일
"Hoy! Winona. Gising na!" Sigaw ng ate ko sa labas ng kwarto.
"Bakit ba?" Pabalik kong sigaw sa kaniya.
Darn it! May sayad ba sa utak ang babaeng 'to? Hindi ata tinuruan ng magulang ng tamang manners. Grrr, sabagay ni minsan ay hindi siya nakinig sa mga magulang namin noon.
"Inday! Aba't anong oras na. Dalawang araw ka ng tulog." Sarkasmo nitong sabi.
Too much drama! Ang OA naman ng dalawang araw. Late nga akong natulog kagabi. I rolled my eyes in pure irritation. Sabado at walang pasok. Sino ang nanggigising ng kay aga aga? Siya lang! Grabe! Nakakahiya siyang kapatid. Nakakahiya na magkadugo kami! Kasuklam-suklam!
Bumalikwas ako sa pagkakahiga. Magulo ang buhok at may panis pa na laway. May muta pa ako't hindi pa handang bumangon. Ano na naman ba ito? Pagkabangon ko ay nasa gilid na siya ng kama parang manang na naniningil ng utang dahil sa bestida niyang suot. Inis na inis ko siyang binalingan. Walang manners ang taong 'to! Hindi alam kung ano ang privacy. Gumamit na talaga ng masters key. Bravo! Ang galing ng babaeng 'to!
"Ano? Sabado ngayon, Ate! Bulabog ka rin e," reklamo ko.
"Aalis ako! Nagmamadali ako!" May pagmamadali ang kaniyang pangungusap.
"E, ano ngayon?"
"Walang maghahanda ng agahan sa kuya mo! Tulog pa 'yon—"
Ayan na naman siya kaya pinutol ko na siya agad. "Sino ba ang asawa niya? Ikaw hindi ba? Bakit parang ako pa ang gusto mong mag-alaga sa kaniya?"
Sinasabi ko na nga ba't makikisuyo na naman siya. Lagi nalang siyang ganito. Ang agang umalis ng bahay. Ni paghahanda ng agahan para sa asawa ay hindi magawa. Ako pa ang uutusan. E 'di sana, ako nalang ang nag-asawa. Ako naman pala ang mag-aalaga. Si kuya Marckus naman ay hindi nagrereklamo. Ang sarap din kutusan ng lalaking 'yon. Hinahayaan lang si Ate Kath sa kaniyang adhikain sa buhay. It's a good thing! Pero ang paggising sa akin sa ganitong klaseng pamememerwisyo ay hindi maganda. Ewan ko sa kanila! Masyadong mahal ni kuya si ate para hayaan ng ganito. Kahit may ganitong ugali si ate Kath ay hindi ko maipagkakailang baliw si kuya sa kaniya.
Tss. What's good on her by the way? Well... halos magkamukha nga kami e. Mana sa ama. Soft lang ng resemblance ni ate Kath. Gano'n din naman ang aking feature, pero makikita mo pa rin ang kaibihan namin. You can distinguish, who's and who's.
Although, I'm happy for ate's success. It's just that... I don't know.
"Ate! 'Wag kang mambulabog ng maaga. Ikaw na ang magluto. Ikaw ang asawa! Kahit hindi mo na ako pakainin." Sabi ko at bumalik sa pagkakahiga. I'm not the sweetest person when disturbed. I growl when mad! Don't test me!
In the end, ako pa rin ang nagluto ng agahan ng magaling niyang asawa. Pinilit niya akong pinabangon at hinila para magluto. Kaya naman ngayon, nagluto ako ng agahan para sa kaniyang pinakamamahal. Kung ano lang ang nakita ko sa fridge na may pang-morning feels ang niluto ko. Nagsaing na rin ako ng kanin para abot tanghalian na. Nakakatamad mag luto kapag tanghalian. Lalo na rin kapag mag-isa ka.
Hotdog, sunny-side up egg, bacon at the usual cup of rice for two ang hinanda ko.
Tutal, gising na ako, makikisabay na rin ako ng kain kay kuya. Pagkaalis ni ate kanina ay nagising ito. Sabi ko lang na maghahanda ako ng breakfast. Bumalik sa kwarto at mukhang naligo. May pasok ito sa work ngayon. Endless. Gaya ni ate Kath ay workaholic din si kuya Marckus. Sa kaniya mas pinagkakatiwalaan ang company nila kaysa sa kapatid niyang si kuya Pius. Medyo close kami ni kuya Pius, the youngest brother. Close na sigurong sabihin na minsan na akong sumama sa iilang business trips niya. May mobile number niya ako, personal. At binibigyan din ako ng gifts. Medyo close lang naman. Not to exaggerate.
He works as the Vice President of their family business. Nabibilang siya sa anak mayaman dito sa Pilipinas. They own chains of hotels in Manila, Cebu and Davao. His family's famous for bringing world-class hotelier. Hindi maipagkakaila 'yon. I've stayed twice at their Manila branch hotel. Hindi biro ang per night na stay at ka-engrande ang mga kwarto nila. Ano pa ba ang aasahan mo sa 5-star quality nila? I heard they are moving north in Mindanao like Cagayan de Oro or Iligan. Minsan lang naman nagkukwento si kuya sa akin kaya hindi ko alam masyado ang field ng trabaho niya. I'm just a Senior High School student para malaman ang mga ganito. Si ate Kath naman ay binigyan ng maliit na flower shop bilang regalo ng pamilya ni kuya Marckus. She is running her own business around Makati. I'm not sure why, dahil ba ayaw nilang umaasa ito kay kuya Marckus o sadyang gustong-gusto nila si ate Kath. Well, I'm sure it is helping us. Hindi na masyadong umaasa si ate Kath sa pinansyal kay kuya. Her flower plantation in Baguio is doing well. Mas lumalago sila pareho ni kuya Marckus.
They're married for two years. As far as I know, they were college sweetheart. Nagsimula sa pagkakaibigan hanggang sa nagkatuluyan. Ate Kath is a BS-Chemical Engineering graduate and kuya Marckus was a Business Management naman. Mag-maMasters pa sana kaso hindi pa siya nakakaluwang-luwang, not money but schedule. Sila ang naging kasama ko. Nakita ko ang lahat! Sila ay isang inspirasyon sa tulad ko. Baka hindi ko pa nakikita ngayon ang para sa akin. Aasa ako kapag college na ako! Hindi naman ako hopeless masyado, no? Slight lang siguro.
"Morning, Win!" Bati ni kuya.
Nakaupo na ako sa harap ng pagkain at hinihintay lang siya.
Laging ganito ang set-up namin. Kada umaga ay nauuna na si ate Kath umalis para sa kaniyang shop. O kung minsan naman ay kung nasa business trip si kuya Marckus ay kami lang ni ate. I love how they are open for each other. I mean, kuya's consideration over ate's dream. Award winning ka kuya! May piso ka sa akin.
"Kain na tayo, kuya. Hindi na naman nakapag-hintay ang magaling mong asawa," I said, trying to put humor on it.
Maayos na si kuya Marckus. Wearing his tight slacks and white plain long-sleeve makes him look like a real bachelor. Kaso kasal na. Minalas! Bagong hair-style na naman ang kaniyang buhok making him look different each time. Nakaayos ito na parang may gel siyang nilagay to put it on place. Naamoy ko rin ang panlalaking pabango. Who would think he's married? Grabe! Who could guess, this adonis is freaking married to a crazy woman?
He is still wearing a pink slippers. Ready to go na talaga siya. Buti ay madali lang lutuin 'tong mga hinanda ko. Nakapagtimpla din ako ng coffee para sa kaniya.
Umupo na siya't nagsimulang kumuha ng mga niluto ko't nilagay sa pinggan niya. Gano'n na rin ako. Umupo na rin pero pinagmamasdan lamang siya. I slight tilted my head side-ways. I always like observing him. Kumukurap akong ngumunguso. Kahit saang angle talaga siya tignan. Perpekto! Hindi yata nakalimutan ni Lord na bigyan siya ng kapangitan kahit konti lang.
"What are you looking at?" He asked, buking ako.
Umiling ako.
"Wala naman, kuya." I even shrugged.
Kumuha na rin ako ng pagkain at nagsimula nang kumain.
"May lakad ba kayo nina Rafaela ngayon? Ihahatid kita." Lagi niyang linya tila pambawi sa pambubulabog nilang mag-asawa sa akin.
Umiling ako at mabilis na ningunguya ang pagkain. Pagkalunok ko ay tsaka na ako nakasagot. "I'll be just home for today. Si Rafaela is at school, may sariling activity. Blanca's also busy. May sari-sarili silang pinagkakaabalahan."
"I see." Tumango lamang ito at patuloy na kumakain.
"Sa work ka buong araw ngayon?" Tanong ko.
"I think so. Dadaanan ko nalang si Kath pagkatapos. Gusto niyang magpasama mag grocery." Sagot nito.
Patuloy akong ngumunguya habang tumatango lang sa kaniya. I guess, I'll be alone today. Ako lang yata ang walang kaacti-activity sa mga kaibigan ko. Paano ba naman kasi, Rafaela is preparing for the quiz bee. Siya ang representative ng section namin matapos akong matalo ng dalawang puntos. She's not actually interested but the scores we will having on the mock quiz bee will be recorded. I am very determined but Rafaela is too genius. Blanca is going to Church today, may practice daw para sa dadaluhan niyang wedding. She's one of the bridesmaid.
Kaya sa araw na ito, nganga ako. Kaya naman sinagad ko kagabi ang panonood ng mga movies. But damn, my sister is such a b***h! Hindi marunong makisama't makibagay.
"Please buy me Krispy Kreme." Sabi ko bago makaalis ng tuluyan si kuya.
Sumilay ang kaniyang pilyong ngiti. I pouted. I can't believe an adonis like him existed in this material world. Akala ko si Rafael de Guzman lang ang biniyayaan. Pati pala itong bayaw ko.
"Tabachoy!" Panunukso niya.
I pouted more like I'm so disappointed, "hindi ako tabachoy! Panget mo!" Bato ko sa kaniya.
"O really?" He licked his lower lip like he's entertained.
"Oo! Kaya umalis ka na panget." Tumawa ako at sinara ang pinto.
Kuya is always been a jamming person. We are actually close. Lagi siyang nagdadala ng foods pagkauwi galing sa work niya. Hindi rin madamot sa mga bagay-bagay. His richness is very evident. He even bought us a house. Itong tinitirhan namin dito sa Makati is brought to you by Marckus! Nakapangalan ito kay Ate Kath, not his. Binili niya ito para sa amin ni ate at para din sa kanila ni kuya. Malapit lang ang company building nila dito at ganoon din ang flower shop ni ate. Medyo malayo nga lang sa school ko pero hindi naman ako nahihirapan.
Hatid sundo ako ni kuya. Kung hindi naman kaya ay si ate ang hahatid tapos sasakay nalang ako ng public transpo pagkauwian.
Idol na idol ko ang relasyon nila. Inspired ako sa kanila. They've found each other despite of all odds. Sa dami-daming tao sa mundo, pinagtagpo sila ni Lord para magsama habambuhay. I saw them cat fight. I saw ate cried because of kuya and I saw kuya's frustration because of ate Kath. Pero sabi nga nila if you really mean to say I love you, say it when life is hard not when life is easy. Marami na silang pinagdaanan at masasabi kong matatag sila.
Ngayong nagka-business si ate Kath at madalas ang byahe ni kuya Marckus ay masusukat mo ang tatag nila. Mas madalas ang pagsama ko kay kuya Marckus dahil sa dami ng pagkain at puro pang-travel goals ang dating ng mga trips niya. Like Palawan, Boracay, Cebu and even Batanes. Minsan naman ay hindi ako pinapayagan ni ate Kath dahil sa school or 'di kaya, ayaw niyang makaabala ako sa kaniyang asawa.
"Saan tayo next Saturday?" Tanong ni Rafaela nang nagkaroon kami ng group call.
Bagot na bagot na siguro siya sa Quiz bee na sinalihan.
"Anywhere? Pero mas gusto ko sa inyo. Uuwi ba si Rafael?" Tanong ng manyak na Blanca.
Ngumisi ako, "kina Rafaela nalang tayo. Mas mamamanyakan pa ni Blanca si Rafael. Super hot ba naman at sikat. Bibenta ko ang mga pictures niya!"
I can imagine Rafaela showing disgust. She's not that close to Rafael. But they always have the special bond.
"Wala kayong mapapala dito, girls. Don't even dream about it."
"Malapit na ang awarding no'ng Pelikulang Pinoy. For sure si Alexis na naman ang partner ni Rafael." Si Blanca.
"Malamang! She's claiming him as hers. Ang kapal ng pagmumukha!" Sabi ko.
I heard Rafaela's groaned. She's so over it! Minsan ay hindi ko nakikitang may pakialam siya sa kuya niya. Well, she has her own fame. Si Blanca naman ay iba. She's the only daughter of a religious family. Both of her parents are working in the government. Mas tutok ito sa trabaho kaysa sa kaniya. She doesn't mind also. Mas okay sa kaniya na mag-isa lamang. Ako naman ay may ate at bayaw.
"Sige na! Please lang, huwag na kayong manggulo mag-aaral pa ako." Sabi ko.
"b***h! Huwag ka ng mag-aral. Ang talino ay natural lang yan. Forcing it is abuse of power." Humagikhik si Blanca.
"Ang sabihin mo, nagtatayo ka na ng day care center. Estudyante si kuya Marckus. Ikaw na yata ang tumatayong pangalawang ina, Win." Panunukso ni Rafaela.
Tangina!
I dropped the phone call. She got the point there. Hindi ko pa rin masyadong maintindihan. Si ate Kath kasi. Kung siguro ibang tao ako ay napariwara na si kuya Marckus. As to what I know, calling yourself too much busy is not a good excuse. But I can never question them. Tinatawanan ko nalang ang mga biro nina Rafa at Blanca sa akin. Sobrang nonsense ng mga kaibigan ko minsan. Yun bang moment na gusto mong magseryoso sa buhay pero may nag-eexist na katulad ni Blanca at maging si Rafa para iliko ka ng lahat. We all have that kind of friends. Nagsimula na akong mag-aral ng mabuti nang mag Senior High na!
Blanca has many boyfriends, si Rafaela may Zeek at ako ay nganga. Sina Ayessa ay may mga jowa na rin. Hindi pa masyadong seryoso pero mayroon.
I lust over boys but I never pursue them. Or I never let them pursue me. That's because I dream about having it when I get college. It's my deepest secret. Because of kuya Marckus and ate Kath's love story, I was inspired. May ideal na ako. Na tsaka na pagkadating ko ng college. I'll find or well, destined to be someone like kuya Marckus. That's my ideal type! Gaya ng sabi ko kung hindi lang ako ibang tao.
Alas otso na ng gabi ay nakapagsaing na ako't nagluto nalang ng corned beef na may halong itlog para hapunan. I bet ate Kath and kuya Marckus are by now having their dinner in a fine dine restaurant. Habang ako ay kuntento na sa canned good ay sosyal silang naghahapunan. But seriously, okay lang. Sanay na rin ako sa pagkaing ganito. I also enjoy some time with myself. Gaya ni Blanca at ni Rafaela, lagi lang din akong mag-isa. Siguro kaya kami vibes. Sa mga oras na ito ay ready na akong matulog pero hinihintay ko pa ang pagdating nila.
"I have schedule of a meeting tomorrow, Kath."
"But remember? May lakad tayo. Sabi mo sasamahan mo ako." Si Ate Kath, kararating lang.
"Pupunta ako. Don't worry! Mauuna lang ang meeting." Sagot ni kuya Marckus.
I don't need to go out para i-check sila. Tama na sa akin ang marinig silang dumating. By the end of the day, hindi ako makakatulog ng maayos kung wala ang isa sa kanila. I don't want to feel so lonely. Loneliness is not being alone. But loneliness is about taking much time alone. Kung lagi kang mag-isa at wala halos makausap, iyon ang malungkot. I don't want to feel that way that's why I always wait for them. Or maybe any one of them! Mas payapa ako kapag nakatulog ako ng maayos.
"Win?" I heard ate Kath call from the other side of the door.
"Hmm?" Halos paos kong sagot.
"Your kuya got you want you ordered him to buy."
Napabalikwas ako sa kama. Really? "Are you sure!? I was not expecting!"
"Mayro'n nga! Kunin mo na't matutulog na kami." Sigaw niya.
Mabilis kong tinahak ang pinto at pinagbuksan si ate Kath. Nabigla ako nang hindi ang inaasahan ko ang bubungad sa akin. Kakatalikod lang ng aking kapatid at mabilis na tinungo ang kanilang silid. She just want to inform me. That was the knock all about.
Si kuya Marckus na ang nasa harap ng pinto at itinaas halos lebel ng aking mukha ang dalawang box ng Krispy Kreme. Hindi agad maiproseso ng sistema ko ang biglaan niyang pagbungad. Hindi ito ang inaasahan ko. Napakurap-kurap ako habang inaadjust ang mata sa dalawang box na Krispy Kreme na nasa mukha ko halos.
"Tabach! Krispy Kreme mo. Classic lang ang binili ko lahat." Maligaya niyang sabi.
Nang maayos ko nang nababasa ang 'Krispy Kreme' nga pagkakasulat sa box ay binaba ni kuya ang box. I sensed his sudden eye contact to mine and rush down to my chest.
"Here! Y-you're favorite, r-right?" Halos mahina ang kaniyang pagkakasabi ng huling pangungusap.
"Ah! Ha!" I drawled.
I saw how he dramatically licked his lips and bit. He did it twice that it almost sent me shiver down to my spine.
Gano'n na rin ako, napapakagat sa aking labi.
"Your nipples." He uttered.
Nanlaki ang mata ko. s**t! s**t! My n*****s? What? Sa lahat ng maaaring banggitin? Bakit anong problema? Maingat kong tinunga ang mata sa dibdib ko. Matunog akong lumunok. I immediately crossed my arms to hide my two mounts. It's hiding behind my soft and silky clothes.
Putik! Nakalimutan kong mag-suot ulit ng bra.
Parang ang dugo ko ay umakyat papunta lahat sa pisngi ko. My breathing became heavy. I can sensed the rush of my wrecking system. Ang bilis ng pintig ng puso ko. How dare him even mentioned the word 'n*****s' in front of his sister-in-law. How dare you, kuya Marckus! Nag-init ang dugo ko sa mukha't hindi na makapag-isip pa ng maayos. Damn! How dare he say that? s**t! Nakakahiya!
Hinablot ko ng marahas ang kaniyang box.
"f**k you! You nasty bastard," I slammed the door and pinned myself to the door.
Damn it! My brother-in-law is f*****g nasty.