CASSY “Ehem Ate! Baka naman matunaw yan” narinig kong sabi ni Pam. Naiwan kasi kaming dalawa sa table ngayon. Nagpaalam na sila Annika and JP samin and lumabas muna si Michelle kase may kausap sa phone. “Shut up Pam!” sabi ko dito habang nakatingin pa rin kay Michelle. Nagulat ako ng tumingin ito sa direksyon namin at ngumiti. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Napangiti ako dahil nakatingin din sya sakin habang nakikipag-usap sa phone. “Ehem Ate! Ang lagkit ng titigan ah. Andito pa ko o!” noon lang ako tumingin dito. Nakakainis lang tong babaeng to. Panira ng moment! Whatda? Moment? Oh no Cassy! Malala ka na. Nakikipagmoment ka na sa kapwa mo babae! “Anong titigan?” maang na tanong ko dito. “Nakakatawa ka talaga Ate! Huling-huli ka na, nagdedeny ka pa” “Hindi ko alam