Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Christine ang nangyari sa kinakasama nito o kung nasaan ito. Lumabas siya ng bahay at umupo sa bakuran at nag-isip ng mga plano kung paano masusulusyunan ang kaniyang problema. Hanggang sa narinig ni Clayton ang pag-iyak ni Christine at kahit na naawa siya sa sitwasyon ng dalaga ay wala naman siyang magagawa dahil kapag nilapitan niya ito ay baka mas lalo lang siyang kasuklaman. “Nice place, very relaxing.” Napamulat lang ng mata ang binata nang marinig niya ang boses ni Rey. Tumayo siya at sinalubong niya ito at napangiti siya nang makita si Dalia, ang inaanak ng mommy niya at kalaro niya rin ito noong araw. “Long time no see, how are you?” lumapit ang babae sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit kaya gumanti rin siya pagkatapos ay hinampas s