Tanghali na nang magising si Christine at pagbangon niya ay napangiwi siya nang sumakit ang kaniyang gitna. Eksakto naman ang pagpasok ni Clayton sa kuwarto nang madatnan niya si Christine na hindi maipinta ang mukha kaya agad niyang nilapitan ito ngunit mabilis siyang iwinaksi ng dalaga. Lihim na nasaktan si Clayton dahil ang buong akala niya ay magiging maayos na ang pakitungo nito sa kaniya pagkatapos ng nangyari kagabi. “Umalis ka sa harap ko, naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!” saad ni Christine at hindi naman nagpumilit si Clayton at tiningnan niya na lang ito na tumayo at naglakad ngunit agad siyang binuhat ng binata nang makita niya na may dugo sa short ng dalaga. Dahil sa pagmura ni Christine nang malakas ay pumasok na rin si Nanay Esme at kasama nito ang ilang kapitbahay. “H