Cinco

1576 Words
"Siya ang magiging leader nyo, si David," sagot ni Zas sa amin dahilan para tumingin ako sa lalaking nakasunod sa aming tatlo. "Ano? Ang mayabang na 'yan ang magiging leader namin?" hysterical niya at tinuro pa ang lalaking kasama namin tumingin sa kanya ang nangangalang David. "May problema ka ba sa amin?" seryosong tanong nito sa kaibigan ko. Namaywang siya at hinarap ang lalaking kasama namin. "Oo may problema! Magnanakaw kayo ng mga kaibigan mo eh! Unang araw pa lang hindi na maganda ang pagtatagpo natin." sagot niya at hinila ko ang kaibigan ko pinag-titinginan na kasi kami. "Sorry nga nga! Saka, hindi namin alam na may ari nang gamit at huli na nang makita namin hindi ordinaryo ang kinuha ng kaibigan ko, Okay?" sagot nito sa kaibigan ko natahimik naman ako bigla sa sinabi nito. "Tama na! Dun kayo magtalo sa training room at hindi dito magiging team kayo kapag nabigyan kayo ng misyon ni miss Erika, tapos ganito ang simula nang pagkikita nyo?" sigaw ni Zas sa kanilang dalawa natahimik naman ako. Inakbayan ko na lang siya at hinila nang maglakad na si Zas sumunod kaming tatlo. Tahimik sa likod namin ang nangangalang David hindi naman ako nagsasalita. "Kung hindi lang sa nirekomenda tayo ni supremo sa kanila, babalik na lang ako sa Pilipinas," mahinang sabi niya sa akin hindi naman ako nag-react. Nang makarating kami sa tinutukoy nilang training room bumungad sa amin ang mga nag-eensayo dinala kami ni Zas sa dulo nang training room. "Mag-fill up kayo dyan nang kaibigan mo, Miss Vladimir para may record kayo." sagot ni Zas sa amin at iniwan kami sumama sa kanya ang magiging leader namin. Nilingon pa niya ang dalawang umalis at tumingin naman ako sa mga nag-eensayo. "Ganito pala sila sa Australia, ano, AA? Sa kanila, kailangan munang mag-training bago ka bigyan ng misyon," sabi niya sa akin nang mapansin kong nakatingin siya sa mga nag-eensayo. "Dahil dyan sila babase kung kaya mo ang ibibigay nilang misyon 'yon ang palagay ko lang," sabi ko na lang sa kanya. "Sa atin, hindi...pantay ang trato ni supremo sa atin basta kaya natin ang misyon na kanilang binibigay." sagot na lang niya sa akin. "Iba kasi sila," sagot ko sa kanya dahil totoo naman iba-iba ang kanilang pamamahala kahit iisang organisasyon ang kanilang pinapamahalaan. Parang presidente lang nang Pilipinas at dito sa Australia iba ang kanilang pamamahala sa bansa. Ang kaibahan lang naman ang regulations nang bawat building. Tumingin ako sa mga tinitignan niya at bumalik ang tingin ko sa hologram kung saan dapat kami mag-fill up. "Ganun talaga, halika na at mag-fill up," sagot ko sa kanya at hinila ko siya kaagad palapit sa akin. Marunong kami gumamit nang hologram dahil ganito ang ginagawa namin kapag pumapasok kami at lumalabas sa building. Nang matapos ako mag-fill up may fingerprint pang gagawin sa next step sinunod ko at ang face recognition para sa security purpose. Nang matapos tumayo na lang ako sa gilid para hintayin siya. Pinag-mamasdan ko ang mga nag-eensayo may mga bampirang nakatingin sa akin hindi lang ako nag-rereact. "Tapos na kayo?" pag-bungad ng magiging leader daw namin napa-titig na lang ako. "Siya hindi pa," sagot ko na lang sa kanya at hindi ako tumitingin sa taong nakatayo sa harap ko. "Ito ang mga rules ng building, miss Vladimir gusto kong malaman nyo ito kaysa sa huli na at nakagawa na kayo ng pagkakamali," sabi nito dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanya at may hawak siyang makapal na libro. "Babasahin namin 'yan?" tanong ko at pinag-masdan ko ang libro na hawak nito. "Oo, para malaman nyo nang kaibigan nyo nagpaalam naman ako kay miss Zas na ipabasa ito sa inyo," nasagot naman nito sa akin. Kinuha ko ang makapal na libro at medyo nabigatan ako nang hawakan kaya dalawang kamay na ang ginamit ko sa pag-hawak. "Mula sa witch ang libro, tama ba ako?" pag-bungad niya sa amin dahilan para mabaling ang tingin ko sa kaibigan ko. "Oo, siya ang inutusan ni miss Erika na gumawa nang mga rules at regulation magkasana nilang ginawa 'yan kaya mabigat ang libro sa mga bagong salta sa building isang elder na malakas ang powers ang gumawa." pag-tukoy nito sa amin at tinuro ang libro na biglang gumalaw. "Sa bawat bagong salta pinapabasa itong libro?" pagtatanong ko na lang para malaman ko ang dapat gawin. "Oo." sagot nito sa akin napa-aray ako nang may maramdaman akong kirot at hapdi sa palad ko. Muntik ko nang mabitawan pero biglang umangat sa ere nakita ko na nagtakip ng ilong ang kaibigan ko napatingin ako sa katabi ko na tahimik lang. Hindi naman kami pinapansin nang mga nag-eensayo at tumabi kami sa gilid nang may dumaang mga bampira. Tumingin pa sila sa amin at binati si David pinangalanan ko na lang para hindi ako mahirapan pa kahit hindi ko siya gustong kasama. Mainit ang dugo ko sa kanya at bumukas ang libro. "Madam!" pagbati niya nang bumulaga sa amin ang isang matandang babae na kilala ko rin. "Lola!" nakangiti kong tawag at kumaway kahit may peklat dahil tumuklap ang balat ko sa hapdi. "Kayo pala 'yan," pag-bungad nito sa amin at kaagad kaming tumango ng kaibigan. Pinsan nang lola ng kaibigan ko ang tinawag niyang madam ayaw nilang malaman ng mga witch na may konektadong nakaka-taas sa kanya. Mga kamag-anak lang nila ang nakakaalam nang katotohanan at malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya. "Opo, madam, nilipat kami ni supremo dahil may isang sutil dito na napunta sa Pilipinas kami ang pinalit sa kanya," sabi niya at hindi naman kami nagsalita ni David. "Ah, kaya pala nang tanungin ko ang magulang mo wala ka nga sa Pilipinas, AA, welcome sa Australia." tawag ng matandang witch sa akin dahilan para tumitig ako. "Salamat, lola, nagpasaway na kaagad si E, lola," sumbong ko at bigla naman niya akong himampas sa braso. "Ako? Ang mga gunggong na 'to, madam kinuha nila 'yong niregalo mo sa akin noong bata pa ako mabuti na lang sila ang nagnakaw at hindi iba nabawi ko pa." sumbong niya sa matandang witch nabaling ang tingin ko sa katabi ko na gulat ang itsura. "Naging guro niya si lola kaya niregaluhan siya, at saktong kinuha nyo ang bigay nito sa kaibigan ko," mahinang bulong ko sa katabi ko at tumingin siya pagkatapos. "Oo, nalaman ko nga kaagad dahil nandun ang kalahati ng powers ko...sa uli, hija ingatan mo 'yon dahil kapag nakuha 'yon ng masamang katulad natin maraming tao at iba't-ibang lahi ang mapapahamak." sabi ng matandang witch nakita ko ang pagbabago nang mukha ng kaibigan ko sa narinig. "Opo, madam..." mahinahong sagot niya at lumingon siya sa katabi ko. Sinabi sa amin ni lola ang rules at regulation nang building at biglang naglaho na parang bula sa harap namin. "Kayo! Narinig mo 'yan leader, kapag nawala ulit ang ninakaw nyo sa akin sangkatauhan madadamay kung iba ang nagnakaw." sabi niya sa katabi ko inawat ko naman ang kaibigan ko. "Ngayong alam ko na ang ninakaw namin aabisuhan ko pa sila na bantayan ito dahil buong mundo pala ang mapapamahak kapag iba ang nagnakaw at humawak," nasagot na lang nito sa kaibigan ko nang mapansin kong sumeryoso ang mukha nito. "Salamat, David, aasahan ko 'yan mag-training na ba tayo?" tanong niya sa katabi ko pagkatapos nang pag-uusap. Sinama niya kami sa dulo kung saan daw sila madalas mag-ensayo ng mga kaibigan niya. "Dahil witch ka, at may kaibigan akong katulad mo dito ko kayo dinala," sabi nito sa kaibigan ko at tinuro niya sa amin ang mga gamit na pang-ensayo. "Matagal ka na bang nandito?" pagtatanong niya nakamasid lang ako sa mga armas nasa harap ko. "Mula nang isilang ako ng magulang ko nandito na ako sila ang nagpalaki sa amin nang namatay ang magulang ko sa digmaan." kaagad nitong sagot napalingon ako. "Sa lahi natin, ang nag-sasakripisyo ang Mama natin at ang naiiwan ang Papa natin para gabayan tayo," banggit niya sa katabi ko hindi naman ako nakapagsalita dahil totoo naman. "Permanente na ba kayo maninirahan sa Australia?" tanong nito sa amin napatingin sa akin ang kaibigan ko. "Depende sa mangyayari sa amin dito," sagot niya at lumapit ako sa armas na umakit sa paningin ko. "Halo ba ang mga scientist dito?" dinig kong tanong pa rin niya sa leader namin. Hinawakan ko ang armas at may markang H sa armas. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito nakikinig lang ako sa kanila. "Bampira at tao ang gumagawa at kumikilos sa laboratory ng building," banggit niya sa leader namin. Inikot-ikot ko ang armas sa kamay ko ang tingin ko sa armas na hawak ko ang bigat hawakan pero, hindi pala. "Hindi, mga tao ang kumikilos sa laboratory mahirap na dahil baka matukso, miss Foster weakness ng mga katulad ko ang dugo, hindi lahat na nag-tratrabaho dito dugo nang hayop ang iniinom." narinig kong sagot nito sa kaibigan ko. "Ah," narinig kong sagot ng kaibigan ko. "Si miss Erika ang namimili nang bibigyan niya nang misyon pantay ang trato niya sa atin depende sa kakayahan lang siya bumabase," sagot nito sa kaibigan ko. Nabaling ang tingin ko sa kanilang dalawa at napatingin ako bago bitawan ang hawak kong armas. "Kaya pinapa-train niya ang mga agents?" tanong niya at lumapit na ako sa kanila. "Para mas lumakas tayo, isa pa 'yon kung mahina ka matatalo ka nang kalaban," sagot naman kaagad nito sa amin. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa at humalukipkip ako iniisip ko kung saan hahanapin ang estranghero kong ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD