Kabanata XXVII: Pahirapan ng Labis na Pagnanasa

1742 Words

Isabel Matagal kong tinignan si Axel sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko na hindi talaga siya nagbibiro. May bahagi ng utak ko na sumang-ayon sa kagustuhan niya, na iniisip na baka pwedeng manirahan ako dito katulad ng sinabi niya. Pero mas malaking bahagi iyong nagsasabing hindi pwedeng ito ang dulo ko, may kailangan pa akong patunayan kay Lolo. "Axel, feeling ko, kailangan mo na talagang matulog. Kung ano-ano na ang sinasabi mo-" Maliiit na tili ang lumabas sa bibig ko nang mabilis siyang kumilos at pinagpalit niya ang posisyon namin. Kinubabawan niya ako sa paraan na wala akong ilag mula sa kanya. "Seryoso ako, Isabel. Ayokong umalis ka dito."sambit niya sa nangungusap niyang mga mata. Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan ito dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD