Hingal na hingal ang dalawa nang matapos sila at eksakto naman na natanaw nila si Rey na tumatakbo patungo sa kanila na bitbit ang mga naglalakihang armas at iilang Granada. “Kumusta ang mga tao, may nasaktan ba? si Nanay Esme at ang bata?” agad na tanong ni Clayton nang makalapit si Rey. “They’re safe. Pinatakbo ko ang mga tao sa bundok bago lumusob ang—f**k you, Clayton! Muntikan akong mamatay habang nakikipaglaban sa mga kaaway tapos ikaw, nagpapakasarap ka? f**k you!” Napayuko si Christine nang halos manginig siya sa malakas na boses ni Rey na bakas ang pagpipigil sa subrang galit. “It’s your job—s**t!” napamura si Clayton at maging si Christine ay hindi inaasahan nang biglang suntokin ni Rey ang pinsan. Hindi lumaban si Clayton at tiningnan niya lang ang dalaga at kumindat lang