Nabaling ang tingin ko sa kanya nang hindi ito nagsasalita sa tabi nilang dalawa ni David, ang tahimik na naman niya malalim ang iniisip nito ngayon.
"AA?" pag-tawag ko sa kanya pero, hindi pa rin nagsasalita kaya inakbayan ko na siya sa balikat para mapansin niya ako.
Lumingon din sa amin si David napansin niya rin ang pag-tahimik ng kaibigan ko at lumingon na ito sa amin.
"What?" pagtatakang tanong niya sa aming dalawa nang tumingin na siya sa amin.
"Natulala ka na," sagot ko sa kanya kaagad hindi ko matukoy ang iniisip niya magaling siyang mang-block.
"Saan na tayo ngayon, David?" pagtatanong ko sa kasama namin na tumingin sa akin.
"Mag-training na kayo panonoorin ko kayo," banggit nito sa aming dalawa ng kaibigan ko.
Inalis ng kaibigan ko ang kamay ko sa balikat niya at tumalikod sa amin sabay naming nakita na kinuha niya ang nakasabit sports wear sa gilid. Medyo nabigla ako nang hagisan niya ako at tinuro ang direksyon ng restroom napapailing na lang ako sa ginawa niya.
"Ikaw, maingay na madaldal maiinitin ang ulo 'yang kaibigan mo, isnabera at seryoso ganyan ba talaga kayo?" tanong nito sa akin.
"Ganyan man siya, mabait siya noong maging partner kami akala ko ganyan din ang tingin ko pero nung nakilala ko siya nang lubusan hindi siya 'yan." kaila ko at nagpaalam na rin para sumunod sa—kaibigan ko.
Ako ang naging pangalawang guardian niya mula nang mamatay sa panganganak ang kaibigan ko.
Kung hindi lang dinala dito noon si Leonardo ng magulang niya, siya ang nag-alaga sa kanilang anak.
Pero, naiintindihan ko rin kasi ang kanilang pananaw ng magulang ni Leonardo hindi namin sila katulad at takot silang makakilala ng katulad namin—nasa kathang-isip nila masama kaming mga nilalang, ang totoo hindi lahat ng kauri namin masama.
Hindi nila matanggap na iibig ang kanilang anak sa bampira.
"AA!" tawag ko na lang sa loob ng restroom at nakarinig ako nang lagabog.
Binuksan ko ang lahat ng cubicle at wala akong nakitang AA sa bawat binubuksan ko tama naman ang pinasukan ko.
"AA!" tawag ko na lang at ginamit ko na ang powers ko.
Nagbibihis lang pala sumandal ako sa cubicle kung nasaan siya.
"E, kumalma muna tayo sa training." sabi niya bigla mula sa loob naramdaman niyang nasa labas ako.
"Sige," nasagot ko na lang hindi kalmado kapag nag-training.
"Hindi ako comportable na siya ang magiging leader natin," sabi niya sa akin natahimik naman ako bigla.
"Maski naman ako, maliban sila ang mga kaibigan niya ang nanguha ng gamit natin hindi pa ako komportable sa presensiya nila." sagot ko naman dahil totoo ang pinag-uusapan namin.
Hindi na lang ako ang nagsalita sa kanya at pumasok na rin ako sa katabing cubicle para magpalit ng damit nang lumabas ako nakita ko siya sa harap.
"Baka naiinip na 'yong leader natin sa paghihintay," sabi niya at mabilis kami nakarating sa leader namin.
Kasama namin ang mga kaibigan na may mga pasa sa katawan.
"Bawat isa sa inyo maglalaban," panimula ni David sa aming lahat.
"Kasama ba natin sila sa team?" pagtatanong ko muna inirapan ko ang kumikindat sa akin na kaibigan nito.
"Nahiwalay na kami sa leader namin isa lang ang natira dito, kundi siya sa ibang team kami nilipat ni miss Erika." sabat ng kumindat sa akin.
"Hiniram ko muna sila para may makakalaban kayo kayo lang ang walang katunggali." sabi ni David sa amin nagka-tinginan kami.
"Normal na ensayo ba ang ipapakita namin?" tanong niya sa bagong leader namin.
Tumingin ang leader namin sa kanya at natawa ako nang malakas ng mabasa ko ang nasa isip niya.
"Patay," nasabi ng lalaking kumindat sa akin alam kong nabasa niya rin.
"May nabasa ka?" tanong ko na lang may benda pa ang kanilang sugat nang tignan ko sila.
"David, iba na lang ang gawin nila." sabi nito sa kaibigan.
"At bakit?" tanong nito sa kaibigan nang tinignan.
"Baka bawian kami eh, hindi pa magaling ang mga sugat namin," sabi nito nabaling naman ang tingin ko sa kanya.
"Nabasa mo ang nasa isip ko, alam mo ba ang salitang privacy kung hindi ako gaganahan sa unang training ko mag-back out ako nilipat nila kami dito dahil kailangan kami." sagot niya sa leader namin nang tatalikod na siya hinawakan ang kamay nagulat sila nang tumalsik ang leader namin.
"AA!" sigaw ko na lang nabigla siya sa nangyari kaya walang humahawak sa kamay nang hindi niya nalalaman dahil ganito ang mangyayari.
"David!" tawag nila napalingon kami nang magbago ang anyo nito at naging lobo.
Hinawakan ko ang kamay niya at umikot kami nang sugurin kaming dalawa nakipaglaban kami sa leader namin bago ko siya bitawan kaya na niya nang ipakita ko sa kanya ang kahinaan ng leader namin.
"Nakakagulat naman," nasabi ko na lang at napalingon ako sa mga kaibigan.
"Sa dalawa sa amin lobo at isa katulad mo, siya bampira naman." sagot naman nang nagsalita sa tabi ko.
"Napikon siya si David," napapailing kong sabi sa kanila pinapanood silang maglaban.
Marami na ring nakatanghod sa kanila para manood.
"Siya lang kasi ang gumawa para tumalsik siya nang malakas, pikon talaga 'yan." sagot naman nito sa akin.
Natawa na lang siya nang malakas nang tumalsik ulit ang kaibigan nila nahigop nito ang lakas ko at lakas ng lobo kaya mas lumakas siya hindi lang ordinaryong bampira.
"Aray sakit nyan!" ngiwing puna ko sa nangyayaring labanan sa harap namin.
Napahawak ako sa mukha ko at na-iimagine ko ang pasa sa katawan ng bago naming leader. Nang parehas ang puntos ng kanilang labanan umawat na ako para tumigil silang dalawa.
Hinila ko rin ang kaibigan ng leader namin para tumulong sa akin.
"Kayo lang ang nag-ensayo? Pinanood lang namin kayo." sabi ko sa kanilang dalawa at tinuro ang mga audience na nanood sa kanila.
Lumingon silang dalawa at nagbago na ang anyo ni David iniwas ko ang tingin ko sa katawan niya dahil wala siyang suot na damit boxer short lang ang nasa katawan niya napalayo ako nang may humagis na damit sa bandang likod ko.
Nasalo ito ni David at sinamaan niya nang tingin ang kaibigan ko.
"Next time huwag mo na siya hahawakan kaagad ganyan ang mangyayari sa atin," bulalas ko at ginamot ang sugat sa katawan ng kaibigan ko.
"Kami lang ang nag-ensayo at hindi kayo?" puna nito sa amin umiling at nagsalita ang mga kaibigan niya.
"Hindi, David para kaming nanood sa sine sa ginawa nyong dalawa malakas siya hinay-hinay lang kasi, bro." nasagot ng mga kaibigan niya nang matapos ko gamutin ang mga sugat.
Umupo na lang kami sa bench sa loob ng training room hinayaan nila akong samahan ang kaibigan na uminit din ang ulo.