Chapter 30 - Cheaters!

1572 Words
Sumakay na kaming lahat sa service van at babalik sa hotel kung saan tumutuloy. Naalala ko ang senaryo kanina bago kami umalis sa network nang hahawakan ko ang headset ko at ilalagay sa tenga kinausap ako ni Lee. "Na galge, yeogi gwaenchanh-a?" pagtatanong sa akin ni Lee dahilan para mapatingin ako sa kanya. (I'm leaving, are you okay here?) Napatingin ako sa kanya at tumango na lang ako. "Geunyang joyonghanikka gwaenchanhnyago mul-eossji?" tugon ni Lee nagulat naman ako sa binanggit niya. (You're just quiet so I said if you're okay?) "Jeoneun jeongmal gwaenchanh-ayo, geuligo yeogi pillipin-eseo mandeul yeonghwaleul saeng-gaghago iss-eoyo, geogjeonghaejusyeoseo gamsahaeyo, Lee." tugon ko naman kaagad sa kanya. (I'm really fine, and I'm thinking about the movie I'm going to make here in the Philippines, thanks for the concern, Lee.) Nang dumating kami sa hotel sinalubong sa amin ang mga security guard. Sinamahan kami ng isa sa security guard hanggang sa makarating sa tinutuluyan namin. Makalipas na araw, hinatid ko ang mga kasama namin sa airport may kasama kami bodyguard na mula sa network dahil, ako at ang isang kasama na lang ang maiiwan sa tabi ko. "Kim Joon! Lee Woon!" sigaw ng mga tao at hinaharangan kami ng mga marshal at security guard na sumalubong sa amin. Hindi na ako sumunod sa loob at nagpaalam na lang kami sa isa't-isa umalis na rin kaming dalawa ng kasama ko sa airport para bumalik sa hotel. — Makalipas ng ilang araw, balak kong puntahan ang girlfriend ko sa condo niya at ayain siyang i-date habang wala akong trabaho ngayon. Habang nakahinto ako sa stoplight tinawagan ko ang cellphone niya. Tinanong ko muna ang manager niya kung may trabaho ito pero, day-off niya rin ngayon kaya nagtataka ako kung bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Calling... Calling... Calling... Bakit hindi niya sinasagot ang cellphone niya? Imposible na tulog pa siya hanggang ngayon may ginagawa ba siya ng hindi niya sinasabi sa manager niya sa amin. Nang mapansin ko na umandar na ang kotse sa harapan ko pinaandar ko na rin ang kotse ko. Nang nakarating ako sa condo niya pinarada ko ang kotse sa parking lot bago ako bumaba naglakad na ako walang mga tao na gumugulo sa mha artistang nakatira dito sa condo dahil alam nila na may privacy din kami. Nang nasa harap na ako ng pinto condo niya nakita kong nakabukas ang pintuan nito. Kinutuban kaagad ako sa imposibleng maabutan ko sa pagpasok ko na nangyayari lang sa drama at movie. Hindi niya ito iniiwan na bukas ang pinto kapag natutulog ano ito!? Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan at pumasok ako sa loob napakunot ako nang makitang may sapatos ng lalaki sa sala ng girlfriend ko. Naglakad ko sa kwarto ng girlfriend ko may siwang ang pintuan at binuksan ko ito napahinto ako sa nakita sa kama ang girlfriend ko at ang isang lalaki na hindi ako bulag para hindi ko maisip na may nangyayari sa kanilang dalawa. Ito na ang ebidensiyang gusto ko makita sa hinala ko na niloloko ako. "What is this!?" sigaw ko agad na lumapit sa kama at sinugod ng suntok ang lalaki katabi ng girlfriend ko nagulat silang dalawa at sumigaw ito. "Aaahhh!!!!" tili niya at nagulat nang makita ako na sinusuntok ko ang kasama nitong lalaki. "Mapapatay kita!" gigil kong sigaw at dinaganan ko ang lalaki nagulat nakipag-buno ito sa akin umalis na sa kama ang girlfriend ko. "Waaaggg!!!!" sigaw niya nang haltakin niya ako pinapalayo sa lalaking sinusuntok ko. Binalibag ko ang lalaki sa sahig lumapit ako sa girlfriend ko na umiiyak sa harap ko nakatapis ng kumot sa katawan nito. Para akong sasabog sa galit nang masdan ko ang itsura niya ngayon sa harapan ko. "B—akit?? A—nong ka—sala—nan ko p—ara lokohin mo ako ng ga—nito?" sigaw ko sa kanya lumapit pa ako sa kanya at sinamaan ko siya nang tingin. "S...orry.." narinig kong sagot niya na umiiyak sa harap ko natawa naman ako ng mapakla. "Sin—o siya?" sigaw ko at tinuro ang lalaking nakahiga sa sahig duguan na ang mukha nito sa ginawa ko. "Si Chang Lee ang totoong mahal ko..." sagot naman niya sa akin hindi pa rin siya maka-galaw sa pwesto niya. "Ano ako, ano ako buhay mo?" mahinahon kong sagot kahit alam ko naman ang isasagot niya. "Isang bagay na pang-gamit lang kahit sinubukan kitang mahalin hindi ko nagawa at kaibigan lang talaga ang turing ko sa'yo." bulalas niya. "Naging totoo ka ba sa akin noon?" pagtatanong ko pa rin sobrang sakit naman marinig sa kanya ang sinabi niya. "Hindi," sagot niya mabuti na lang marunong ako mag-pigil na umiyak kahit ang sakit na nang nararamdaman ko sa natutuklasan ko mula sa kanya. "Sana hindi na lang kita nakilala at minahal ng ganito PAGOD NA AKO SA PAGIGING TAHIMIK sa relasyon natin noon pa alam ko na na n—iloloko mo ako NAGING MARTYR ako dahil nagmahal ako mula ngayon kakalimutan ko nakilala kita wag na wag ka na magpapakita sa akin I gave you the respect, trust and true love gave you wasted it!" sigaw ko sa kanya nagagalit ako sa kanilang dalawa at nagagalit ako sa sarili ko. "Sorry, I love him so much..." umiiyak niyang pag-amin sa akin sinigawan ko ang lalaki ng tatayo na ito sa sahig. Gusto ko pa siyang saktan! "May tanong ako, Mariella maging totoo ka sa akin...when we were together...didn't I have a place in your heart?" seryoso kong pagtatanong sa kanya. "I'm..sorry..." sagot niya. Umupo sa sahig na umiiyak at gusto ko siyang sipain kung hindi lang siya babae iniisip ko rin si ate sa kanya. "Ginamit kita para lalo akong sumikat bilang artista," tukoy niya at lumuhod ako sa harapan niya. Hindi na ako makapag-pigil at nasampal ko siya. "You're embarrassing! You are a woman and you still have that kind of attitude, your family is a respected person and then, you have that kind of attitude, I wish I hadn't met you before and loved you." sigaw ko at nilingon ko pa ang lalaki na sinipa ko ang p*********i nito padabog na naglakad ako palabas ng kwarto at mabilis na umalis sa condo ni Mariella. Nakita ako ng isang media at pinic-turan ako wala akong malay na may balitang i-blog sa social media. Sinungaling ka, Mariella minahal kita ng sobra bakit mo ako ginanito!?Ano ang naging pagkukulang ko.p Tinawagan ko si ate at hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Nang buksan ko ang radio station sa loob ng kotse ko napahinto ako bigla sa narinig. Kung Mahal Mo Ako by Jireh Lim Nanadya ka ba? Hindi ko mapigilan na umiyak sa gilid ng kalsada ng hininto ko ang kotse ko. Tumunog ang cellphone ko nang kunin ko kaagad nakita ko tumatawag ang ate ko. Calling... Allen: A—te... Ate (Andrea): Bakit ka tumawag? May problema ba? Allen: Wala na kami ni M—ariella niloko niya ako! Ate (Andrea): Ano? Nasaan ka? Allen: Pauwi na ako, ate.. Ate (Andrea): Dito ka sa bahay pumunta. Allen: Sige, ate ibaba ko na 'to. Binalibag ko na lang ang cellphone ko sa upuan na katabi. Nagmaneho ako papunta sa bahay namin dati noong nabubuhay pa ang magulang namin. Nang hininto ko ang kotse nasilip ko nag-aabang na doon si ate may tinawag itong kasambahay at lumapit ito sa gate binuksan kaya pina-andar ko papasok sa loob ng mansyon. "Allen!" tawag ni ate nang lumapit ako yumakap siya kahit matangkad ako yumuko na lang ako para maabot niya ako. "Ate.." mahina kong tawag sa kanya at hinila niya ako papasok sa loob ng mansyon. May inutos siya sa kasambahay kaya nagmadali itong tumalikod sa amin. "Anong sinasabi mo sa cellphone?" pagtatanong ni ate sa akin nang maglayo na kaming dalawa. Dinala niya ako sa kwarto ko sa second floor natigilan pa ako dahil may nagbago sa itsura nito. Tinulak niya ako sa kama na kinabigla ko naman. "Niloko niya ako, ate dapat aayain ko siyang lumabas pero ako ang nagulat pagdating ko ng condo niya..." bulalas ko hindi ko tinuloy ang idadagdag ko dahil sensitibo na ang bagay na 'yon. "Shh..." nasabi na lang ni ate sa akin nakahiga lang ako at hindi umaahon sa pwesto ko nararamdaman ko ang luha sa pisngi ko. "May kulang ba sa pagmamahal ko?" bulalas ko. "Wala, siya ang may kulang sa sarili niya hindi siya nakuntento sa'yo naghanap pa siya ng iba o pinag-sabay kayong dalawa." sagot ni ate, pinag-sabay pwede... Kaya wala na siyang oras sa akin dahil sa iba niya binibigay ang atensyon na dapat sa akin. "Minahal niya ba talaga ako?" naibulalas ko bigla. "Sasabihin ko na agad sa'yo kung sakaling gawin mo ito sa kanya wag mo na siya balikan maraming babae na nasa paligid mo hindi lang siya, Allen may second chance man sinasabi hindi naman niya deserve." sagot ni ate. Tinawag ni ate ang bago nilang katulong at nag-utos na magluto ng hapunan namin ngayong gabi. "Bakit ang tagal mo kanina sagutin ang tawag ko?" curious ko nang maalala nandito lang pala siya sa mansyon. "Tulog ako kanina napuyat ako sa work," sagot ni ate sa akin. "Ah..." sagot ko na lang may napansin lang ako sa kanya hindi ko siya pipilitin na magsalita. Hinayaan ako ni ate na makatulog sa kwarto ko nang sabihin kong gusto ko matulog. Kakalimutan ko na may naging girlfriend ako na isang tulad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD