Hindi naging masaya ang graduation ko dahil sa pagkamatay ng magulang ko kahit kasama ko si ate hindi ko pa rin matanggap na namatay ang magulang namin na biglaan ang pag-uwi nang dahil sa pagkamatay ng magulang namin.
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mariella.
"Congratulation, Allen." bati ni Mariella sa akin at ngumiti na lang ako nang pilit katabi ko si ate na tahimik lang dapat kasama namin si kuya Jin kaso, may concert tour ito sa ibang bansa.
Naka-burol ngayon ang magulang namin sa Theatre ng hamman network kung saan sila nag-kakilala. Ayoko sana dumalo sa graduation dahil ang sakit para sa akin na hindi namin sila kasama ni ate sa seremonya.
"Congrats, Allen may honor ka!" bati naman sa akin ni Xiero nasa tabi niya si Eula.
"May honor nga may hindi magandang nangyari sa aming pamilya masaya sana kung kumpleto kami," pranka kong sagot sa dalawang kaibigan ko.
Lumingon ako nang may tumapik sa balikat ko tinignan ako sa mata ni ate at tumahimik ako parehas ang nararamdaman namin ngayon. Wala kaming magawa dahil ini-imbestigashan pa ng mga pulis ang nangyaring pagkamatay ng magulang namin. Inaalam kung may naka-alitan ba ang magulang namin walang nagsasalita sa mga kaibigan nina daddy at mommy pero, kinausap sila nang pribado ng mga pulis.
Mababait ang magulang namin kaya, sino ang gumawa nito sa kanila. Wala na ang grandparents namin pati sila namatay na rin inakbayan ako ni ate nagsalita naman si Mariella.
"Nandyan lang sa tabi nyo ang mommy at daddy nyo," bulalas sa amin ni Mariella hinawakan nito ang kamay ko na dahilan para tumingin ako sa kanya.
"Mauna na kami sa inyo at uuwi kung gusto nyo pumunta sa bahay welcome kayo," sabat ni ate sa mga kaibigan ko tinanong ako ni ate kung sasama ba ako sa kanya sa Australia.
Ayokong umalis ng Pilipinas nang hindi ko nalalaman kung sino ang pumatay sa magulang namin. Dito ako mag-aaral nang college at hindi sa Australia naiintindihan ako ni ate dadalawin na lang niya ako tuwing may oras siya.
"Baka bukas na lang po kami pupunta may konting handa sa bahay," sabi naman ni Mariella kay ate nang bitawan niya ang kamay ko.
"Ganun din kami, ate text na lang namin si Allen kapag pupunta kami sa inyo," sabat ni Xiero.
Nakita ko na minasdan nila ako hindi pa nila ako lubusan na kilala kaya ganito silang tatlo sa akin.
"Sige," sagot ni ate sa kanila bumulong ito at tumango na lang ako dapat sa mansyon namin ibuburol ang magulang namin pero, sa amin pinag-desisyon kung saan ilalagay ang mga labi nang magulang namin.
"Opo, ate." nasabi na lang ni Mariella at tumitig ito sa akin.
Binalik ko ang suot na toga sa teacher na naka-assign na maghawak sa lahat at lumabas na kami ng school maraming media ang gustong lumapit sa aming magkapatid dahil sa pagkamatay nang magulang namin. Maraming bodyguards ang humarang para hindi kami dumugin ng mga tao at reporter na gusto kami tanungin.
"Totoo ba na may kaaway ang magulang nyo?" pagtatanong ng reporter sa amin tinatago ako ni ate sa may dibdib niya.
"Sino ang bumaril sa inyong magulang?" sigaw ng reporter na hindi ko nakilala.
"May suspect na ba kayo sa pagkamatay ng magulang nyo?" rinig namin na pagtatanong ng reporter sa amin ni ate sinisigawan sila ng mga bodyguard na kasama namin.
"Padaanin nyo kami, guard!" sigaw ng manager ng mga magulang namin at hinaharangan ang mga reporter at iba pa na gustong kumausap sa amin ni ate Andrea.
"Ate, sa Manila Memorial Park Parañaque ililibing sila mommy at daddy, pwede ba na dito ko ituloy ang pag-aaral ko?" sabi ko pa rin sa ate ko nang pabulong.
"Anong kukunin mo?" tanong ni ate sa akin dalawang kurso ang balak kong kunin.
"Mass Communication ang kukunin ko, ate." sagot ko.
"Hindi na tungkol sa kotse o director?" banggit ni ate sa akin alam nila ang gusto ko talaga ay,
Bachelors in Filmmaking...I want to be a director someday maliban sa pagiging actor ko sa industry.
"Hindi na, ate sa UP Diliman ako mag-aaral may bahay tayo sa Quezon City, dun muna ako titira kasama sila nanny." sagot ko.
"Tatapusin ko ang sem ko sa Australia at mag-move din ako sa UP Diliman," banggit ni ate hindi ako umangal dahil wala naman akong magagawa sa desisyon niya.
Mas gusto ko pa nga 'yon dahil alam ko ang nagaganap sa kanya at alam ko na ganun din si ate sa akin.
Hindi kami makalakad ng maayos ni ate papunta sa van namin. Nang nakalabas na kaming dalawa ng school mabilis na sumakay kami sa van kasama ang dalawang manager at ang nanny namin.
"Sa wakas nakawala din tayo sa media," bulalas ng manager namin.
"Sinabi mo pa, sa palagay mo sino ang may gawa nito sa kanila?" banggit ng manager namin.
"Wala akong maisip napakabait nilang dalawa sa mga tao," sagot ng manager at hindi ko maiwasang makinig sa kaniang pinag-uusapan.
"Wala na tayong balita sa ex ng mommy nila imposible siya ang may gawa nun bigla siyang lumayo nang malaman niyang nagpakasal na sina Drei at Alenah," sagot naman ng manager ni mommy walang nagsalita sa kanila.
"Ex ni mommy, sino naman tito at tita?" sabat ko naman at hindi ko na naiwasan.
"Who is he?" pagtatanong ni ate sa kanila curious din pala siya.
"'Yong ex-fiance ng mommy nyo muntik nang mamatay noon ang daddy nyo dahil sa kanya hindi niya matanggap na wala na sa kanya ang mommy nyo," paliwanag ng manager ni daddy sa amin.
"Nasaan na siya, ninong?" tanong ni ate sa kanila.
"Ewan ko, mula noon wala na kaming balita sa kanya," sabay nilang sagot sa amin, sino 'yon?
"Wag na natin 'yon pag-usapan matagal na 'yon wag na natin balikan," sagot ng manager ni mommy sa amin may koneksyon kaya ito sa pagkamatay sa magulang namin?
"Bakit naman? Ninang, gusto namin malaman ang koneksyon ng ex ni mommy sa kanila." pagtatanong ko sa dalawang manager nasa harapan namin.
"Secret 'yon, kaya nga hindi sinabi sa inyo ng mommy at daddy nyo ang tungkol dun dahil ayaw nila muling ibalik ang nakaraan." banggit ng manager ni mommy sa amin nabaling ang tingin ko sa manager ni daddy.
"Ang pulis na ang mag-imbestiga tungkol sa nangyari sa magulang nyo at wag nyo na kami kulitin pa malapit na tayo sa bahay nyo," sabat ng manager ni daddy.
Bakit nga ba at sino ba ang bumaril sa magulang ko?
Nang dumating kami sa network maraming nag-aabang sa entrance hindi kami dumeretso sa mansyon. Tuwing gabi lang pwede pumasok ang mga fans at makita ang magulang ko dahil kailangan pa rin ng private sa buhay.
"Ninang Alexie," tawag ko sa ninang ko nang makita ko ito tumakbo ako para may mayakap ako na kakilala namin.
"Tahan na, nandyan sila sa tabi nyo ng ate mo binabantayan kayo mahal na mahal kayo." alo ni ninang Alexie sa akin nang tumugon ito sa yakap.
"N—inang—" umiiyak kong tawag na habang yakap ko ito.
Lumapit na rin si ate sa amin at yumakap sa bandang gilid ni ninang Alexie.
"Nasaan ang boyfriend mo?" bungad ni ninong Emman sa ate ko alam nila na may boyfriend ito hindi lingid sa kanila ang tungkol sa pribadong buhay.
"May concert tour siyang ginagawa sa school namin sa Australia gusto niyang sumunod umayaw lang ako dahil may pasok pa sa school pa dun pinayagan lang ako dahil nalaman nila namatay ang magulang namin, ninong." paliwanag ni ate sa ninong Emman namin para na silang pangalawang magulang namin.
"Halika nga dito, ako ang yayakap sa'yo," tugon ni ninong Emman sa ate ko at lumapit naman si ate para yumakap.
May nagsalita sa likuran namin at nang makilala nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.
"Nakakamiss ang boses ni ninang," sagot sa amin ni Axelle at bumitaw ako sa pagkaka-yakap kay ninang Alexie.
"Huling usap namin noong binigyan niya ako ng advice tungkol sa asawa ko," bungad ni ate Elle na umiiyak habang hawak sa kabilang kamay ang anak nito.
Lumapit naman sa akin si ate at inakbayan ako sa balikat ko.
"Sa palagay ko masaya na sila sa nakamit mo, bro." bulong ni ate na umiiyak habang nakatingin sa dalawang kabaong naka-himlay.
Umiyak ako nang umiyak naka-yakap ako sa baywang ni ate nang humarap ako sa kanya hindi ako masaya na dapat masaya kami ngayon dahil nakatapos ako nang pag-aaral pero hindi ko 'yon naramdaman.
"Malalaman din natin kung sino ang suspect sa pagpatay sa kanila, Allen sa ngayon hindi pa." banggit ni ate sa akin.
Mag-hihiganti ako kapag na sa tamang edad na ako hahanapin ko ang pumatay sa inyo. Habang nakatingin ako sa dalawang kabaong kung saan nakahiga ang magulang namin.
After 3 days, habang nililibing ang magulang namin sa huling hantungan nila umiiyak naman kami ni ate sa kanilang harapan nasa tabi namin ang aampon sa amin na sina ninong Emman at ninang Alexie na mas malapit na kaibigan ng magulang namin sa kanila kami pinagka-tiwala ng DSWD.
"Mommmyyyyy...." tawag ni ate sa mommy namin habang nililibing sa pinatayong museum ng ninong at ninang namin para sa kanila.
"Daddddyyy mooommmmmmyyyyy," humagulgol kong tawag sa magulang namin habang binababa sa sahig ng museum ang dalawang kabaong kung nasaan ang magulang namin.
"Kawawa silang dalawa wala na silang lolo at lola, sino na ang mag-aalaga sa kanila?" narinig namin na pinag-uusapan ng mga taong nakikiramay sa pamilya namin.
"Wala silang kamag-anak," sabi ng narinig namin sa likod.
"Sino ang mag-aalaga sa kanila?" rinig namin na pag-uusap naramdaman kong may tumakip sa dalawang tenga ko.
Hindi namin pinansin ni ate ang naririmig namin. Sa bahay ng ninang Alexie at ninong Emman muna kami makiki-tira hanggang sa mag-graduate kami ni ate ng college.
"Ninong, thank you sa lahat babalik na po ako sa pag-aartista kapag nakapagtapos na ako sa college para hindi ako maging abala sa inyo," panimula ko sa ninang at ninong ko.
"Hindi ka kayo naging abala sa amin ng ate mo," tugon ni ninong Emman sa amin at umalis na sila sa Manila Memorial Park Parañaque.
Nagpaalam na sila kasama ang mga kinakapatid namin.
"Thank you, ninang." sabi na lang ni ate sa kanila.
Umuwi na kaming lahat sa mansyon at kinuha ang gamit namin naiiyak na tumingin kami ni ate sa buong paligid ng mansyon namin. Bago umalis at sumama sa ninang Alexie at ninong Emman kahit malungkot nag-selfie kami ni ate kasama ang mansyon kung saan may alaala ang magulang namin. Hindi namin ipapa-benta ang mansyon kundi isasara lang babalik kami ni ate sa mansyon kapag kaya namin bumalik.
-
Sa Busan, South Korea, nasa restaurant kami nang magulang ko dekada na ang huling nagkasama kami nang buo may sarili na silang buhay.
"Chughahaeyo, yeon-animgwa dangsin-eun jol-eobhaeseo saeloun salm-eul salge doel geoyeyo." bati ni appa sa akin kung anong meron sa amin ng pamilya ko—ewan ko.
(Congratulations, Yeona and you will graduate to the new life you will have.) ( Daddy)
"Gomawoyo, appaneun nae kkum-eul ilugi wihae yeolsimhi gongbuhaeseo seoul-eseo doglibhal geoyeyo." sagot ko na lang kay appa.
(Thanks, dad will study hard to achieve my dreams become independent in Seoul.) (Dad)
Nang magsasalita ulit ako inunahan naman ako ni daddy.
(Appa)
"Neohui eommawa naega seonmul-eul jwossneunde, imi sigdang bakk-e iss-eoss-eo." sagot ni daddy sa akin kumunot ang noo ko sa narinig mula kay daddy.
(Your mommy and I gave you a gift and it was already outside the restaurant.) (Daddy)
"I'm excited to know what you gift to me, what is it?" ngiti kong pagtatanong sa magulang ko nang tumingin ako sa kanila iba man ang sitwasyon namin ngayon okay na ako sa ganitong set-up kaysa noon na nagtatalo sila.
Nang matapos kami kumain si appa ang nag-bayad ng bill at lumabas kaagad kami sa restaurant at pinakita sa akin ang maroon car na nakaparada sa parking lot.
"This is mine!?" hindi ko pa rin makapaniwalang pagsasalita sa magulang ko medyo naluha sa pagkakita sa regalo ng magulang ko sa akin.
"Yes, the car in front of you is yours," sagot ni daddy sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.
"Gomawoyo, appa." naiiya kong tugon sa daddy ko.
(Thank you, dad.)
"Kapag may panahon ako ay tuturuan kitang magmaneho sa ngayon commute o sumabay ka sa mommy mo kapag umaalis ka ng bahay nyo." slang na pagsasalita ng tagalog ni daddy sa akin tumango na lang ako.
"Baeul su issnayo?" banggit ko sa magulang ko nang lumayo na ako sa pagkaka-yakap kay daddy.
(Can I learn?)
"Ye, dangsin-eun ppalli baeuji moshal geos-ibnida." sagot ni mommy sa akin at sumama na ako sa kanya mag-hihiwalay na kami nang daan.
(Yes, you will learn just not fast.)
Umalis na kami ng eomma ko para umuwi sa bagong bahay na kasama ang bagong asawa nito.
(Mommy)