Chapter 40 - 'Ex' is Back

1700 Words
Sinabi ko sa kanya ang napag-usapan namin ng magulang ni Mariella ang hindi ko lang binanggit ang alok nila noon bago ako bumalik sa Korea. "Sa tingin mo, Allen para hindi na ako gambalain ng ex mo lumipat na lang ako ng station? Tapos, permanente na akong manirahan dito sa Pilipinas na kasama ka." sagot ko bigla sa kanya nag-uusap na kami tungkol dito kahapon nabanggit ko lang ulit dahil wala akong natanggap na sagot sa kanya. "Ikaw ang bahala kung ano ang desisyon mo papayuhan lang kita, Joon gusto mo ba talaga dito permanenteng tumira?" tanong niya nasa loob kami ng sasakyan papunta sa network. "Oo, kung saan ka doon ako...kung saan ka komportable doon ako pero, kung ganoon din ang sasabihin mo sa akin doon tayo sa talagang gusto nating place sabi mo nga, ipakita natin sa isa't-isa ang totoong tayo? Gusto kong kilalanin pa natin ang bawat isa." amin ko sa kanya bumitaw siya sa manibela at hinawakan ang kamay ko. "Napaka-transparent mo," sabi niya inamin ko naman may insecurities ako sa mga taong alam kong nakaka-angat sa akin sinabi naman niya normal 'yon huwag lang sumobra na makakasakit ng damdamin. Tinanong niya rin ako kung selosa ako at sinabi ko na hindi naman ako madaling magselos kung walang dahilan para magselos. Normal naman 'yon sa aming dalawa seloso siya nilulugar naman niya ang pagseselos lalo nasa mundo kami ng industriyang 'to. "Dahil ayokong mangyari ulit ang nangyayari ngayon sa buhay mo," sagot ko. "Sabi mo, may hindi ka pa sinasabi sa akin, ano 'yon?" tanong niya. "Sa tamang oras at panahon, Allen ayoko rin 'to itago sa'yo gusto kong kilalanin muna natin ang isa't-isa." sabi ko sa kanya pinisil ko ang kamay niya na hawak ko. Habang nagmamaneho siya ng kotse papunta kaming dalawa sa hamman network. Tumunog bigla ang cellphone niya nagka-tinginan pa kaming dalawa nasa bulsa niya ang cellphone. "Pakibasa ng kung sino ang nag-text wala na 'yan password," sabi niya sa akin nag-aalangan ako na kunin 'to sa kanya. Kinuha ko ang cellphone sa nasa likod ng bulsa niya dumikit ang dibdib ko sa kamay niya umiwas agad ako nang makuha ko ang cellhone niya napabitaw siya bigla sa manibela at huminto ang kotse sa tabi. "S-orry," utal ko naman kaagad at umiwas bigla at binuksan ang cellphone niya. Text message Manager/ninong: Nagbalik na siya mula sa Dubai ang ex mo. Pinatong ko lang ang cellphone niya sa harapan niya. "Nagbalik na daw si Mariella," sabi ko sa kanya 'yon na lang ang alam kong tinutukoy ng manager niya. Natahimik kaming dalawa nang wala sa oras bumuntong-hininga na lang ako. "Bumalik na siya, mama ko kung ano ang nasa isip mo hindi ko 'yon gagawin," sabi niya. "Handa naman akong ibalik ka sa kanya dahil ikaw ay KANYA," sabi ko. "Hindi na, matagal na siyang walang karapatan sa akin mula nang niloko niya ako," sabi niya hindi naman ako nagsalita. "Sasabihin ba natin sa kanila na kasal na tayong dalawa o itatago pa natin?" banggit ko sa kanya nang balingan ko siya ng tingin. "Bumalik na siya kaya dapat na natin sabihin sa kanya ang tungkol sa kasal natin at ipakitang wala na siyang babalikan sa akin," sagot niya umalis na kami sa hinintuan namin. "Kung mag-pumilit sya na makipagbalikan?" ulit kong pagtatanong sa kanya nang ganitong banggit. "Ipapakita natin ang Marriage Contract na nakuha natin sa judge, at ipamukha na wala siyang mahahabol sa atin." sagot niya hindi naman ako nagsalita o nag-isip ganoon ang Hindi ako nakaimik at bumuntong-hininga na lang ako. Nakarating kami sa hamman network pinarada niya ang kotse. Nang naglalakad na kami sa hallway nakarinig ng mga usapan sa mga taong nakatayo at nasasalubong. "Nandyan daw si Mariella," "Paano 'yan maghaharap ang past at present," "Ang balita pa naman mag-fiancee at fiance na daw ang dalawa bigla totoo nga siguro na inagaw niya si Allen," Umirap pa sa akin nang mabaling ang tingin ko sa kanila. "Hindi naman kung sila na noon nakikita natin dapat palagi dito si miss Joon hindi sa kampi ako sa kanya," "Oo nga naman, tahimik nga siya dahil guilty lang 'yan lalabas din ang totoo sa bandang huli," Pinisil naman niya ang kamay ko dahilan para tumingin ako sa kanya at may binulong siya sa tenga ko. "Wag mo na sila pansinin," sabi niya. "Narinig mo nasa loob si Mariella," sagot ko sa kanya nang mahina sa kanya. "Dumidikit na naman dahil malapit na siya malaos," bulong niya sa akin. Pumasok na kaming dalawa sa loob nang magka-holding hands. Pinag-tinginan kaming dalawa ng mga nasasalubong na celebrities. "Nasa may dressing room mo siya," bungad ng manager/ninong sa amin nang makita sa tapat ng dressing niya. Tumango siya sa manager niya at nauna na kami naglakad kasunod ang manager niya bumungad sa amin ang nakangiti na si Mariella. Nakita ko na nabaling ito sa amin at hindi ko binitawan ang kamay niya. "Baby," tawag ni Mariella medyo nakaramdam ako ng pagka-duwal sa narinig ko napatingin pa ito sa akin. "Dun ka muna sa tabi ni manager mama ko," tawag niya sa akin at binitawan niya ang kamay ko. Sumunod ako sa kanya at pumunta sa manager nito at tumabi ng upo. "Baby, I'm sorry again and again," sabi ni Mariella sa kanya. "Hindi ko kailangan ang sorry mo," sabi niya sa dating girlfriend nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. "Siya ang dahilan ng hiwalayan natin," tukoy ni Mariella tinuro ako bigla kunwari nagulat ako. "Isara mo ang pintuan, manager nakalimutan kong isara." sabi niya at napatingin sa pintuan ng dressing room na may mga taong naka-tunganga sa labas. "Bakit ipasasara mo? Ayaw mo makita nila na at marinig nang dahil sa babaeng 'yan kaya nag-hiwalay tayo?" sigaw ni Mariella sa kanya. Nang tatayo na ako may humawak sa akin ng balingan ko nang tingin ang kamay na humawak sa akin. "Sige, huwag mo isara gusto mo iparinig sa kanila SIGURADO KA?" galit nasigaw niya unang beses ko siyang makita na magalit sa harapan pa ng dating girlfriend niya. "B—a—" sabi ni Mariella sa kanya nakatingin lang ako. "You know the truth, that was two years ago." sabi niya kay Mariella hindi naman ako sumabat sa kanya. Nagsisigaw ito sa amin at nang susugurin ako hinarangan naman ako ng manager niya. "Siya ang dahilan ng pag-hihiwalay nating dalawa!" sigaw ni Mariella sa amin. Nakagulat siya kung sumigaw siya sa harapan ko. "ALAM MO NAMAN NA MAYROON KANG KARELASYON MALIBAN SA AKIN HINDI LANG KITA KINAUSAP NOON UNA KO KAYO NAKITANG NAG-HAHALIKAN PERO NOONG PANGALAWA NA SA CONDO MO NAHULI KO KAYO SA KWARTO MO NAKAKUMOT KAYONG DALAWA hindi ko na kinaya ang panloloko mo sa akin naging loyal ako sa'yo kaya WAG NA WAG MO ISISI KAY JOON ANG PAG-HIHIWALAY NATIN DINAMAY MO SIYA TAHIMIK SIYA SA BANSA NILA!!!!" sigaw niya gusto kong awatin sila dahil ikakalat ng mga nakakarinig ang sinasabi nila at babaguhin nila ang kwento. "B—a—" putol ni Mariella sa sasabihin niya huminga na lang ako. "Huwag mo na ako istorbohin! May bagong buhay na ako at kung meron man na ako wala kang pakialam." sigaw niya kay Mariella. "B—a–" tawag ni Mariella sa kanya. "UMALIS KA SA LOOB NG DRESSING ROOM KO TATAWAG AKO NG GUARD KUNG HINDI KA PA AALIS." sigaw niya sa kanya hindi na ako nakatiis at tumayo para lapitan siya. "Papa ko, kalma lang..." bungad ko napatayo ako bigla at lumapit sa kanya hinawakan ko ang braso niya. "UMALIS KA NA!" sigaw niya sa dating boyfriend nakita ko ang pag-iyak ni Mariella. "Umalis ka na, Mariella." nasabi ko kay Mariella. Umalis si Mariella sa dressing room at napaupo siya bigla sa couch. Kumuha naman ako ng tubig sa mini ref umalis din ang manager niya inabutan ko siya ng tubig. "Pupunta ka pa sa guesting?" tanong ng manager/ninong niya nang lumingon panandalian. "Hindi muna siya pupunta, manager nasa paligid si Mariella guguluhin niya lang si Allen." sabi ko muna sa manager niya hindi naman siya sumabat. Napatango na lang ang manager sa aming dalawa bago kami iwanan sa dressing room. "Thank you," sabi niya at tinabihan ko siya kaagad dumantay naman siya sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay niya parang napagod siya sa ginawa niyang makikipag-argumento kay Mariella. May awa ako sa kanilang dalawa kaso, sobra naman ang ginawa ni Mariella sa kanya minahal ba talaga siya o ginamit lang para sa kasikatan? "Thank you, saan?" tanong ko naman sa kanya. "Dumating ka sa buhay ko nang nabigo ako sa kanya," sagot niya. "Kailangan mo na talaga mag-move forward, Allen, may mga alaala ka man na kasama siya baunin mo iyon at kung may hindi magandang alaala ka itapon mo iyon gumawa tayo ng alaala na tayong dalawa naman." sabi ko sa kanya. "Paano kung may tao na hindi ko kayang mawala dito?" tanong niya at tinuro ang puso pati ang isip niya. Tinignan ko muna siya bago ako magsalita. "Is that Mariella?" tanong ko. "Hindi siya, Joon, kahit hindi ko siya ng matagal noon ay pakiramdam ko matagal ko siyang nakasama at nakilala dahil hindi niya ako tina-trato na iba sa trato sa akin ng mga tao noon sa pamilya namin at siya si Yeona, siya ang unang pag-ibig ko." kwento niya gusto kong ngumiti ng malapad sa mukha niya pero, hindi ko ginawa. Sobrang saya sa pakiramdam na ganoon ako sa kanya kung pwede ko lang sabihin natatakot lang talaga ako. Hindi naman siya nawala sa akin mula't-simula siya lang at walang iba kahit sinubukan kong ibaling ang damdamin ko sa iba hindi siya nawawala sa puso ko. "Believe it or not, Allen I will never leave you I hope you are the same with me when there is a misunderstanding let's fix it immediately if we can't agree on something else, and if it's not okay I want us to be okay in the end there is no resentment in our hearts." seryoso kong sabi sa kanya nagka-titigan kaming dalawa at hindi ako sumagot. Hinawakan niya ako sa kamay ko at tumayo kaming dalawa para lumabas kami ng dressing room. Lumabas na kaming dalawa sa hamman network at namasyal sa Eastwood.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD