Parang ang bilis ng panahon noong nakaraan lang nag-eenroll ako sa school para mag-aral. Sa nakalipas na taon naging normal ang pamumuhay namin ni ate kahit busy kami hindi naman nawawalan ng communication.
Hindi natuloy ang pag-transfer ni ate dito sa Pilipinas kaya tinapos na lang niya sa Australia ang pag-aaral niya. Nagbibihis na ako para sa graduation ceremony namin nang bumukas ang pintuan at may nagsalita sa likuran ko napalingon tuloy ako.
"Handa ka na?" pagtatanong ni ninong sa akin nakita kong naka-sandal lang siya sa may gilid ng pintuan.
Nilapitan naman niya ako at tinulungan ayusin ang kwelyo ng suot ko.
"Kinakabahan ako, ninong pero masaya." pag-amin ko naman sa ninong ko matangkad kaming dalawa kaya halos magka-pantay lang kaming dalawa.
"Mabuti, hahabol na lang ang mga kinakapatid mo sa restaurant," banggit ni ninong sa akin tumango ako para ko nang tunay na kapatid sina ate Elle at Axelle.
"Salamat sa pag-aaruga sa akin ang laki ng utang na loob namin sa inyo, ninong." naluluha kong bulalas sa ninong ko sila na ang naging pangalawang magulang namin ni ate mula ng mamatay ang magulang namin.
Kahit wala na ako sa kanila pagkatapos ko mag-aral babalikan ko pa rin ang kinagisnan kong pamilya. Lilipat na ako ng tirahan pagkatapos nito at babalik na ako sa showbiz sa nakalipas na hiatus ang status ko sa industriyang kinalakihan ko.
"Ano ka ba wala 'yon pangalawa ka sa bunso namin kaya proud kami ng asawa ko sa'yong nakamit," sagot ni ninong sa akin ngumiti na lang ako.
Lumabas na kaming dalawa sa kwarto sinalubong naman ako ng yakap ni ninang nang makita kami na bumaba mula sa pangalawang palapag.
"Umalis na tayo mahuhuli pa tayo sa graduation mo, hijo kung nandito lang ang magulang mo at kapatid mo panigurado proud sila sa'yo ngayon," naka-ngiting bungad ni ninang sa akin.
Umalis na kami sa bahay at nagpunta na kaming lahat sa event ng graduation ko. Nakita ko ang kapatid sa gilid at naiiyak na tumitig lang tinupad ni ate na makadalo sa graduation ko kahit alam kong busy na siya ngayon. Lumapit kami para ma-alalayan napangiti si ate at si kuya Jin sa mga taong tumingin sa kanila nagulat pa ako sa kanilang pagdating.
"Congrats, Allen." bungad ni kuya Jin sa akin nakipag-fist bump pa ako masaya ako na hindi ito nagsawa na mahalin si ate nakikita ko sa kanila ang pagmamahalan.
Ngumiti lang ako sa kanila at niyakap ko si ate nang umusog si kuya Jin.
"Ate, namiss kita." banggit ko at yumakap ako nang mahigpit nagiging kahawig niya si mommy habang tumatanda hindi katulad noon na halos mixed ang mukha mula kay daddy at mommy.
Tumugon naman ng yakap sa akin si ate kahit maliit siya ang height niya 5"4 height kumpara sa akin 5"11 ang height ko.
"Namiss kita, Allen mas matangkad ka pa kay dad nung nabubuhay pa siya," banggit ni ate namiss ko tuloy ang magulang namin kahit sabihin nila huwag ko nang isipin kung sino ang kriminal na pumatay sa kanila hindi ko pa rin maiwasan.
Walang matinong ebidensiya para mapatunayan kung sino ang kriminal na gumawa ng pag-patay sa magulang ko—ten years na ang nakalipas!
Ngumiti na lang ako ng mapait sa harapan ni ate bago ako magsalita hinawakan ako sa balikat ni ninong at nakatingin lang sa amin ang mga kasama namin.
"Namiss ko na sila, ate madalang ako dumalaw sa puntod nila." bulalas ko na lang kay ate at lumayo na siya nang pagkaka-yakap sa akin.
"Dalawin natin sina mommy at daddy ipakita mo sa kanila ang mga parangal na natanggap mo habang nag-aaral," pahayag ni ate at pumayag kaagad ako ngayon lang ulit kami makaka-dalaw sa puntod ng magulang namin na magkasama.
Sasama sa amin sina ninong at ninang para muling madalaw ang magulang namin. Dahil busy sila sa trabaho madalang namin sila bisitahin at mas focus ako sa pag-aaral pero, nag-celebrate pa rin namin ni ate ang birthday, death anniversary nila.
Lumakad na kami mga mag-graduate nagpunta na kami sa stage para kunin ang certificate. Naiwan sa ibaba ng stage si kuya Jin na nakatingin sa amin. Kasama niya ang ate ko pati ang ninong at ninang dahil sila ang guardian ko.
"I'm proud of you, bro! Naging magna c*m laude ka," bati sa akin ni ate nag-speech pa ako sa stage bago ako bumaba para salubungin ng yakap ang ate ko.
Tinapos namin ang ceremony ng graduation makalipas ng ilang oras.
"Kailan ka ba babalik sa showbiz, bro? May balak ka ba maghanap ng work outside your passion?" tanong ni ate sa akin nang magka-tinginan kaming dalawa.
"Both," banggit ko na lang sa ate ko alam niya na may girlfriend na ako hindi man sila close nirerespeto ni ate ang damdamin ko katulad nang pag-respeto ko sa relasyon nila ni kuya Jin.
"Huwag ka lang maging pasaway ulit, bro wala na sina mommy at daddy na tutulong sa akin para masaway ka." sabi sa akin at naglakad na kaming lahat may humarang sa amin para magpa-picture.
Hinayaan lang muna namin ang mga tao na magpa-picture pero, hindi kami dudumugin ng sobra kasama pa rin namin ang mga bodyguard naka-abang sa may gilid naiintindihan namin ang excitement ng ilang tao doon. Madalang pa sila maka-lapit sa mga artista na katulad nito inawat na lang sila ng principal at ibang guro na nandoon nang magsabi si ate na may pupuntahan pa kaming lahat.
"Ate naman, ang bait ko at nagbago na ako saka may girlfriend na ako si Mariella." sagot ko na lang nang tanungin ako ulit habang naglalakad kami palabas ng CCP kung saan ginanap ang graduation namin.
"Sinasabi ko lang sa'yo," sabi ni ate sa akin.
"Aba! Ako nga sa edad na 'yan nanliligaw ako noon ikaw girlfriend mo na FOREVER na ba 'yan?" banggit ni kuya Jin sigurado na ako na si Mariella ang habangbuhay ko.
Tinignan nila akong lahat dahil may isa akong salita.
"Oo," sagot ko sa kanila pero, nabaling naman ang tingin ko sa ate ko nang magsalita ito bigla.
"Wag ka magsalita ng tapos, Allen baka bumalik siya at magkita kayong dalawa," bulalas ni ate sa akin hindi madaling kalimutan ang panandalian na saya naramdaman ko nang makilala ko si Yeona.
Pero, kailangan kong mag-move on para sa hinaharap ko at mangyayari sa buhay ko.
"Siya ang nang-iwan sa aming dalawa noon at hindi ako wala na akong balita sa kanya baka nga, may bago na silang buhay ngayon sa Korea." pahayag ko na lang sa ate ko hindi pa rin niya nakakalimutan ang batang babae na isang beses niya lang nakita nang ihatid ako noon ng pamilya ni Yeona nung nag-layas ako.
"May dahilan ang pag-alis nila dito sa Korea at hindi natin alam 'yon sa nakalipas na taon, parehas na kayong busy sa buhay at magka-edad lang kayo kaya siguradong may iba na siyang ginagawa ang sinasabi ko lang posibleng mangyari maliit ang mundo," sabi ni ate sa akin lahat sa amin natahimik sa sinabi niya.
Lahat kami napalingon nang marinig ang boses ng babaeng nagpa-t***k sa puso ko ngumiti na lang ako binalewala ang binanggit ni ate sa aming harapan.
"Hi, baby oh..hello ate Andrea at kuya Jin." bsti ni Mariella at gumalang siya kina ninong at ninang na ngumiti lang.
"Si Mariella Zandovar girlfriend ko, ate baby si Andreann Dalton O Andrea Smith mas kilala sa showbiz aalis na ba kayo?" banggit ko na lang hindi ko sila formal na pina-kilala sa bawat isa dahil madalas nagkala-salisi sila.
"Oo, sa ibang bansa na ako mag-work mamiss kita may internet naman na dun tayo mag-usap." sabi ni Mariella pinadala ito ng daddy nito sa ibang bansa hindi naman ako kumontra makabago na ang technology ngayon pwede na kami mag-usap thru social media.
Nag-picture kaming lahat bago umalis graduation event kinawayan ako ng magulang ni Mariella nang pa-alis na sila binati nila ako tungkol sa pagiging magna c*m laude ko. Nagpunta naman kami ng pamilya ko sa isang restaurant at doon nag-celebrate ng graduation dumating din ang mga kinakapatid kou kasama ang apo na si Ashley. Maraming nangyari sa taon na ito pero, nalampasan ng pamilya namin pag-subok hindi madali ang lahat hindi namin kailangan sumuko kaagad.