.
"Hindi mo kakayanin, doc na umuwi sa inyo na walang kasama lalo na kung nagkalat ang mga nahawaan ng pasyente nang hospital walang choice, saan ang girlfriend nyo para siya ang sumama sa inyo kung ayaw mo magpasama?" sagot niya napansin ko ang iritasyon sa boses niya alam kong may alam kami sa tunay na pagkatao nangangalang Sheena dahil nakita namin ang vision nito.
Hindi na sila nakasagot at hinawakan ko ang balikat niya.
"Kailangan ka namin, David hindi namin kakayanin ni Amire na makipaglaban na kaming dalawa lang kahit malakas kami," sabi ko nang balingan ko ng tingin si David.
"Sasama din ako," sabat ng mga kaibigan niya.
"Kayo, boys maiiwan dito sugatan pa ang ibang agents kailangan namin kayo at ikaw lang ang sumama pati si David maliban sa kanila, Leo pati ang mga kapatid mo kontakin mo na habang hindo pa sila nahahawa." sabi ni miss Erika kay Leo nang tumingin siya.
"Pero.." angal nila pero napansin namin na sinamaan sila nang tingin ni Zas tumahimik sila.
"Pumunta kayo sa training room at kunin ang mga armas na kakailanganin kung sakali makabangga kayo ng kalaban." bilin ni miss Erika sa amin.
Umalis na kami sa secret place bumungad sa amin ang mga patay na bampira, lobo, at mortal sa kalsada. Tumakbo na lang kami kaagad pabalik sa loob ng hospital may mga natira pa at napatay namin.
Pumunta kami sa training room at kumuha ng mga armas nagpaalam si Leo na kukuha ng mga gamot at injection sinamahan naman ng kaibigan ni David.
Nang matapos magkakasama kaming lumabas ng hospital at sumakay sa sasakyan.
Nasa loob kaming lahat ng sasakyan ni Leo at nakita ko na may kausap ito sa cellphone thru bluetooth headset katabi nito si David. Katabi ko si AA at ang kaibigan ni David na naglalaro sa cellphone nito.
"Anong oras ka darating?" tanong ni Leo sa kausap niya.
Nakikinig lang ako sa kanya kahit nasa likod ako.
"Magkita tayo sa tapat ng hospital mag-iingat kayo sa pagluwas at sinabihan ako ni Erika na sumama na kayo sa amin ligtas kayo dun kaysa sa bahay nyo," sabi ni Leo sa kausap.
"E," tawag naman niya sa akin napalingon ako sa kanya hindi pinansin ang katabi niya na lumingon din.
"Hihingi tayo ng tulong sa Pilipinas kapag sinabihan na tayo ni miss Erika, ayokong walang abiso nito, AA alam mo naman ang rules," sabi ko sa kanya.
"Okay, alamin natin sino ang mastermind nito hindi pwede 'to," sabi niya sa akin.
"Aalamin talaga natin, AA si miss Erika pa?! Pagkatapos nito simulan na natin ang misyon natin baka maunahan tayo ng kalaban." nasabi ko na lang sa kanya.
"Sige, nandito na kami kina Mama at Papa," nasabi niya nabaling ang tingin namin sa kanya.
Ang mga kapatid niya ang kausap niya tumingin pa siya sa center mirror na alam ko para malaman niya kung anong meron sa amin.
"Okay," sabi niya nang makarating kami sa lugar nakita namin na marami nang abandonadong bahay.
"Pa! Ma!" sigaw ni Leo sumenyas ang kaibigan nito na maghahanap sa likod-bahay.
"Anak!!" sigaw nila nang lumabas sila sa ilalim ng sahig.
Nagka-yakapan pa silang tatlo at hinakot namin ni AA ang gamit nang lolo at lola niya nagulat pa ang mag-asawa nang makit kami. Bawat kilos namin minamadaki namin para maka-alis sa lugar alam ko na kaya nagtago sila sa ilalim dahil sa mga nahawaan ng pasyente.
"Mamaya na namin ipapaliwanag umalis na tayo habang maaga pa," sabi ni Leo sa magulang niya.
"Mabuti nakapagtago pa kayo," sabi ko na lang bigla sa magulang ni Leo napatingin pa sila sa akin.
"Oo nga, Pa at Ma," sagot ni Leo sa magulang niya.
"Nang magkagulo sa labas at sumilip kami sa bintana nalaman namin na may kakaiba kaya nagtago kami kaagad kaysa patagalin." sabi ng Papa ni Leo sa akin tumango ako.
Pina-inom ng gamot ni Leo ang magulang at nawalan na sila ng malay. Binuhat ni Leo ang Mama niya at inutusan nito si David na buhatin ang Papa.
"Gamot ng pampatulog para hindi tayo mahirapan," sabi niya nang ilabas namin ni AA ang gamit sa kwarto.
"Parating na sila!" sabi ng kaibigan ni David.
Kaagad na nag-transform as lobo si David at binuhat nang magkasama ang mag-asawa alalay si Leo.
Gumawa naman ng shield ang kaibigan ni David ito ang tulong niya sa amin bago man makarating ang kalaban nakagawa na siya ng harang. Nilagay namin sa likod ng sasakyan ang gamit at pumasok na kami kaagad sa loob inayos pa namin ang pwesto ng mag-asawa bago kami humahurot paalis naiwan ang kaibigan ni David at tumakbo na lang pasunod sa amin inabutan niya nang damit si David.
Nakarinig kami nang kalabog sa itaas pero nang malaman namin na kaibigan ni David binuksan ko ang bintana at pumasok siya.