Dos

1736 Words
Bago man kami pumunta sa Australia kinausap ako ng grandparents ko naalala ko ang napag-usapan namin. Nag-iimpake ako nang dadalhin kong gamit sa loob ng kwarto ko nang makarinig ako nang yabag ng mga paa naamoy ko ang pabango at nakilala ko. "'Lo at 'La? Bakit?" pagtatanong ko nang lumingon ako mula sa pintuan nakita ko pa napa-hawak sa dibdib ang lola ko. "Maryosep..hindi pa rin ako sanay sa ability mo kahit ako ang nag-alaga sa'yo," bungad nila sa akin huminto ako sa pag-liligpit at natawa napangiwi naman ako sa pag-batok ni lolo sa ulo ko. "Bata ka!" paninita ni lolo sa akin yumakap na lang ako sa kanila-sila ang naging magulang ko mula nang pinanganak ako ng Mama ko. Hindi nila nilihim sa akin ang lahat nang nangyari sa buhay ni Mama at masaya ako na sila ang grandparents ko. "'La?" nag-aalala kong tanong sa lola ko. Hinawakan niya ang kamay ko napa-titig na lang ako sa kanila may hindi ba magandang nangyari ba? "Hindi kami sanay na wala ka, apo nang ilang buwan sanay kami na palagi kang uuwi sa bahay natin at sasabay tayo kakain." sambit ng lolo ko sa lola ko natahimik naman ako sa sinabi nila. "Babalik din ako, 'La dadalhin ko kayo sa Australia kapag nakakuha ako ng sariling tirahan dun at makaka-ipon nang pera ayoko na rin manatili dito dahil toxic na ang mga tao." pag-amin ko sa grandparents ko nabaling ang tingin nila sa akin. "Hindi namin kailangan umalis-" putol ko sa kanilang sasabihin. "Mas gusto kong kumpleto tayong tumira, 'la sa Australia kukuha ako ng visa nyo kapag stable na ang pananatili ko dun," sagot ko sa kanilang dalawa sila na lang ang pamilya ko. Huminga na lang ako nang higpitan nila ang kapit sa kamay ko. "Apo..." tawag nila sa akin tumingin ako sa kanilang dalawa. "Ayokong pati kayo mawala sa buhay ko, kaya kahit ayaw nyo sasama kayo sa akin kapag nakahanap ako ng maayos na tirahan sa Australia sa ngayon maiiwan kayo sa panganga-alaga ni ninong mas panatag ako nasa puder kayo ni ninong." seryosong sabi ko sa grandparents ko nakita ko ang lungkot sa kanilang mukha. Nagulat ako nang yakapin nila ako nang sabay muntik pa kami matumba sa kama mabuti hindi nangyari kundi mapipilayan pa silang dalawa. "Talaga bang hahanapin mo ang ama mo sa Australia?" pagtatanong ng lolo ko sa akin nang lingunin nila ako. "Oo, lolo at lola, hahanapin ko siya at gusto ko siyang makilala..." pag-amin ko sa kanila natahimik naman ako. "Sasabihin mo ba sa kanya na ikaw ang anak niya?" tanong ng lolo ko sa akin umiling na lang ako. "Hindi, lolo, dahil sa palagay ko wala siyang alam tungkol sa akin." bulalas ko na lang dahil kung alam niya dapat nandito siya para makilala ako. Hindi naman sila nagsalita dahil alam naming tatlo na imposibleng malaman ni daddy na may anak siyang iniwan sa Pilipinas. "Tama, apo wala siyang nalalaman tungkol sa'yo nasabi na namin sa'yo ang tungkol dito." banggit ni lolo sa amin. "Anong plano mo kung magkita kayo?" tanong ng lola ko sa akin imposibleng mukhang bata pa rin ang daddy ko dahil tao ito at hindi katulad ko. Umiling kaagad ako sa kanila bago ako magsalita at huminga ako. "Hindi ko rin alam, lolo dahil paniguradong iba na ang itsura niya ngayong makalipas na taon kumpara sa akin hindi nagbago para akong si Mama carbon copy ang mukha namin," nasabi ko na lang sa kanila. "Hihinto ka sa pag-aaral?" pagtatanong ni lola sa akin nang tumingin siya pagkatapos. "Oo, 'la dahil mahirap pag-sabayin ang dalawang mahalaga sa akin masyadong seryoso ang trabaho ko sa Australia kumpara dito sa Pilipinas." pag-amin ko na lang sa kanilang dalawa. Hinawakan ng lolo ko ang mukha ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Apo, kapag nandun ka na huwag kami kakalimutan." sabi ni lolo sa akin naluha naman ako bigla sa sinabi niya. "Ay, si lolo..kada may oras ako kokontakin ko kayo o kapag day-off ko tatawag ako hindi ko kakalimutan, 'lo basta huwag nyo rin kakalimutang uminom ng gamot may i-reremind ako sa cellphone nyo ni lola at ibibilin ko ito kay ninong." sabi ko. "Huwag mo na siya abalahin, apo." sabi ng lolo ko sa akin tumitig ako sa kanya. May ability ako nakakabasa ng iniisip at bilis sa pakikipag-laban sa kalaban namin. Ordinaryong bampira lang ako na may dugong tao mabuti na lang ang dumadaloy sa akin ang dugo ng daddy ko pero, nakuha ko ang pagiging bampira ni Mama. Para akong 20 years old sa paningin ng mga tao pero, mas matanda pa ako sa pinaka-matanda sa buong mundo. Ang mga katulad namin hindi na nagtatago sa mundo ng mga tao namumuhay sa Pilipinas. Humalo na kami sa population ng tao sa buong mundo iilan na lang ang nagtatago at takot makihalubilo sa tao. "Kailan ba kayo luluwas ni Eireen?" tanong ni lola sa akin. "Mamayang madaling araw, lola kaya susunduin tayo ni ninong ngayon para sa kanya muna kayo titira mas panatag akong sa kanya kayo tumira nag-iisa naman siya sa buhay." bulalas ko sa grandparents ko napapailing na lang sila sa akin. "Kaya pala, pinag-impake mo kami?" tanong ni lolo sa akin napa-batukan tuloy ako sa ulo. "Oo, 'lo...peace yow!!!" natatawa kong sabi sa grandparents ko pinalo nila ako sa binti. Sa kanila ko naranasanan na magkaroon ng magulang dahil ang magulang ko wala na sila sa piling ko. Nakarinig ako ng yabag kaya nagpaalam muna ako sa grandparents ko at lumabas nang kwarto ko. "Ako 'to, hija!" tawag ng boses na hinihintay kong dumating. "Ninong Harold!" tawag ko at binuksan ko kaagad ang pintuan bumungad sa harap ko ang ninong ko na naging pangalawang ama ko na. "Meron pa!" tawag ng isang tao na hindi ko rin inaasahang makikita. "Tito Drake!" ngiting tawag ko sa nasa likod ni ninong Harold. "Hoy, Amire hindi mo ako, tito para tayong magkasing-edad." sabat naman ni tito Drake simply known Drake. "Masasanay din ako, 'to," sabi ko. "Dapat lalo na kasama nyo akong aalis nang Pilipinas," banggit naman nito sa akin. "Hindi ba, may misyon ka pa?" tanong ko at inalok ko silang pumasok sa loob ng bahay. "Pagkatapos ng misyon namin sa Australia na ang deretso ko sa main building ng pinag-trabahuan natin," sagot nito at binati ang grandparents ko na sinalubong sila ng ngiti. Hinampas ko sila sa balikat dahil sa kanilang itsura sariwa o birhen pa ang amoy nang dugo ng grandparents ko kaya mabango para sa kanila ang amoy. "Maghunus-dili kayo," bulong ko sa kanila. "Dito na lang kami, apo kaysa gawin kaming pagkain ni Harold." sabat ng lolo ko sa amin. "Mabango kayo sa akin, Orpheus pero bilang grandparents ni AA at magulang ng kaibigan ko hindi ko kayo magagawang saktan." sagot ni ninong sa grandparents ko hindi naman sila umimik pa at inalok sila nang lola ko na uminom nang dugo ng hayop. Umupo kami sa sofa kasama ang grandparents ko at napag-usap ang pag-alis namin ng bahay. "Sasama kami sa paghatid sa'yo sa airport," banggit ni lolo sa akin nang tumingin ako sa kanya. "Huwag na, 'lo kami ni E ang aalis nang Baguio ihahatid kami ni ninong Harold sa airport." sabi ko sa lolo ko nang magsalita ako. "Sasama ako dahil ngayon din ang alis namin ni partner papunta sa ibang bansa," sabat ni Drake sa aming lahat natahimik na lang ako. Nakakailang ang tingin niya palagi sa akin kaya kailangan kong umiwas sa kanya alam ko naman na dati siyang manliligaw ni Mama huwag naman sana pati ako ligawan niya wala akong panahon para maghanap ng lalaki para sa buhay ko. Sina Drake at ninong Harold ang nagdala ng gamit namin nang grandparents ko sa sasakyan bago kami sumakay at umalis sa bahay namin. May bahay sa Manila ang ninong Harold ko kaya dun niya dadalhin ang grandparents ko lilipat din siya nang papasukang hospital. Nang makarating kami naabutan namin si E na nakatayo sa labas nang bahay ni ninong Harold. "Ang tagal nyo naman nakatulog na ako dito nilapitan na nga ako nang tanod akala nila magnanakaw ako sabi ko kiiala ko ang nakatira dito," bungad niya sa amin at nagmano sa grandparents ko nang makita niya. "Hindi ka man lang kasi nagsabing mauuna ka dito," sabat ninong Harold sa kaibigan ko nang matapos ibaba ang mga maleta. "Nasa Quezon City lang kasi ako at may misyong tinapos bago nagpunta dito kaysa sa Baguio ako umuwi pa dito na ako dumeretso," sabi na lang niya kay ninong Harold. Hindi man halata pero magka-team sila dati kasama ang Mama ko at ngayon sa akin siya napunta naging magka-team kami ngayong modern world. "Pumasok muna tayo, guys pinag-titinginan na tayo nang kapitbahay ko." sabat ni ninong Harold. Dinala nila ang mga maleta namin sa loob ng bahay nasa gitna ako nang grandparents ko na inaalalayan ko sa paglalakad. Tinuro ni ninong Harold ang magiging kwarto ng grandparents ko napag-alaman kong nilagyan niya selyo ang buong kwarto para hindi maamoy nang ibang bampirang ligaw na gumagala sa Manila. Nagpaalam na maliligo lang ang kaibigan ko bago kami umalis ng bahay para magpunta sa airport. "Huwag na huwag kang makakalimot na kumontak sa amin, apo." sabi ng lola ko at tumango kaagad ako. "Oo, 'la," nasabi ko kaagad sa kanilang dalawa. Pinag-pahinga ko muna ang grandparents ko sa magiging kwarto nila bago pumunta nang airport. "Ingat kayo dun, panget!" bilin ni Drake kay E nang nasa departure area na kami. "Hindi ako panget!! Tarantado ka!" pagmumura niya at siniko ko ang kaibigan ko nang maramdaman ko ang tingin ng kasabay naming aalis. "Tumigil na nga kayo." saway ko sa kanila. "Bye na," sabi ni Drake sa amin at inirapan pa ito nang kaibigan ko. "Buwisit talaga 'yon, bye, Harold!!" sigaw niya sa ninong ko nang lumingon pa ito sa amin. Kumaway na lang ito sa amin bago sumakay sa sasakyan niya. Nillagay namin sa cart ang mga maleta namin bago naglakad papasok sa looban. "Ngayon lang ako ulit makaka-alis ng bansa," pahayag niya sa akin napapailing na lang ako. Matanda na 'yan pero kung umasta mas daig pa ako bumuntung-hininga na lang ako nang malalim. Ganito rin siguro kami kung nabuhay siya pero imposible din mangyayari kada nabubuntis ang katulad namin kailangan naming i-sakripisyo ang buhay namin para mabuhay ang magiging supling namin. Kahit gusto ko magkaroon nang sariling anak ayokong lumaking walang nakilalang ina ang anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD