Chapter 29

1475 Words
Marami nang reporters at media ang nandoon sa isang studio kung saan gaganapin ang presscon panimula na ito para makasama siya ko sa pelikula. "Nandyan na si miss Kim Joon," narinig kong pahayag ng mga reporter maraming cameraman ang tumutok sa pagpasok ko sa loob. Hinaharangan ako ng security guard na nag-aabang lang at mabilis ako na naglakad natapos na ang music video na kasama ko siya. Kumita ng malaki ang ginawa naming collaboration at tinangkilik ito ng mga tao sa music platform. Nagka-tinginan lang kaming dalawa at tumayo siya nilayo ang upuan bago ako umupo. Sumunod sa akin ang manager ko na tahimik lang sa tabi ko na umupo na rin ngumiti ako sa mga reporter nandoon. Tinawag ng host ang isa sa magsasalitang reporter. "May itatanong ako inyong dalawa," panimula ng reporter nang mapansin namin palipat-lipat ang tingin nito sa amin. "Pwede nyo kaming tanungin, ano ba ang itatanong mo?" basag ko sa pagtingin nito sa aming dalawa. "Kung sakali ba na wala kayong karelasyon magiging kayo ba?" pahayag naman sa aming dalawa ng reporter walang sumagot kaagad dahil wala itong kinalaman sa pelikulang gagawin namin at music video. "Your question has nothing to do with this because this presscon is just for the music video and as we are about to do it, I will answer your question, why not? The only question is, will we both like each other? It also depends, okay?" prangka kong sagot sa reporter nairita ako bigla dahil masyadong personal ang tanong sa amin. Sumabat ang host hindi ko maiwasang ipakita sa kanila ang iritasyon ko sa mukha. "Pwede ba na huwag 'yan ang tanong mo? Walang kinalaman 'yan dito—nex—" putol ng host nang magsalita ang reporter ulit sa amin. "Does that mean you might like each other?" sagot naman ng reporter. May kumalabit sa reporter at nahinto sa pagtatanong. "Kung mahuhulog ang loob namin sa isa't-isa at magmamahalan kami, bakit hindi? Maganda siya at kung iibigin ko siya hindi natin masabi kung mangyayari." tugon niya natulala naman ako at pakiramdam ko may paru-paro na umiikot sa harapan ko dahil sa sinabi niya. Bumuntong-hininga na lang ako at kahit kabado sumagot na rin ako sa tanong. "Pwede naman kami magmahalan hindi 'yong hindi pilit at napipilitan magmahalan mas magandang kusa na umibig kami sa isa't-isa." sagot ko 'yong kasama namin nagsalita dahil below the belt na ang tanong sa amin. "Next reporter please..." sabi ng katabi pa nang katabi niya. Nakita ko nahiya ang reporter sa pagsasalita ng reporter tinawag ng host ang iba pang reporter na nandoon. "Saan ka nag-aral noon?" banggit ng reporter sa akin ako lang naman ang tinatanong dahil foreigner ako sa paningin nila at hindi bulgar ang nakaraan ko sa entertainment. "Sa High Elementary School ako nag-aral nung elementary ako," sagot ko na lang hindi na ako nag-alinlangan kahit marinig niya mismo. Maraming estudyante sa school na 'yon para maisip niya na ako ang dating Yeona na kilala niya. Hindi nakasagot ang reporter at may nagsalita ulit na reporter at tinanong siya. Nakikinig lang naman ako at sumasagot siya nang maayos sa reporter sanay na ito ganito dahil mula pagkabata nandito na siya sa mundong pinasok ko. Hindi siya nakasagot nang mabanggit ang tungkol sa magulang niya na namatay noon. "Will you live here again if you stay here longer?" banggit ng reporter sa akin at naisip ko na hindi sa ngayon dahil ang focus ko ang international career ko. Hindi ko pwedeng sabihin ang favor ng mga boss ko dahil sa amin lang 'yon. "No, the only reason why I'm here is because of my international career, I'll still come back to Korea, I'll just take a vacation here when I want to." prangka kong sagot sa reporter at nagsalita naman ang host tumigil naman ako kaagad uminom ng mineral water sa bottle. "Ang balita dati ka tumira dito at marunong ka magsalita ng tagalog totoo ba? Saan ka tumira noon?" tanong ng reporter sa akin hindi na ako magtatago hindi naman na ako nakatira dito. "Oo, totoo 'yon sa Dasmariñas Village kami tumira noon." sagot ko. "Marunong ka nga magsalita ng tagalog dun ka pala tumira dati," deretsahang sagot sa akin ng reporter nailing na lang ako. "Oo, marunong ako magsalita ng tagalog hindi nga lang katulad ng dati hindi na ako sanay tuloy-tuloy ang pagsasalita ng tagalog." sagot ko. Tinanong kaming dalawa ng reporter at siya lang ang sumagot. "Kapag naipakita na nila ang trailer sa TV dun nyo malalaman ang title ng movie namin," banggit niya. "Tama na sa susunod na lang muli may pupuntahan pa sila," sabat ng manager niya napansin ko na sumenyas ito sa host. Nagsalita ang host at pinatayo na kaming dalawa sa inuupuan namin. "Hindi pa tapos ang interview," tawag sa amin ng reporters sa amin lalo na sa producers na kasama namin. Pinalabas na kaming dalawa at pinalakad palabas ng studio. Pinagka-guluhan kaming dalawa ng mga media sinalubong siya ng girlfriend niya na si Mariella ng yakap nakita ko ang kabiglaan sa kanya bahagya akong umatras sa likod. — Nabigla ako ng may yumakap siya sa akin nang mapansin ko na ang girlfriend ko. Nilayo ko siya dahil maraming reporter at camera na naka-tutok sa amin ngayon. "Sorry, hindi ako nakarating sa date natin naging busy lang ako." sabi niya sa akin may date sana kaming dalawa nung nakaraang araw hindi lang siya nakarating. "Dapat sana nagpasabi ka man lang may cellphone ka, baby busy rin ako." bulong ko sa kanya. Dahil mahal kita tatanggapin ko ang mga kasinungalingan mo sa akin. Alam ko na may kinatatagpo kang lalaki at hindi ko lang matukoy kung sino. "Sorry na nga eh, Allen." bulong niya at nagpaalam sa amin ang manager ko nang lumapit ito hinanap ng paningin ko si Kim Joon kaya lang wala na siya. "Wait," tawag ko sa kanya at hinawakan ang kamay lumingon ito sa akin. "Bakit?" tanong niya. "Saan ka pupunta?" tanong ko at hinigpitan ang pagkaka-hawak sa kamay. May tinignan siya at nakita ko si Kim Joon na kausap ang manager nito. "Sa kotse mo at gusto ko rin kausapin si miss Joon," tugon niya at nilayo ang kamay sa akin. Lumakad na siya palapit kay Kim Joon at nagtaka ako sa narinig mula sa girlfriend ko. "Hotello dol-agagi," narinig namin sa manager ni Kim Joon. (Go back to hotel,) Sinalubong pala siya nung lalaki kasama nila nangangalang Lee mabigat ang loob ko sa taong 'yon kahit wala naman siyang ginagawa sa akin. Hindi ko rin mapaliwanag ang nararamdaman ko habang magkausap sila ni Kim Joon. Hinarangan sila ng mga bodyguard na kasama nila dahil nilalapitan sila ng mga reporter at cameraman inawat ko naman siya sa pag-lapit sa dalawa. "sangcheobad-assnayo?" bulalas ni Kim Joon at hindi man nag-alinlangan na hawakan ang mukha ni Lee sa harap ng maraming tao may tumili pa nga napa-simangot na lang ako. (Are you hurt?) May nagsalita na director at nakilala ko bigla dahil siya mag-direk sa amin. "Excuse me,sa susunod na linggo ang simula ng shooting nyo," tawag pansin ng director sa dalawa. Umalis sa tabi ang mga reporter at cameraman nang mapansin wala na silang mapapala sa amin na interview. Nagtaka si Kim Joon nang lumapit si Mariella kasunod naman sa likuran niya. "Anong kailangan mo?" bungad sa kanya ni Kim Joon nagtaka ako sa mukha nito. "Wait, sorry kung may hindi ako magandang nasabi sa'yo nang makabunggo tayo sa Zandovar," sabi niya kay Kim Joon nagka-salubong na sila? Nagka-kilala na sila hindi pa nila nabanggit sa akin? "Wala 'yon," tugon ni Kim Joon binitawan niya si Lee. Kinausap si Kim Joon nang manager niya sa kanilang language naghihintay lang ako matapos sila mag-usap bago sumabat. "Aayain ka namin sana sa mini celebration," sabat ko nang huminto sila sa pag-uusap nabaling naman niya ang tingin sa akin at si Kim Joon. Tinignan pa ni Kim Joon ang girlfriend ko bago sumagot sa alok ko. "Hindi ako pwede," sagot ni Kim Joon. Umiwas at umalis na lang si Kim Joon lumapit sa mga kasamahan niya sumunod sa kanya si Lee feeling ko na-disappointed ako nang hindi ko alam kung bakit. Tinignan ko naman ang girlfriend ko pagkatapos nang mapansin ko kakausapin ako. "Gwaenchanh-a?" narinig kong banggit ni Lee kay Kim Joon. (Gwaenchanh-a?) "Ne, jeoneun gwaenchanh-ayo." narinig kong sagot ni Kim Joon kahit hindi ko maintindihan nagtataka lang ako sa expression ng kanilang mukha. (Yes, I'm alright) Lumingon pa sila sa amin ngumiti ang girlfriend ko sa kanya naka-hawak siya sa braso ko. Sumunod na rin kaming dalawa kasama ang manger namin sa van na kami sumakay para pumunta sa restaurant doon kami kumain. Hindi na ako nagsasalita nakikinig na lang ako sa pag-uusap nila sa loob ng van hanggang sa umuwi na kami at hinatid namin sa condo ang girlfriend ko nauna naming hinatid ang manager nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD