Kabanata X: Akin Lang

1598 Words

Isabel Nasapo ko ang bandang puso ko pagkatapos kong tumigil sa pagtakbo. Humihingal pa ako sa bilis ng takbo ko kanina. Lumingon muna ako para tignan si Axel. Umismid naman ako nang hindi ko siya makita. Ako pa hahabulin, mabilis kaya ako tumakbo. Humarap din ako at linanghap ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. Pinagmasdan ko ang mga alon. Ang bilis ng mga kaganapan sa buhay ko na umabot na sa puntong nakikisabay na lang ako. Ang ilan taon kong pagpupursige at pinaghirapan, nauwi lang sa pagkasuspende ko sa trabaho. At ang tao na akala ko dadamay sa akin ang siya rin pa lang dumurog sa akin. Mapait akong ngumiti. Bakit ang hirap na pakisamahan ako ng mundong ito? Ang hangad ko lang naman mapatunayan ang sarili ko sa pamilya ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa, na k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD