Chapter 8 - New Environment

2438 Words
8 years ago (2031) Makalipas ng isang taon, maraming nangyari sa buhay ko mas naging pokus ako sa pag-aaral ko kaysa sa pagiging teen actor. Naging outcome ng ginawa ko at naghanap ang magulang ko ng school para sa akin hindi nila ako pinilit na mag-enroll sa school ni ate pero mas gusto ko dun kaysa sa ibang school protective brother ako. "Malapit ka na magtapos, anak congrats, anong regalo ang gusto mo ngayon?" tanong ni mommy sa akin marami na akong gamit sa kwarto at sa attic namin. "Mom, ibibigay ko sa charity ang gamit ko na hindi ko napapakinabangan, pwede ba? Ang maiiwan lang ang sentimental value pa sa akin." sabi ko sa mommy ko nang tumingin ako. Naghahanda ang school ng engrandeng graduation ball kasama akong pupunta kasama syempre ang ate ko busy ang magulang ko nung araw na 'yon kailangan ko ng kasayaw. "Sige, saang charity mo ba ibibigay?" tanong ni mommy sa akin nang tignan naman ako. "Sa school kung saan ako magtatapos at sa mga pamilyang hikhos sa hirap." kaagad kong sagot mommy ko at tumayo na ako sa inuupuan ko. Nagpaalam na ako na pupunta sa practice nang graduation ng school at sinamahan na lang ako ng bodyguard namin. Nang makarating ako sa school nagtanong kung saan ang practice para sa graduation nakilala ako ng security guard at pinakita ko ang school ID ko bago kami pumasok. "Ang gwapo naman niya in person hindi chismis ang balita sa atin schoolmate natin ang sikat na si Allen Dalton," narinig kong sabi ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Nagtanong ako kung saan ang pwesto sa section na ito at tinuro sa akin kung saan naiwan ang bodyguard ko at nagpunta ako sa pila tahimik lang ako nagsasalita lang sa tuwing may lalapit sa akin o magpapa-picture nagsimula na ang practice hindi man ako kasali sa binibigyan ng medal/honor masaya na ako na graduate sa school alam ng magulang ko 'yon. "Ang bait mo naman, Allen at kamukha ang mommy mo." bungad ng principal sa akin nang matapos ang practice. "Idol ko ang magulang mo, hijo hanga ako sa talento nyo saka, kahit nagkaroon noon third party sa magulang mo nalampasan nila 'yon." pahayag naman ng teacher sinaway siya nang katabi nito. "Ang daldal mo, sir normal naman 'yon noon saka tignan mo sila rin ang nagka-tuluyan, at nandito sa harap natin ang kanilang gwapong anak." sagot ng teacher ngumiti na lang ako pamilyar ako sa sinasabi nila sa harap ko pero matagal nang nangyari 'yon. Nagpa-picture sa akin ang ilang teacher at lumapit ang isa nagturo sa akin. "Dalawang taon din kita tinuruan kahit busy ka sa career mo," sabi ng tutor teacher sa akin nakatayo lang ako sa gilid. "Maraming salamat, sir," nakangiti kong sabi sa teacher ko. Umalis na ako kasama ang bodyguard may humabol pang magpa-picture sa akin naglakad na ako nang mabilis at sumakay sa van namin na huminto sa entrance. Sumunod sa akin ang bodyguard ko at nagpunta na kami sa hamman network. Naka-graduate na ako kasama ang mga estudyante home schooling masaya ako ngayon. "Graduate na ang bunso ko binata na ang baby ko," sabi ni mommy sa akin at niyakap ako nang mahigpit pinagka-guluhan kami ng mga tao dahil sa amin. Kaagad akong lumayo sa mommy ko nang mapansin kong pinapanood kami at kinukuhanan ng picture. "Mommy, nakakahiya sa mga kapwa ko graduating pinag-titinginan na tayo," pahayag ko na lang sa mommy ko binati ako ng mga schoolmates ko. "Hay naku, huwag mo sila pansinin may celebrasyon tayo sa bahay pupunta ang ninongs at ninangs mo," sagot ni mommy sa akin at may nagpa-picture sa mommy ko. "Graduates, ibalik nyo na sa teacher nyo ang toga," sabi ng principal sa amin kaya inalis ki kaagad at tinulungan ako ni daddy. "Opo!" sigaw naman ng lahat sa principal hinaharangan kami ng bodyguard namin nang mahubad ko na inayos ko ang buhok ko. "Hintayin ka namin sa van, anak." banggit ni daddy sa akin nang palabas na sila nang event hall. "Opo, dad," sabi ko. Iniwan nila ako kasama ang iba pang kapwa estudyante. Sumunod sa kanila ang ate ko na pinagka-guluhan na rin ng mga tao hinarangan lalo sila ng mga bodyguard namin. "Anong gagawin mo ngayong graduate ka na?" tanong ng schoolmate ko sa akin nang ilapag ko ang toga sa ibabaw ng mesa. Napalingon ako sa kanilang dalawa at natawa na lang ako. "Baka mag-showbiz artista siya ang pamilya niya," sabi ng katabi nito. "Hihinto ako sa showbiz para ipagpatuloy sa regular school ang pag-aaral ko," sagot ko naman sa kanilang dalawa nang humarap ako. "Sayang sikat ka na tapos malalaos," sagot nito sa akin umiling ako sa sinabi niya. "Malalaos man ako sa showbiz may natutunan naman ako," bulalas ko at sumama na ako sa yaya ko na pinuntahan ako tinatawag na ako nang pamilya ko. Sinalubong ako ng maraming yakap nang magulat ako ng umuwi na kami sa bahay namin. "Congratulation, bff!" nakangiting sabi ni Axelle sa akin at niyakap ako. "Thank you, bff." sabi ko na lang at tumugon ako sa yakap. "Kainan na," sigaw ni ninong sa aming lahat. "Congrats, Allen!" nakangiting bungad ni Clarkson. "Thank you, Clarkson." sagot ko na lang. 'Congratulation, Allen Thunder Dalton' Minasdan ko ang tarpaulin na nakasabit sa may gitna ng visiting area. If only you were here, I would be even happier, you must have graduated by now. Nagkasiyahan ang lahat sa visiting area habang nakatingin pa rin ako sa tarpaulin. "Handa ka na sa panibagong yugto ng buhay mo ngayon tapos na ang kontrata at graduation mo," bungad ni ninong sa tabi ko at inakbayan ako sa balikat. "May konting 'nervous' sa dibdib ko pero, normal lang ito sa akin dahil mamumuhay ako bilang ordinaryo," sabi ko sa ninong ko. "Nabanggit ko iyan noon sa mommy mo, hindi ko alam na gagawin niya kaagad dahil alam kong pinoprotektahan kayo ng magulang mo." banggit ni ninong sa akin napatingala na lang ako. "Baka natatakot siya may mangyari sa dalawa niyang anak alam natin hindi pa nahuhuli si Sam," nasabi ni ninang sa tabi namin dahilan para magtanong ako. "Who is he, ninang?" pagtatanong ko. "Nothing, inaanak." sagot ni ninang at alam kong may hindi sila sinasabi sa aming dalawa ni ate. Sinundan ko na lang silang mag-asawa nang umalis sa tabi ko tinawag naman ako ng lolo at lola ko. "Congrats, apo." sabi ni lola sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko. "Thank you, gramdma," masaya kong sagot at may inabot sa akin si lolo. "Buksan mo 'yan kapag nasa tamang edad ka na." pahayag ni lolo sa akin napatingin tuloy ako sa box na hawak ko napa-isip ako sa sinabi nila sa akin. Hindi na lang ako nag-react at kumain na kaming lahat nagkaroon ng kaunting palaro. Nang matapos nagpaalam na ako magpapahinga. Napalingon pa ako nang kausap ni mommy ang mga kaibigan niya. "Dito na kayo mag-stay," aya ni mommy sa ninang ko napatingin na lang ako. "Hindi pwede may gagawin pa kami ni king ko eh," biro ni ninang sa mommy ko. "Bumalik na kasi ang panganay nyo alam ko at naiintindihan ko kayo," sabi ni mommy sa ninang ko nawala nang ilang taon si ate Elle kaya ganyan ang ninang at ninong ko. "Ako maiiwan kasi may taping ako kasama si ate Andreann eh," sabat ni Axelle. "Ingat kayo," narinig kong sabi ni daddy sa dalawang kaibigan niya. "Okay, bye congrats again inaanak!" bulalas ni ninang nang makita ako. "Thank you, ingat po kayo, 'nang!" sagot ko kumaway na lang ako sa ninong at ninang ko. Hinalikan nila sa pisngi ang bunsong anak at nadamay pa kami ni ate bago bumeso sa magulang ko. Hinatid sila sa gate kung saan nakaparada ang kotse ng ninang at ninong ko. Umakyat na rin kami sa kanilang kwarto para magpahinga may taping pa kami na gagawin at mag-summer class ako sa isang school malapit sa dating bahay ng lolo at lola ko. Nagpa-gupit ako nang buhok at ang ate ko bago kami pumasok sa High National School. "Ate, saan ang Junior High School building?" tanong ko sa ate ko nang nakasunod lang ako sa kanya. "Tara, samahan muna kita bago kami magkita ng—" putol ni ate nang magsalita inasar ko siya kay kuya Jin. "Oo na, parang kayo na nga eh halata ko kayo sasabihin ko 'yon kina mommy at daddy." pang-aasar ko sa ate ko masaya ako para sa kanilang dalawa huwag ko lang makikitang sasaktan at iiyak ito. "Hindi pa kami bawal pa sinabi ko na 'yon kay mommy at daddy," pahayag ni ate sa akin nang tignan niya ako. "Bakit hindi tayo pinagkaka-guluhan?" pagtataka ko sa dumaang estudyante sa tabi namin. "Dahil ang lahat ng estudyante dito, bro puro artista at mayayamang anak lang," nasabi ni ate tumingin naman ako sa buong paligid tama ang sinabi ni ate. "Ibig sabihin walang mahirap na nag-aaral dito?" pagtatanong ko naman at hinayaan ko na akbayan ako. "Meron naman, bro tumatangkad ka na sa akin ah ngayon ko lang napansin wag ka maging babaero dito." puna ni ate sa akin ngumiti lang ako. "Ako pa ba, ate?" baling nasabi ko kay ate napangisi na lang siya sa akin. "Oo," sagot ni ate at lumapit kaming dalawa sa may white board at pinindot ang screen para lumabas ang schedule namin. "High-Tech na ang lahat dati sinusulat pa natin," pansin ko na lang sa technology nasa harap ko. "Sa bagong gawang building ka pupunta oh saglit may pipindutin lang ako may kukunin tayong map at sundin mo ang nakalagay," banggit ni ate sa akin at may pinindot ulit siya may lumabas na map na maliit. "Nakuha ko na, ate inwanan mo na ako ate," bulong ko. "Sigurado ka?" paninigurado ni ate sa akin at tumango ako. "Oo, ate," sabi ko. Iniwan na ako ni ate at tumingin ako sa buong paligid ng school. Bagong yugto sa buhay ko! Naglakad ako at tinitignan ang direksyon na tinuturo ng map na hawak ko. Hindi ako nakatingin sa daan nang may makabangga ako ng isang tao. "I'm sorry, miss," pahayag ko sa babae nang makita ko ito. "You look in your path," nasabi na lang sa akin nang babae tumingala ito sa akin. Sorry, I wasn't looking at the road because I was looking at the map I was holding." banggit ko at pinakita ang hawak ko. "Are you a new student?" pagtatanong ng babae sa akin at tumango na lang ako bumilis bigla ang t***k ng puso ko. "Yes, I'm a new student here, I'm sorry again," sabi ko. "Turns out we're the same, I'm from a different school." nasagot naman ng babae sa akin. "Oh, may I ask a question?" pagtatanong ko. "What is that? What do you ask?" tanong ng babae sa akin nang tignan niya ako. "Do you know this building?" pagtatanong ko pinakita ang map sa babae. "No, we are going in the same direction." sagot ng babae sa akin napatingin ako sa hawak niyang mapa. "All the same, let's go together in the direction we're going," sabi ko at tumingin sa babae. "I have a friend with me, can we wait?" pagtatanong naman ng babae sa akin napa-isip na lang ako saka tumango hindi pa rin tumitigil ang t***k ng puso ko sa pag-tambol. "Alright, let's wait." sabi ko na lang. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pinilig ko na lang ang ulo ko. "Just wait for my friend in the building we are going to." banggit naman ng babae sa akin. May dumating na babae sa pwesto namin at napakunot ng noo ko nang matitigan ang babaeng dumating si Yeona? "Friend, si—" pagpapakilala ng kasama kong babae nang magsalita ako. "Allen Thunder Dalton call me Allen," pagpapakilala ko sa sarili tumitig lang ako sa dumating sa harap namin. "Are you celebrity?" gulat natanong ng babae nang marinig ang sinabi ko. "Yes, I'm a celebrity," sabi ko. "I'm Mariella Christin Zandovar and this my friend Eula Marie Garcia," sabi nito nangangalang Mariella. "Ehh—nevermind let's go?" sagot ko akala ko si Yeona. Naglakad na kaming tatlo sa direksyon na tinuturo ng mapa sa amin nang dumating kami may klase na kami naabutan. Magkatabing room lang kami at pumasok ako sa loob agad na nagkagulo ang lahat ng estudyante nang makilala ako. "I'm Allen Dalton, 11 years old former celebrity because to continue my studies." pakilala ko sa magiging classmates ko. Tinuro ng mga babae ang bakanteng upuan sa kanilang likuran. Hindi ako dun pumunta ako sa tabi ng isang nerdy boy tumabi, at nabigla ito nang may tumabi sa kanya. Ngumiti na lang ako sa nerdy boy bago nakinig na sa klase namin. Hindi ako naawa sa kanya wala siyang katabi kundi gusto ko siyang maging kaibigan alam kong may tinatago siya sa sarili niya at ayaw niya lang ilabas. Nag-discuss ang guro namin nakikinig ako at hindi pinapansin ang mga babaeng nag-sisigawan kahit sinasaway na nang guro namin. Hanggang sa matapos ang unang klase at nag-labasan na ang lahat estudyante maliban sa mga babae at sa akin pati sa nerdy boy. "Handa ka ba?" tanong ko na lang sa nerdy boy. Pagtatakang tanong nito at napa-huh na lang ito sa akin nang balingan niya ako ng tingin. "Run!" sabi ko. Tumakbo kaming dalawa palabas ng room at nagulat pa nandun ang dalawang babae na nakilala ko kanina. Napapailing ang dalawang babae sa amin at umalis na kami pumunta kaming dalawa sa field. Bumili ng pagkain si Eula at nerdy boy sa canteen naiwan kaming dalawa ni Mariella. Kahit marami akong nakilalang kaibigan ikaw ang esspesyal para sa aking puso namiss ko siya. Naghintay kaming dalawa sa dalawang kasama pa namin nasa canteen. "Can I be your friend?" tanong ni Mariella sa akin nabaling naman ako ng tingin sa kanya ito siguro ang simula ng pagkakaroon ko ng mga kaibigan. "Yes, you can be friends with me and both of them," sabi ko tinukoy ko ang dalawa pa naming kasama. "Nandito na kami," bungad ni Eula sa harap namin. "Ang hirap niya kasama ang daming biniling pagkain 20 minutes lang ang break time natin," sumbong ng kasama nito sa amin. "Haha! Ganyan talaga siya hindi halata sa kanya na patay gutom ang babaeng 'yan," sabat ni Mariella. "Tse! Sinisiraan mo pa ako!" sabat naman ni Eula. "Haha! Totoo naman eh!" sagot ni Mariella sa kaibigan niya. "Anong pangalan mo?" tanong ko sa seatmate ko. "Xiero Quenta silent Z ang Xie ko as in Zero," pakilala ni Xiero sa amin. "Xiero, ilan taon ka na?" tanong Mariella. "10 years old ako, accerelate ako ng isang taon," sagot ni Xiero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD