제 3 장

2709 Words
삼 She chose Sydney, Australia. "Bakit ba kasi two weeks pa ang kinuha mong leave? Now you are blaming me!" "I am not blaming you, Kath! I am just telling you the truth. I asked for a two weeks leave to be with you. Now, sasabihin mo na magiging abala ka sa susunod na linggo." Si kuya Marckus, frustrated. "What do you know? I am running a business. You know I can't leave it for long." Si Ate Kath, frustrated too. I woke up on the next day with a loud shouts from the lovey dovey couple. Ano na naman ba ito? Nasa kusina ako at tinatapos ang agahan na niluluto para sa amin. Malakas ang sigawan nila na para bang buong Pilipinas ang makakarinig. I thought to myself, heto na naman tayo! What's this drama all about? "Fine! Just calm down, my. Sinusulit ko lang naman." "No! I can't calm down. You are blaming me for this!" Ate Kath's insisting. "Come on, my. Stop being cranky of me." Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero naririnig ko ang mga yapak nila. Mabibigat at mga dominante. Kuya is trying to win Ate Kath but Ate Kath is trying to win more. I am imagining my sister pushing kuya away and kuya trying to follow her around. Ako na nakikinig sa kanila ay frustrated na rin. Kakaiba talaga ang dalawang ito. Kung hindi baliw sa isa't isa, aso't pusa din kung mag-away. At the back of my mind, I ain't going to be like my sister. Umiiling ako habang nililipat ang pancakes sa isang oval plate. "You know what? Huwag na natin gawin 'to!" She said. "Ano? Anong pinagsasabi mo, my? Huwag ka namang ganiyan." Malumanay na may halong gulat na sabi ni kuya Marckus. "Kung nag-aaway tayo ngayon, what more when we're on the trip? 'Di ba?!" Ani Ate Kath. She's dominant. She's giving him reasons. Unacceptable! Hindi ko makuha ang rason niyang 'yon. Kahit kailan talaga, napakabaliw niyang mag-isip. She is kuya Marckus' boss. She's the boss. Lagi na lang nananalo sa lahat ng bangayan, sa lahat ng bagay, sa lahat ng alitan. Ginagawa ni kuya Marckus ang lahat para hindi humantong sa mga desisyon na hindi pinag-iisipan. Gaya ngayon... she's very impulsive. Hindi ko alam kung papaano pakakalmahin ni kuya Marckus ang pag-aaway na ito. Kawawa naman si kuya. Natapat pa sa babaeng baliw na tulad ng kapatid ko. "Stop being impulsive, my. This is just a small fight. Fine! We are going on your way. Just Sydney? Then, fine! Only Sydney." Kuya is trying to sound calm and diplomatic. He's waving the white flag even though it's not his fault. I sighed, I'm very sorry for my sister. Kahit anong gawin ko, magkadugo kami ng bruhang 'yon. When I was done preparing the table for us three. I immediately stormed out of the kitchen suot ang apron at basang buhok. Pinipikit ko ang mga mata habang humihinga ng malalim. From here, I can see kuya Marckus following Ate Kath. Mukhang mag-wo-walk out ito, I closed my eyes once more. I'm done with these two. Nakakairita sila kay aga-aga! "Mukha kayong aso at pusa! Tingin niyo sa sarili ninyo, mga bata?" Singhal ko. Natigilan ang dalawa at napatingin sa akin. Nakakawalang gana 'tong dalawang 'to! "Kung ayaw mo palang iwan ang negosyo mo, ate Kath, hindi mo nalang sana pinaasa si kuya Marckus." Ate Kath's face looks defensive at the same time offended. But I don't care. Paasa siya! Kunyare sasama, kunyare interesado pero mang-iiwan lang sa ere. I look at kuya Marckus 'cause I'm not yet done. "At ikaw naman kuya Marckus, kaya nag-iinarte 'yang asawa mo dahil kinokonsente mo! Hindi sa lahat ng oras tama siya! Nakakairita kayo! Akala niyo ang babata ninyo. Huwag mag-pabebe guys." Napaawang ang labi ni kuya Marckus na para bang anak mo na nagulat sa pangangaral ng nanay. Don't look at me like that! "Winona!" "Katherine! Ano? Huh? Ano?" Angil ko. "Shut up! Hindi ka kasali dito." "Kung ayaw ninyo makialam ako, doon kayo sa labas mag-away. Nakakahiya kayo!" I'm ready for a fight. Hinahamon ako ng kaniyang matatalim na titig. Ngunit gano'n din ako sa kaniya. Hindi dapat tinotolerate ang pag-iinarte niya kaya dapat siyang manahimik. Kumukulo ang dugo ko ngayon. But I somehow have to control myself. Malakas pa naman ang ulan. Dapat malamig sa katawan pero hindi, umuusok ang ilong ko. "Naiinggit ka lang!" "Hindi ako tulad mong spoiled immature, ate. Naiinggit ako pero kung ako magiging ikaw. No, never mind!" Sabi ko at tumalikod na. Hindi ako makikipag-usap sa taong may kitid sa utak. Not now when it's too hot to handle. Tama lang na pinagsabihan ko sila at 'yon na 'yon. Ang dapat ay malamig ang simoy ng hangin ay naging bato pa. It was still on going even at the car. Hindi nagsasalita si kuya. Kung sanay madali lamang ang sumakay ng jeep o taxi dito ay hindi ako magpapahatid kay kuya Marckus but I'm running late too. In this huge storm, no one texted or called that's classes are suspended so I have to go to school. Kakapalan ko nalang ang mukha ko kay kuya Marckus kay sa naman kay ate kath pa ako magpapasuyo. No frigging way! She's hard to be with. She's very hard to handle too. Tahimik si kuya. Not unusual but I know... "Uhm... sorry," I started, very regretful. "Hmm?" Halos taghoy niyang sabi. Hindi niya yata inaasahang magsasalita ako pagkatapos noong nangyari kanina. "Just... sorry. Basta!" I really don't know what I am sorry about. Hindi siya nagsalita ng ilang saglit. Tanging tugtog lang sa sasakyan ang umaalingawngaw habang malakas ang ulan. Patungo kami sa school at as usual, makapal talaga ang mukha ko. Ayaw ko talagang si ate Kath dahil baka magkairingan lang kami. I don't want to preach because I'm not in the right position. Mag-aaway lang din kami sa huli kung saka-sakaling magkasama kami. Tinignan ko si kuya Marckus, focus siya sa pag-mamaneho. From my seat, kitang-kita ko kung gaano siya ka perpekto. That word might be overused, maybe I am just overboard or something but I am using that adjective. I know and I'm not dumb, nobody's perfect. But right now, at this moment and this time, he looks perfect to me. I'm going to use good adjectives about him. Am I that biased? Maybe I am. Because you see, he never talk s**t about my sister being a spoiled brat. He never cursed her. He's just silent there. He's very careful and gentle. I can't say more on it. He is that great! Damn adjective! Ang galing kong gumamit ng mga ganitong salita. I bit my lower lip. "Magkakaayos din kayo." Sabi ko. Then he suddenly let out a smile. Hanging but a smile. "I know her. Matagal ko na siyang kilala." Aniya. "Okay lang sa 'yo?" Pagtatanong ko. Nilingon ko siya ulit. Nakatingin lang siya sa harap. I can't read what's on his mind. He's perfect and mysterious at the same time. Nahihiwagaan ako pero hindi dapat ako nakikialam sa kanila. I just... sometimes can't take it. "Hindi sa okay lang. But I can understand her." Tipid niyang sagot. Tumikhim lang ako't tumingin sa labas. This rain won't stop until this afternoon. Gaya din ng pag-aaway nila kuya at ate, hindi pa matatapos hanggang mamaya. Malakas ang ulan at mukhang bagyo sa ibang karatig bayan. I wonder which province? Will they be safe? Kumusta na ang mga nasalanta? Kung hindi titigil ang ulan hanggang sa mamaya ay paniguradong magdedeklara na ng SUSPENSION OF CLASSES. Magbabaha din dito sa Makati at karatig na lugar. Why am I such a random thinker? Ang random kong tao! Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa utak ko. I'm not even genius. Anyway, it's cold. Gaya ng pag-aaway nila kuya at ate. Maginaw at nakakatamad pumasok ngayon. Yong feeling mo gusto mo lang humiga sa kama at magpagulung-gulong. Pagkarating sa school ay tatakbuhin ko lang ang distansya ng entrance gate to the building. May payong naman pero ayaw ko ring magdala. Hindi na ako nakapagpaalam dahil kung gagawin ko 'yon ay paniguradong basang sisiw na ako. Pagkalabas ko ng sasakyan ay ginawa kong pangtakip ng ulo ang aking bag. "Winona! Where's your umbrella?" Sigaw ni kuya habang ako ay tumatakbo. Bukas na ang bintana ng passenger seat side at kitang-kita ko ang kaniyang pag-aalala. Ba't ang gwapo niya kahit sa ganitong distansya? Whoah, Winona! What did you just say? Pati ba naman 'to, pagtutuunan mo ng pansin? "I don't have time to chitchat! Naiwan ko sa bahay!" "Wait, I'll get—" Hindi ko na narinig ang kaniyang sinabi nang may biglang tumabi sa akin at may dalang payong. Napatingala ako sa itaas dahil sa payong na kaniyang sini-share sa akin. Pakurap-kurap kong binabalik tingin ang payong at ang lalaki. Anak ng tutang napaka-cute. Ang cliché naman ng mga pangyayari. Am I shooting a movie? Sinong kay gwapong lalaking ito? "Miss, umuulan. Basa ka na! Alam mo bang—" "Uh..." lula kong untag. Ang ginaw ay alintana ko pero may momentum pa akong nalalaman sa oras na ito. "Papasok ka ba o may hinihintay? Alam mo bang walang—" "Uh..." "Winona!" Sigaw ni kuya Marckus na may payong nang dala at papalapit sa amin. "Huh?" I can't be caught on that moment. It's not even romantic enough. Ba't ako natigilan? Ba't ka nagmomoment, Winona? I woke up from that. Taranta kong hinablot ang braso ng lalaki at kumapit. He's a student here, right? He's wearing uniform anyway. Ba't pa ba ako magtataka. Hindi ko lang siya kilala pero estudyante siya, that's for sure. "Ah... e, kaklase ko, kuya. Pasok na kami!" I even faked a laugh. Halatang nagsisinungaling. Anyway, it doesn't matter. "Tara. He he." Hila ko. "Boyfriend mo? Baka bugbugin ako no'n a." Anang lalaki. Feelingero naman 'tong taong 'to! Well, marami nang nakaisip ng ganiyan sa amin ni kuya. Hindi lang itong estrangherong ito. Even, Rafaela and Blanca, pinaghihinalaan pa akong kabit ni kuya Marckus. Alam nilang kapatid ko ang asawa, magbibiro pa ng gano'n. Ang layo layo sa katotohanan! Isang bagay na hindi magkakatotoo. May asawa siya't kapatid ko pa. Alangan namang ahasin ko ang sariling kapatid. Pero hindi ko rin sila masisisi dahil nakikita nilang lagi akong hinahatid ni kuya. He even treats me to restaurant or any thing I want. Romantic and sweet but not to the point for us, bayaw ko siya. Hindi na rin ako magtataka pero kailangan ko ring i-defend ang sarili ko sa gano'ng bagay. I'm not anyone's mistress. I'm not my brother-in-law's mistress. And that's one thing for sure. "Hindi ko 'yon boyfriend. Bayaw ko 'yon..." Sabay naming tinakbo ang distansya ng entrance gate patungo sa building. Lumalakas ang ulan at lalong dumidikit ang putik sa sapatos ko. "Ah..." hinihingal niyang tugon. "Single ka pala miss." Inismiran ko ng tingin ang lalaki. Aba't may sinasabi pang gano'n. Gusto kong tumigil sa pagtakbo at upakan siya. "Aba'y pakialam mo!" Curious much, kuya? "Just asking. Suplada, nakikisilong na nga lang." anito. I felt offended. Hindi ko alam pero paano ako naging suplada, e siya naman itong sumulpot bigla at pinayungan ako. Well, Winona... nagmamagandang loob lang naman siya dahil ikaw na tanga ay walang payong. Ka babae mong tao! "Hindi ako suplada. Ang weird ng mga tanong at mga sinasabi mo. Close ba tayo?" Nasigawan ko siya. Gayon din ang pagkarating namin sa building na tila ghost town sa katahimikan. "Well, thank you sa pagpapasilong pero hindi tayo close para mag-share ako ng talambuhay." "Okay. Calm your teeth, miss. Galit ka masyado. You're welcome!" Ngumisi ito at lumayo saglit. "Hindi ako galit, for your information." I said. He just smirked. Hindi ko alam kung ano ang hinihintay ko pero nakatayo lang ako at tinitigan pa siyang tinitiklop ang basa niyang payong. Estudyante ba 'to? Huwag tanga Winona, estudyante siya dito! Pagkatapos niyang tiklopin ay napalingon pa ito sa akin. Tsaka lang ako nagkaisip na umalis. Baka pag-isipan pa niya ako ng iba. He's likable but not to the point. Nakapagpasalamat ka na, Winona, huwag ka ng tumunganga diyan. "Ge. Bye!" "May gusto sana akong sabihin." He trailed off. Hindi ko na siya nilingon at umaripas na ng pasok sa building. I'm not yet late but I'm not too early. So, where are all the people? Inikot ko ang paningin sa paligid. I didn't see any faculty staff at the faculty office neither a school staff. I passed by and shock to what I've seen. Ang tahimik naman yata ng hallway? I shrugged, baka naman nilalamig sila at nasa classroom lang. Why am I thinking that I am just convincing myself? And just about time, I reached the classroom. It is very unusual that I don't hear any bad breathes. I mean, walang nag-iingay. Pagkabukas ko ng pinto ay walang tao at walang Rafaela at Blanca. Wait... what? Where are they? Walang pasok? When was it announced? Was I asleep when it was announced? Ba't hindi ko alam? My mind is clouded by thoughts. And on the wrong timing, my phone rings. This is getting very cliché now. I hated that I have a bad feeling. I'm feeling it! Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag. It's going to be Blanca or Rafaela. Rafaela de Guzman calling... Shit! "Hmm?" "Walang pasok! Where are you? 'Wag kang pumasok! Walang pasok! Sorry, nakalimutan kong sabihin sa 'yo!" Bungad ng magaling kong kaibigan. May pahabol pang 'he he' na tawa. That's what I thought, b***h! "Talaga? Ba't kayo lang ang may alam niyan?" "Kaya nga 'di ba? Nakalimutan ko!" Sarkasmong sabi ni Rafaela. Kinagat ko ang labi at pumikit ng mariin. It took me time to breath normally because it is raising high and low. This is such a bad day after all then! Kaya pala walang tao! Ni walang security guard na humarang sa entrance. Walang sasakyan akong nakikitang nagpark sa private parking. Ni wala kaming nakasalubong na kahit staff man lang. Hindi man lang ako nagtaka kung bakit walang tao. Hindi ko man lang inisip na walang pasok dahil sa malakas na ulan. Ang tanga mo, girl! Pero hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ngayon. "Nakakainis kayo! You two!" Sa sobrang inis ko sa kanila, pinatay ko ang tawag. Tangina! Ako lang talaga ang nandito sa paaralan at... Wait, this is the one he wants to tell me right? Aish. Korean lang, charot! I marched myself way out of the building. I checked my phone, looked for kuya Marckus' number and call him. Lumilinga-linga din ako, where did that boy go? It took 4 rings before he answered. "Win?" "Where are you?" Wala man lang galang, Win? Parang driver lang, a. "On my way to office... why?" "Never mind. Magtataxi nalang ako. Ge, bye." Agad kong pinatay ang tawag. If he's on the way to work, it may take some time for him to come back. At ayaw ko na rin siyang disturbuhin. Makakauwi naman siguro ako 'di ba? Nilibot ko ang paningin sa paligid, iniisip na baka nandito pa 'yong lalaki. He's trying to tell me but I'm not attentive. Kahit may pagka-weird 'yon, he's not that bad. My phone suddenly beeped. WhatsApp: (Group Chat) Rafaela: Win? Susunduin ka namin. Rafaela: Sorry! Nakalimutan ko talaga :( No thanks. Galit ako para makipag-usap sa kanila. Pissed off, girl! Kuya Marckus: Wait for me. Babalik ako. Kuya Marckus: You stay where you are. I wondered why. Bakit siya babalik? Nasaan na ang lalaki kanina? Can I borrow his umbrella? Did he go home already? I bet he's laughing right now. Kumukulo ang dugo ko dahil sa inis. Pinagtatawanan na yata ako ng lalaking 'yon. May isang tangang tulad ko ngayon. Me: Huh? Bakit? Ang ginaw! Ramdam ko. Kuya Marckus: I heard from radio news, walang pasok. I am going back. "Uh..." my heart skip a beat. Me: How about work? After a minute he replied. Kuya Marckus: You're my priority. Napasinghap ako. Umiinit ang pisngi ko kapag malamig. The silence shut me down. Sa lakas ng ulan, ako ay nakatayo sa bukana ng gusali. Mag-isa, maginaw pero hindi ko ramdam. I looked around. No one saw me flustered right? Win, what was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD