Kabanata 2

1541 Words
Nagpupumiglas ang dalaga sa loob ng sasakyan ngunit wala itong magawa dahil mahigpit ang tali sa kamay ng dalaga at may takip pa ang bibig nito upang hindi makasigaw. Matulin ang pagmaneho ng binata sa kahabaan ng kalsada ngunit napa-break siya nang mabilis dahil may checkpoint na nakaabang. Nang mapansin rin ng dalaga ang mga pulis ay agad niyang sinisipa ang pinto ng sasakyan at pilit siyang nag-iingay. Ngunit nawindang ang dalaga nang may matulis na bagay sa kaniyang tagiliran at pagyuko niya ay dulo ng baril ang nakatotok sa kaniya. “Try me,” pagbabanta ng binata kaya napapikit na lang nang mariin ang dalaga at sumunod sa binata na pinahiga siya sa likod. “Good evening, boss.” Nakangiting pagbati ng binata sa pulis ng binuksan niya ang salamin ng bintana at pinakita ang kaniyang lisensya at ID. Nakangiti naman ang pulis nang makilala ang binata at halos hindi ito magkamayaw sa pasasalamat nang inabutan ng binata ng pera ang pulis. Habang ang isang kamay ng binata ay hawak ang baril at nakatotok pa rin sa dalaga. Agad naman sinita ng binata ang kasamahan nito dahil panay ang flashlight nito sa salamin upang e-check ang loob ng sasakyan. Sumaludo ang mga pulis sa binata kaya muling pinaandar ng binata ang sasakyan at nang makalayo na sila ay saka niya binawi ang baril. Dinala ng binata si Christine sa townhouse nito sa probinsya at pina-upo sa silya. Yumuko ang binata upang magpantay sila ng babae. “Isang tanong, isang sagot. Saan mo dinala ang wallet ko?” paunang tanong ng binata at tinanggal ang tape sa bibig nito. “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo,” sagot ng dalaga kaya napasabunot sa buhok ang binata at muntikan niyang masampal ang babae mabuti na lang at nakapag-pigil siya. Napanood niya ang CCTV ng hospital at kitang-kita niya ang ginawa ng babaeng ito sa kaniya. Napaka-importante ng wallet niya dahil naroon ang mahalagang bagay para sa kaniya. Pero kahit anong pananakot niya sa babae ay hindi pa rin nito umaamin kaya sa subrang galit ng binata ay binuhat niya ang silya kung saan ay nakatali pa rin si Christine at dinala sa likod ng bahay at muling tinali sa ilalim ng puno ng caimito at nilagyan niya ng mga dahon ng tuyong niyog sa paligid ni Christine. Muli siyang pumasok sa loob ng bahay at ilang sandali lang ay muli itong bumalik at bitbit ang isang container na gasolina at kinalat ito ng binata sa paligid ng babae. Pagkatapos ay tinayo nito ang isang kandila at kinabitan niya ito ng puting sinulid patungo sa paanan ng dalaga kung saan ay naroon ang mga tuyong dahon na basang basa ng gasolina. “Do you have any last words?” huling tanong ng binata “Kapag nabuhay akong muli, sisiguruduhin kong luluhod ka sa harap ko at kahit umiyak ka pa ng dugo hinding-hindi kita kakaawaan. Hanggang sa pagtanda mo, pagsisihan mong binangga mo ako,” walang kabuhay-buhay na sagot ni Christine. Gusto naman niya talagang mamatay pero dinala lang siya nito sa hospital kaya naudlot ang kamatayan ng dalaga ngunit ngayon ay marahil ito na ang nakatadhana sa kaniya. Pero kung sumalungat ang tadhana at kumampi sa kaniya ang panahon mangyayari ang mga salitang kaniyang binitawan. Kinibit balikat lamang ito ng bintana dahil batid niyang suntok sa buwan ang pagbabanta ng isang babaeng para sa kaniya ay isang kapirasong papel na madaling punitin at itapon. Tinititigan ng binata ang dalaga na mataman lang nakatitig sa kaniya na binuhay ang lighter at sinindihan ang kandila. Nagsimulang lumiwanag sa pagitan nila dahil sa maliit na sindi ng kandila at sa oras na matupok iyon ay didiretso ito sa sinulid hanggang sa mapunta sa kinaroroonan ng dalaga at magliyab. Permanenteng nakatayo ang binata habang nakatitig sa pobreng dalaga na ngayon ay nakatitig sa papaupos na kandila. Nakapamulsa ang binata habang sinusuri niya ang kabuuan ni Christine. He admits, maganda ang babae. Tuwid ang mahabang buhok at malaki ang hinaharap na kung ibang lalaki ay agad na maakit sa alindog ng dalaga. Nang-aakit ang natural nitong mapulang labi at napakaamo ng mukha at katulad niya ay banaag ang paghihirap sa mga mata ng dalaga. Pero sa likod ng mala-anghel nitong ganda ay ang demonyong nakatago sa likod ng pagkatao nito. Napangisi ang binata dahil kahit na ang babaeng ito pa ang pinakamaganda sa balat ng lupa ay hindi siya maakit rito. Higit sa lahat, hindi siya maawa. Nakalimutan na niya ang salitang awa at pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa kaniya. “Jhon Clayton? What the hell have you done?” Umalingaw-ngaw ang malakas na boses ng lalaki na nangaling sa loob at natuntun sila sa likod ng bahay. “What the f**k are you doing here—“ isang kamao ang tumama sa mukha ni Clayton “f**k you, man!” galit na galit ang lalaki sa naabutan at agad nitong pinatay ang kandila at pinagsisipa ang mga nilagay ang mga dahon na niyog sa paligid ng dalaga pagkatapos ay kinalagan nito si Christine at niyakap nang mahigpit. "Are you okay, Miss? How are you feeling?" tanong ng lalaki pero hindi kumibo si Christine at sa halip ay sinulyapan niya si Clayton sa likod ng lalaki na ngayon ay blanko lamang na natingin sa kanilang dalawa. "I'm Matthew Montenegro, what's your name?" pukaw sa kaniya ni Matthew kaya napalingon na siya sa guwapong lalaki. "Christine. Christine ang pangalan ko," sagot ng dalaga. "Okay, Christine, saan ang bahay mo at ihahatid kita." Papalag sana si Clayton nang dumating pa ang dalawang lalaki at pinigilan ng mga ito ang binata. Nag-usap sila nang masinsinan hanggang sa tumayo si Matthew dahil tumunog ang cellphone nito at pinaki-usap kay Clayton. Biglang ngumiti si Clayton nang makausap ang babae sa cellphone at agad itong tumango-tango. Pagkatapos ay masayang binigay ang cellphone kay Matthew. "I missed her so much..." sambit ni Clayton pero hindi pinansin ni Matthew ang sinabi nito sa halip ay hinawakan niya ang pulsuhan ni Christine at inakay patungong sasakyan. Sa subrang pagod ng dalaga ay agad siyang nakatulog sa byahe hanggang sa nagising siya dahil sa mahinang tapik sa kaniyang balikat. "We're here." Napalinga si Christine at umaga na nang makalabas siya ng sasakyan. Sinalubong sila ng isang matandang babae at hinabilin ni Matthew ang dalaga sa kasambahay. Pinakain at binihisan si Christine ng matanda at pinatulog pa sa malambot na kama. Pakiramdam ni Christine ay isang taon siyang mahimbing na natutulog dahil sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam nang kaginhawaan sa buhay. "Ineng, narito na ang sundo mo." Napakonot ng noo ang dalaga sa sinabi ng matanda. Ano'ng sundo ang pinagsasabi nito dahil wala naman siyang sundo. Hindi na lamang siya nagtanong at lumabas na lang siya ng bahay at agad niyang naiyakap ang kaniyang braso sa kaniyang dibdib nang sinalubong siya nang malakas na hangin na may kasamang mahinang pag-ulan. "He's gone so wala ka nang tagapag-tanggol." Napalingon si Christine sa boses sa kaniyang likod at muling nabuhay ang galit niya sa lalaking si Clayton na naka-cross arms. "Tinay, umuwi na tayo." Halos manlumo si Christine nang tumambad pa ang taong ayaw na niyang makita pa--si Caloy na magara ang kasuotan at katabi nito si Mr. Ching ang matandang lalaki na tinakasan niya sa bar. "Magkasabwat--" "Of course not!" Pinutol ng binata ang sasabihin ni Christine. "Wala akong pakialam sa magulo ninyong buhay. They're here cause they claimed you. Gusto mong umuwi sa asawa mo 'diba? Then so be it..." turan ng binata. "Thank you, Sir Clayton Wang. itong babae babayad sa akin. Malaki kasalanan niya akin. Pera ko kuha nila pero ako hindi pa natikim babae ito!" saad ng matandang intsik kay Clayton na dinuro-duro si Christine. Doon ay napaluha na si Christine at nakaramdam na siya ng takot nang hinawakan siya ni Caloy sa braso at kinaladkad patungo sa nakaabang na van. Ibig sabihin natunton siya ni Caloy at Mr. Ching dahil sa tulong ni Clayton. "Please, tulungan mo ako. Ayokong ibenta ang p********e ko, tulungan mo ako, pinagkakaitan nila ako. Pagod na pagod na ako sa pagmamalupit nila sa akin," humagolhol na ang dalaga habang nagsusumamo sa binata pero blanko lang ang mukha nito. Hindi niya makapa ang salitang awa o sadiyang malalim lang ang sugat sa kaniyang puso para sa mga babaeng katulad ni Christine. He is not the old Jhon Clayton na kilala ng karamihan. He was kind, cheerful and bumble back then pero dahil sa pagiging mabait niya ay madalas siya pa ang kadalasang naiiwan at sinasaktan ng mga babae. Sa tatlong babaeng minahal niya bukod tangi lamang si Arabela na kahit pamilyado na ay hindi niya pa rin makalimutan. Kaya ipinangako niya sa sarili noon na hinding hindi na siya muling maawa pa o ang isugal ang sarili sa babae. At hindi na muling mauulit iyon sa katauhan ni Christine. "The hell I care?" cold na tugon ng binata kaya mas lalong umiyak si Christine at nang sapilitan siyang sinakay sa van ay halos nagsusumigaw siyang makawala at tanging mga luha na lang ang nagawa niya habang nililingon niya ang binata na nakapamulsa lamang at madilim ang mukha. Wala na siyang pag-asa dahil kahit anong gawin niyang pag-takas ay pilit siyang hinihila pabalik sa impyerno niyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD