Kabanata 4

1635 Words
Isang linggo nang nakatira si Christine sa mansyon ng mga Wang at walang araw na hindi siya nilalait ni Clayton. Kahapon lamang siya nakapagpahinga sa pangungutya nito dahil sinuntok ito ng ama at pinalayas sa mansyon. Hindi naman niya masisi ang binata dahil may lamat na talaga ang tiwala nito sa kaniya dahil sa masama niyang backround. Pero pinapakita niya sa matandang Wang na nagbago na siya at hindi na kailangan masilaw sa pera. Napag-usapan na rin nila ang nalalapit nilang kasal kahit na makailang beses na tumanggi ang dalaga dahil pinangako niyang mananatili siya sa tabi ng matanda hanggang sa huling hininga nito. Pero nag-pupumilit pa rin ang matanda kesyo in-love na umano ito sa kaniya at gusto nitong maikasal na masaya na hindi napipilitan lamang. Ayon pa sa kuwento ng matanda ay arrange marriage lamang ito at ng yumaong asawa kaya pinipilit siya nitong maikasal sila kahit sabihin pang peke lamang. “Are you excited, darling?” nawindang si Christine dahil sa paghapit nito sa kaniyang beywang at talagang naiilang siya dahil halos lolo na niya ito kung sakali. “Hindi ako excited,” prangka niyang sagot at imbes na madismaya ay napangiti lamang ang matanda. “I know and I understand. Huwag kang mag-aalala peke lamang magiging kasal natin pero sa ngayon pupunta tayo sa mall at pumili ka ng lahat ng gusto mo.” Nakangiti pa ring saad ng matanda at giniya siya patungo sa sasakyan hanggang sa dinala sila sa isang mall at nakahawak ang matanda sa kaniyang beywang habang naglalakad sila sa loob kaya naman ay hindi nakaligtas sa mga panuring mga mata ng tao ang dalaga na pero hindi ito alintana ng dalaga. Kung sa pagnanakaw nga ay hindi niya ikinakahiya ito pa kaya ang husgahan siyang mukhang pera eh, totoo naman at bakit niya pa itatago. “Good afternoon, Sir Wang,” pagbati ng mismong manager at napataas ang kilay nito nang mabalingan ang dalaga. “Good afternoon, Ma’am,” sunod na pagbati nito kay Christine dahil binantaan ni Mr. Wang ang manager na hindi nito pinansin ang dalaga. “I know what will suit such beautiful woman like her Sir, I will take care of her and I will make sure that she enjoys shopping,” nakangiting sabi ng manager at hinawakan sa kamay ang dalaga. “Hindi ako papayag na hindi niya ako kasama. Magiging asawa ko siya bukas kaya ngayon pa lang ay dapat ko na siyang protektahan.” Turan ni Mr. Wang dahil magmula kanina nang pumasok sila ay ang mga mata ng mga kalalakihan ay nakatingin kay Christine at baka maagaw pa ng mga ito ang dalaga. Kaya sa huli ay sunod-sunod lamang ang matanda na kahit na iniinda na nito ang mga tuhod sa pasikot-sikot ay nanatili lang itong nakangiti. Puno ang dalawang sasakyan ng mga gamit na napili ni Christine at dahil sa sabik siya sa magagandang kagamitan ay halos maubos na niya ang mga damit, sapatos, bag at kung ano-ano pang nakikita ng kaniyang mga mata. Wala naman problema roon dahil si Mr. Wang mismo ang may-ari ng mall. “Have you enjoyed, my lady?” nahihirapang tanong ng matanda sa kaniya nang makauwi sila ng mansyon. “Oo. Akala ko hanggang panangarap ko na lang ang ganitong buhay ang mga ganitong kagagandang mga kagamitan,” nakangiting sagot ng dalaga kaya mas lalong napangiti ang matanda dahil napasaya niya ito ngayong araw. “Excuse me, Sir. Ito na ho ang gamot ninyo.” Singit ng nurse na may dalang platito kung saan ay naroon ang limang iba’t ibang mga gamot na maintenance ng matanda at isang basong tubig. Kinuha naman agad ni Christine ang baso at tumulong siyang painumin ang matanda ng gamot pagkatapos ay inalalayan niya itong makahiga. Kinumutan niya hanggang dibdib nito at nang aalis na sana siya ay nahawakan ni Mr. Wang ang kaniyang kamay. “Excited ako, bukas.” Wika ni Mr. Wang pero hindi nagsalita si Christine hanggang sa binitawan na nito ang kaniyang kamay. Lumabas na siya ng silid ng matanda at nagtungo na sa kaniyang kuwarto ngunit pagbukas niya ng pinto ay tumambad uli ang binatang si Clayton na ang buong akala niya ay naroon na ito sa Amerika dahil pinapaunta ito ng ama upang asikasuhin ang mga negosyo. “Masaya ka na ba dahil nahut-hutan mo na ang ama ko? kung kulang pa iyan sabihin mo sa akin ngayon dahil bibigyan kita ng tseke layuan mo lang ang ama ko,” pagbabanta nito sa kaniya pero hindi natinag ang dalaga. “Bakit ko iyon gagawin, may usapan kami ni darling at wala ka na doon. Tanggapin mo na lang na magiging asawa ako ng ama mo at step-mother mo ako. Magiging Nanay mo na ako” Sagot ng dalaga kaya umigting ang panga ng binata dahil hindi niya masikmura ang sinabi nito. “Isa pa, barya lang ang makukuha ko saiyo kaysa sa ama mo. Di-hamak na mas mapera si darling kaysa saiyo eh, anak ka lang—hmmp!” Hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin dahil mabilis siyang nalapitan ng binata at hinawakan nang mahigpit sa leeg kaya hindi siya makahinga dahil sa higpit ng pananakal nito. “Hindi mo alam ang sinasabi mo. At ito ang tatandaan mo, hanggat nabubuhay ako, ni singkong duling ay wala kang mahihita sa ama ko, tandaan mo iyan!” Mariing pagbabanta ng binata saka siya pabalang na binitawan kaya natumba si Christine sa paanan nito. Papungak-pungak siya dahil parang umatras ang kaniyang dila kaya hindi na namalayan ni Christine ang paglabas ni Clayton sa kaniyang kuwarto. Kinabukasan ay maagang naghanda ang mga kasambahay sa mansyon dahil ngayon ang araw ng kasal ni Christine at ni Mr. Wang at mabibilang lang sa dalire ang mga imbentado dahil sekretong kasal lamang ang magaganap. Sa tulong ng mga make-up artist na kinuha ni Mr. Wang ay naayusan si Christine kung saan ay litaw ang malalaki niyang dibdib na mas lalong nagpalabas sa taglay niyang kagandahan. Kulang salitang maganda para sa matandang si Mr. Wang dahil ang dalaga ang pinakamaganda na nakilala niya sa buong buhay niya. Ngunit kabaliktaran naman iyon para sa binata na nakatayo sa malapit sa bintana habang umiinom ng wine. Lahat ginawa na niya upang pigilan ang pagpapakasal nito sa babae ngunit ayon sa ama ay walang silbi ang pera kung hindi naman siya liligaya. Kaya sa huli ay hindi na siya kumontra at pinagbigyan na lang ang ama sa kahibangan nito. Mabilis na lumipas ang mga oras at natapos ang seremonya na kahit anino ay hindi manlang nagpakita ang anak niton si Jhon Clayton hanggang sa nagsi-uwian na ang mga bisita ay hindi lumalabas sa kuwarto ang binata. “Darling, tabihan mo akong matulog,” wika ni Mr. Wang nang makapasok sila sa kuwarto at naroon na rin ang mga gamit ni Christine dahil iisang kuwarto na lang sila. Nang mahubad na ni Christine ang damit pangkasal ay nahiga na ang matanda at ngumiti lang ito sa kaniya. Ang buong akala niya ay gagalawin siya nito ngunit hindi nangyari. Ani pa ng matanda ay hindi naman porket pinakasalan siya nito ay ikakama na siya dahil matanda na siya at masaya na siyang makatabi ang asawa sa kama. Lumipas pa ang mga araw at medyo nakakasanayan na ni Christine ang paninirahan sa mansyon. Nagsimula na rin siyang mag-aral pero hindi niya pa rin nakukuha ang pagsulat ng kaniyang pangalan at magbasa dahil maldita ang nagtuturo sa kaniya na madalas ay sinasabihan siya nitong bobo kaya siya na mismo ang sumusuko. Isa pa, mapera na siya dahil binigyan na siya ng pera ng kaniyang asawa kaya para sa kaniya hindi na kailangan mag-aral dahil kahit wala siyang trabaho ay buhay na buhay na siya. Kasalukuyan siyang nasa banyo dahil sumakit ang tiyan niya kaya hindi siya makatulog hanggang madaling araw. Sinabay niya na rin ang pagligo kaya binuksan niya ang shower at nag-enjoy sa tubig. Paglabas niya ay halos mandilim ang kaniyang paningin nang makita si Mr. Wang sa sahig na duguan at nakatusok pa ang patalim sa puso nito habang namimilipit sa sakit. Tumakbo si Christine at binunot ang patalim sa katawan ni Mr. Wang at napapaluha si Mr. Wang nang tingnan siya. Nahawakan pa nito ang kaniyang mukha kaya napunta ang dugo sa mukha ni Christine. “Love him, no matter what happens, please choose him.” Ito ang huling habilin ni Mr. Wang na kahit hindi maintindihan ng dalaga ay tumango-tango siya at sa huling sandali ay niyakap niya ang matanda dahil ito lamang ang taong nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal at respito. “What the f**k!” Dumagondong ang boses ni Clayton nang maabutan sila sa ganoong tagpo at nang mag-angat ng tingin ang dalaga ay nagliliyab sa galit ang mga mata nito at sa kamay ni Christine nakatingin na hawak niya ang patalim at agad niya itong binitawan. “Hindi, hindi nagkakamali ka nang iniisip,” umiiyak na siyang sabi pero hinawakan lang ni Clayton ang buhok niya at galit siyang hinagis sa gilid. Sa subrang bilis nang pangyayari ay natagpuan ni Christine ang sarili na sakay ng mga pulis habang may posas ang kaniyang mga kamay. Iyak siya nang iyak dahil makukulong siya sapagkat sa isinagawang test ng mga pulis ay naiwan ang kamay niyang ebedinsya sa paghawak niya ng patalim at mga dugo na mismong nangaling kay Mr. Wang ay nagkalat sa kaniyang mga damit. Halos mabaliw si Christine ng mga sandaling iyon dahil ang kamang-mangan niya ang nagpahamak sa sarili niya. “Ang buong akala ni Christine ay sa presinto siya dadalhin ng mga pulis ngunit nagkamali siya nang dinala siya ng mga ito sa isang abandonadong sementeryo kung saan ay naroon ang mga taong pinapatay ni Clayton at ang mga babaeng kinokolekta nito at isa sa madadagdag sa listahan ay ang dalagang si Christine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD