Christine’s POV Yakap ko ang aking sarili at lakad takbo ako sa kalsada at subrang lamig ng aking pakiramdam dahil malakas ang ulan at bugso ng ihip ng hangin. Ni hindi ko alam kung anong lugar ‘to at kung saan direksyon ako patungo. Hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ako sa mga nangyayari at dinagdagan pa no’ng masamang panaginip ko na naging totoo. Higit kaninuman ay kilala ko ang aking sarili at alam kong hindi ko iyon magagawa. Baka senetup ako ni Caloy baka siya talaga ang may gawa no’n at ako lang ang pinalabas niyang may kasalanan para ligtas siya. Kaya nang umalis si Caloy at sabi niya ay kukuha lang siya nang damit ko pang palit ng suot ko ay agad akong naligo sa ilog para malinisan ang aking katawan at pagkatapos ay umalis ako doon sa abandonadong bahay dahil hindi ko na ala