Isabel Dahil sa desisyon kong iyon, nahaharap ako sa ganitong sitwasyon pero matapang parin akong tumitig sa mga kalalakihan. Hindi ako magpapatalo sa kanila- Umismid ang pinakalider ng mga kalalakihan. "Talaga ba, Attorney? Hindi ka magsisisi? Kahit tumama na sa'yo ang bala." Bumaba ang kamay ng lalake sa gatilyo ng baril na hawak niya. At hindi ko maikakaila ang panlalamig ng mga kamay ko. Kinuyom ko ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang takot pero hindi ako pwedeng magpatalo dito. Ito ang pinili ko, at papanindigan ko ito. "Shoot me."buong tapang kong saad. Malutong na mura ang pinakawalan ng lider. "Mas lalo mong pinapahirapan ang trabaho namin. Walang silbi sa iyo ang kopya ng mga titulo." Kumunot ang noo ko. "Titulo?-" "Ubos na ang pasensya ko sa iyo." Pigil-hininga ako
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books